-----
Gian's POV
Napansin kong parang hindi na sumusunod sa amin sina cris at allison kaya naman bumalik kami baka mamaya ay magkahiwalay pa kami. Nakita naman namin agad si allison, kaya nga lang parang may pinagtataguan siya tinakpan niya ang kanyang bibig at hindi siya gumagalaw.
Nang mapansin kong tumayo na siya ay dun na kami pumunta kay allison, tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko. Natakot naman siya sa ginawa ko kaya hinarap ko siya sa akin at tinanggal ang kamay ko.
"Walang-hiya ka gian ikaw lang pala yan. Akala ko yung taong nakamaskara na eh." Sabi niya na ipinagtaka ko.
"Bakit ba parang may pinagtataguan ka diyan?" Tanong naman ni kate sa kanya.
"Ayun nga gian, kate eh. May nakita akong isang tao na nakahoodie jacket at nakamaskara pa sa tingin ko siya na ang dumukot sa mga kaibigan natin." Paliwanag niya.
"Sigurado kaba sa mga sinasabi mo?"
"Oo gian at isa pa napansin kong parang may hawak siyang patalim na nilagay niya sa kanyang bulsa nakakatakot siya gian ang tingin ko sa kanya ay kaya niyang pumatay ng tao. Sa tingin niyo siya na kaya ang dumukot sa dalawa nating kaibigan? Sana naman ay wala siyang ginawang masama kay jhonny at rica." Sabi niya na makikita mo sa mukha na natatakot na siya.
"Sandali lang." Napatingin naman kami kay kate.
"Nasaan si cris?" Tanong niya, oo nga nasaan na ang kapatid ko baka mamaya siya na ang susunod na kuhanin ng sinasabi ni allison na taong nakamaskara.
"Hindi niyo ba kasama? Kayo nga ang nang-iwan sa akin eh."
"Sinabi ko sa kanya na bantayan ka niya hanggang sa matapos kang umihi."
"Ano? Huwag niyong sabihing nawawala rin si cris?" -allison
"Baka dinukot na rin siya nung taong nakamaskara na sinasabi ni allison, gian." Sabi ni kate na mukhang natatakot na rin.
"Huwag kang mag isip ng ganyan kate hindi mangyayari yun kay cris, halika na at umuwi na tayo mukhang hindi na maganda ang nangyayari dito dun na lang natin hintayin ang iba at malay mo nandun na rin si cris." Tumango naman sila at nagsimula na kaming maglakad pauwi. Wala naman sanang nangyaring masama sa kapatid ko.
-----
Rica's POV
Nakakadena pa rin ang kaliwang kamay ko sa bakal maging ang dalawa kong paa, ang sakit na nararamdaman kong bumabakat na ang mga kadena sa aking balat. Alam ko kung saan inilagay nung killer ang mga susi kaya lang hindi ko ito makuha kasi hindi ako makatayo sa sobrang lata ko, nanlalata ako kasi hindi pa ako kumakain simula kanina. Nasaan na ba yung taong nakamaskara na yun?
Narinig kong parang may papalapit na sa kinaroroonan ko sana lang ay eto na yung taong nakamaskara sana rin ay may dala siyang pagkain at pakawalan na niya ako dito, makonsensya naman sana siya. Pagbukas ng pinto ay nagulat na lang ako sa aking nakita...
"Elle?" Sabi ko, si elle bakit siya nandito? Hindi kaya siya na yung tao sa likod ng nakamaskara?
"Ikaw siguro yung taong nakamaskara noh? Ikaw ang dumukot kay jhonny at pinatay siya ganun din ang ginawa mo kay kenneth napakawalanghiya mo ikaw lang pala bakit mo ginagawa sa amin ito!" Tuluy-tuloy kong sabi sa kanya ng pasigaw.
"Anong pinagsasasabi mo rica? Anong nangyari sayo at bakit ka nakakadena tsaka anong sinasabi mong ako yung pumatay sa mga kaibigan natin? Hindi ako yun rica sa katunayan nga hinabol pa kami ng taong nakamaskara na nakahoodie jacket pa kaya ako napadpad dito eh, naiwan ko si marky sa kanya kasi natamaan niya ng kutsilyo at wala na akong nagawa hindi ko man lang natulungan si marky. Sana lang ay ligtas pa siya dahil kung hindi, hindi ko mapapatawad ang sarili ko..." Paliwanag niya na agad naman tumulo ang luha sa mga mata niya
BINABASA MO ANG
A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]
Mystery / ThrillerA Friend's Secret....Paano na lang kung ang magkakaibigan ay may tinatagong sikreto na hindi kayang sabihin sa iba? Sasabihin ba o itatago na lang ito habang buhay. Paano kung dahil sa sikretong ito ay unti-unting maubos o mamatay ang magkakaibigan...