AFS-15 ( What is the Truth? )

351 25 4
                                    

-----

Jonas's POV

Nagising na lang ako sa gutom na naramdaman ko, tumingin ako sa relo ko 3:15 am ang oras bumaba ako upang kumain hindi na naman pala ako nakapaghapunan kanina


Habang kumakain naman ako ay parang may napansin akong dumaan papanik sa taas may harang kasi ang kusina eh kaya hindi makikita kung may tao man sa labas nito. Agad naman akong tumayo upang tignan kung may tao nga wala naman akong nakita pumanik ako sa taas nakita kong sarado naman ang mga pintuan nila.


Napakamot na lang ako sa ulo ko baka guni-guni ko lang yun, bumaba na lang ako at nagpatuloy ng kumain.  Matapos kong kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko at dumiretso na sa taas upang matulog ulit. Akala ko pa naman si jhonny na yung nakita ko...

-----

Alice's POV

Paggising ko kinaumagahan ay wala na si monique siguro ay nasa baba na yun tumingin naman ako dito sa katabi kong rica, infairnes dito kay rica ah ganun pa rin yung posisyon niya hindi ba to nangangalay. Tumayo na lang ako at bumaba na upang mag almusal nakita ko namang nasa kusina yung mga babae kaya naman nagmadali ako at baka maubusan, hihi.

"Oh bat di mo pa ginising si rica?" Tanong ni monique ng makalapit ako sa kanila.

"Ah yun ba? Naku ayun tulog na tulog pa rin, akala mo siya ang pinaka-napagod eh." Nagtawanan naman ang iba.

"Di bale tatawagin ko na lang siya pagtapos kong mag almusal, nahuhutom na ako eh at baka ubusan niyo pa ako." Pagbibiro ko, umupo na ako sa tabi ni monique at nagsimulang kumain.

"Guys! Ilang araw na lang pala at uuwi na tayo noh?" Sabi naman ni kate.

"Oo nga eh, medyo bitin nga yung two weeks eh." Sabi naman nitong si elle.

"Di bale sa susunod sasabihen ko kay gian 1 month na tayo dito at magsama ulit tayo ng ibang mga friends!" Sabi pa ni kate.

"Talaga kate? Gusto ko yan!" Sabi naman nitong si elle. Napansin kong papunta naman dito ang crush kong si jake, apat na babae lang kasi kami dito ang iba nasa living room yata nakita kong kasunod niya rin si jonas.  Kumuha ng kape si jake at si jonas naman ay uminom ng tubig.

"Nga pala pare may naalala ako." Agad naman kaming napatingin sa dalawa na nakatayo hawak ang kanilang mga baso.

"Ano yun jake?" Tanong naman ni jonas.

"Ah kaninang madaling araw kasi eh medyo napansin kitang lumabas, bakit?" Tanong ni jake.

"Ah wala nagutom lang, diba hindi ako nakakain kagabi?" Sagot naman ni jonas.

"Ah ganun ba." Sabay ngiti ni jake, gwapo niya talaga.

"Hindi ka naman bumaba pare?" Tanong naman ni jonas.

"Hindi naman bakit?"

"Ah kasi kaninang madaling araw parang may napansin akong kakaiba eh, parang may taong pumasok at dumiretso sa taas sigurado ka pare hindi ikaw yun?" Parang nagtaka naman ako sa sinabi ni jonas sino naman kaya yun.

"Oo pare hindi ako yun, ano namang gagawin ko sa labas ng ganung oras baka guni-guni mo lang yun." - jake

"hindi guni-guni ni jonas yun, dahil ako yun..." Napatingin naman kami kay monique.

"Ano namang ginagawa mo sa labas ng ganung oras?" Tanong ni kate na mukhang nagtataka.

"Ah wala naman, nagpahangin lang medyo nainitan eh kahit aircon pa yung kwarto ang init, hindi ko naman napansin si jonas sa kusina eh kaya dire-diretso lang ako hanggang makapasok ng kwarto." Paliwanag ni monique.

A Friend's Secret (FINISHED) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon