Chapter 1

2.1K 31 3
                                    

(Vic's POV)

“Ma’am Vic, gising na po. Nakahanda na po yung almusal niyo.” Sabi ng katulong namin habang kumakatok sa pinto. Nakakainis naman to oh! Ang aga aga pa eh.

“Mamaya na! Inaantok pa ko.” Ang sabi ko sabay talukbong ng kumot.

“Pero ma’am, pinapagising na po kayo ng Mommy niyo. May sasabihin daw pong importante.”

“Haaay nako oo na, sige! Umalis ka na.” Nakakainis talaga. Ang sarap pa naman matulog. Ano naman kaya yun at kailangan ngayon pa talaga?

Wala na kong magagawa kaya bumangon na ako at naghilamos at pagkatapos ay bumaba na rin.

“Good morning Ma. May importante ka daw na sasabihin sakin?” Ano kaya yun at kailangan ganto kaaga pa niya sabihin?

“Maghanda ka na. May dadating tayong mga bisita.” Ang sabi niya habang kumakain. Yun na yun? Akala ko naman sobrang importante.

“Sino naman sila, Ma?” tanong ko habang nagsimula na kumain.

“College friends ko.”

“Bakit naman daw po sila dadalaw?”

“Basta malalaman mo mamaya. Kumain ka na dyan.” Ang sabi niya, halatang naiirita na.

“Ah, okay.” Sagot ko.

“Bilisan mo na at parating na sila. Umayos ka Vic ha, lalo na’t kasama nila yung anak nila na kasing edad mo.”

“Yes, Ma.”

After 1 hour ay tapos na kong mag-ayos. Narinig ko naman na may kausap si Mama sa baba. Siguro andito na yung mga bisita kaya naman bumaba na ko.

“Good morning po” bati ko sa kanila. Asan kaya yung anak nila na kasing edad ko?

“Ay siya nga pala Bhaby, ito si Vic ang anak ko.” Ang sabi ni Mama sa babaeng  Bhaby ang pangalan na naka damit-probinsyana pero maganda.

“Ah, ikaw pala iha. Lagi kang nakukwento sa aking ng Mama mo. Kamusta ka na?”

“Okay naman po. Eto, gwapo pa rin.” Ang sagot ko, sabay tawa at hawi sa buhok. Lakas ko rin eh.

“Nakakatuwa naman tong anak mo, Jen. Siya nga pala, asan na si Mika nang makilala na niya si Vic.” Mika? Sino kaya yun? Baka yung anak nilang babae. Baka mabait at maganda yung katulad nung mama niya.

Nagsimula na mag-usap si Mama at si Tita Bhaby kaya umalis muna ako at nagpunta ng kusina para kumuha ng juice pero bigla na lang may bumangga sakin and the next thing I know, basang-basa na yung damit ko.

“Ano ba naman yan! Bulag ka ba?” pagrereklamo ko. Totoo naman eh. Hay nako basang-basa na yung damit ko! Nakakainis.

“Sorry! Hindi ko sinasadya, sorry talaga!” sagot ng babaeng maiksi ang buhok  at baduy manamit. San ba galing ‘to?

Kinuha ng babae yung panyo niya at pilit na pinupunasan yung damit ko. Lalo akong nainis kaya tinaboy ko yung kamay niya. “Sa susunod kasi, mag-iingat ka lalo na’t wala ka sa pamamahay mo! Tabi nga dyan!”

“Sorry talaga.”

“Dapat lang!” badtrip talaga. Maaga na nga ako ginising tapos ganito pa?!

Paakyat na sana ako para magpalit nang biglang dumating si Mama. Napa kunot ng noo naman siya sa nakita niya.

“Anong nangyayari dito?” tanong niya habang naka pameywang.

“Ay, tita sorry po. Nagmamadali po kasi ako, ‘di ko namalayan may tao pala kaya ayan, natapunan ko siya ng juice.” Sagot naman ng babae.

“Nako, okay lang yan iha, tutal andito na naman kayo. Vic meet Mika and Mika meet Vic.” Tuwang-tuwang sabi ni Mama.

Mika?! Siya pala si Mika?! Maganda sana kaso bulag na nga, baduy pa.  

Hi! First kara ff ko po ito hehe sana po magustuhan nyo. wag kayo masyadong magexpect kasi di po ako ganun kagaling huhu kaya pagpasensyahan nyo na lang kung mejj boring :))

Votes and comments are highly appreciated

#KaRaAllTheWay

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon