KABANATA 1

76 6 0
                                    

KABANATA 1
Written by HottestApoy

ALICIA'S POV

"Why water is so important to our body?"

Iyan ang tanong ng Professor namin. Agad akong tinamaan sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit may kirot pa rin sa dibdib ko kahit na tanggap ko na ang sakit ko. Ito ako at wala akong magagawa.

Tumaas ang kamay ng isa kong kaklase ay sumagot ito.

"For us to stay alive." Sagot niya.

Swerte pa pala ako dahil buhay ako? Hindi rin dahil unti-unti akong pinapatay ng sakit ko.

May tumaas pa ng kamay at handa ng sumagot. Agad siyang tinuro ng Professor namin.

"Yes?" Tanong ni Sir.

"For us to stay hydrated." Sagot nito.

Pero ako hindi. Tuyo ang labi ko at dry skin ako. Hindi kasi ako pwedeng mabasa ng tubig dahil allergic ako dito.

"Water has the biggest part to our lives..." At nagpatuloy pa ang Professor ko sa pagdi-discuss tungkol sa importansya ng tubig.

I am Alicia Clemonte na nasa edad 19 na at kumukuha ng kursong Education major in Science. Second year college na ako at may dalawang taon pa ako para tapusin ang kurso ko.

I have a water allergy. May allergy ako sa tubig kaya bawal ako mabasa. Para sa isang tulad ko na may ganitong sakit ay napakahirap mabuhay.  Napakalaking parte ang ginagampanan ng tubig sa ating buhay tapos ako magkaka-allergy sa tubig? Iniisip ko palang kung paano ako mabubuhay ng walang tubig ay nahihirapan na ako. Kailangan kong umiwas sa tubig dahil pwede ko daw ikamatay yon. Pagdating sa pagligo ay nahihirapan ako. Sa isang buwan ay dalawang beses lang ako kung maligo dahil kung hindi ay ikamamatay ko ang sakit. Sa tuwing maliligo ako ay punas-punas lang ang ginagawa ko kasi masakit at mahapdi talaga sa balat ang tubig. Sa pag-inom ko? Isa rin ito sa pinakapasakit at nagpapahirap na gawain sakin. Sa isang araw ay talagang konti lang ako kung uminom dahil talagang makati at masakit sa lalamunan. Hindi ako pwedeng umiyak dahil sasaktan ko lang ang sarili ko. This is the worst life I ever had. Kapag napagod ako at napawisan masasaktan pa rin ako. Para bang sa bawat galaw ko at gagawin ko ay sakit ang kapalit. Ganito kalupit ang tadhana sakin. May gamot naman akong iniinom tuwing aksidenteng nababasa ako. Tumutulong ang gamot na yon para bawasan ang sakit at hapdi na nararamdaman ko. Sa tuwing mababasa ako ay namumula na agad ang balat ko tapos magkakaroon ng pantal. Kasabay ng pamumula ay magiging makati ang parte ng katawan kong yon at sasakit na. Sobrang sakit nito kumpara sa ibang allergies. Ayon sa doctor ko uncurable daw itong sakit ko at yung mga gamot na iniinom ko ay para mabawasan ang sakit na mararamdaman ko kapag nabasa ako.

Nag-start ang allergy kong ito noong 12 years old ako. Maliligo na dapat ako noon kaso kamay palang ang nababasa sakin at nangati na yon. Nagpacheck-up kami at lumabas sa result na allergy ako sa tubig.

Nakakalungkot isipin na hindi na ako pwedeng maligo, hindi pwedeng pagpawisan, hindi pwedeng umiyak at hindi pwedeng mabasa. Life is so unfair. Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo ay ako pa ang nagkaroon ng ganitong sakit?

"Uy, Ali!" Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Hailey.

Si Hailey ang kaibigan simula pa noong 9 years old ako. Kapit-bahay ko siya at alam niya rin ang tungkol sa kondisyon ko. Masasabi kong siya ang saksi sa paghihirap ko sa sakit kong ito.

"Ha? Bakit?" Tanong ko kay Hailey.

Naupo siya sa harap ko.

"Class dismissal na tulala ka pa rin diyan, iniisip mo na naman yang sakit mo?" Tanong ni Hailey.

"Hindi ah!" Pagsisinungaling ko.

"Naku! Halika na nga sa Cafeteria nagugutom na talaga ako." Pag-yaya ni Hailey.

"Sige, ang takaw mo talaga hindi ka naman nataba." Sabi ko.

"Hoy, Alicia Clemonte! Normal kasi ang metabolism ko kaya stay fit ako sa pagiging sexy." Sabi ni Hailey at tumayo na sa pagkakaupo.

"Aayusin ko lang ang gamit ko bago tayo pumuntang Cafeteria." Sabi ko.

Nagkalat kasi sa desk ko yung mga libro at notebook ko.

"Dalian mo na lang sa paglilikom." Sabi ni Hailey na nababagot na.

"Takaw!" Sabi ko at tumawa.

"Ewan sayo, hindi pa kaya ako kumakain ng breakfast dahil nalate ako ng gising." Paliwanag niya.

Never pa akong nalate ng pasok dahil kailangan maaga akong pumasok para makita ko si Matthew Levi na nagpa-practice ng swimming sa pool area. Matagal na akong may gusto kay Matt kaso nahihiya akong lapitan siya. Nakakahiya kaya lalo't hindi naman kami close o magkakilala man lang. Nasa iisa kaming university na pinapasukan pero hindi ko man lang siya nakakausap kahit minsan.

Ang alam ko Education din ang course niya at Physical Education ang major niya. Dahil nga sa under siya ng Physical Education nag-try-out siya bilang swimmer at dahil talaga namang magaling siya nakapasok siya. Lagi siyang inilalaban ng school namin sa ibang school para sa mga swimming competition. Minsan ko na rin siyang nakitang lumaban. Mabilis talaga siyang lumangoy. Everytime na may practice siya ng swimming pumapasok talaga ako ng maaga para panoorin siya. Masasabi kong marami ring tagahanga si Matt dahil gwapo naman siya tapos ang muscular pa ng katawan niya, may abs at talented. Ang perfect niya bilang ideal boyfriend.

Nakakatawa lang kasi allergy na nga ako sa tubig tapos nahulog pa ang puso ko sa isang swimmer na walang ginawa kung hindi ang lumangoy ng lumangoy sa tubig. Hindi na rin ako umaasa na mapapansin ako ni Matt dahil hindi kami compatible sa isa't isa. Isa siyang swimmer at ako isang babaeng may allergy sa tubig. Hindi ako magiging supportive na girlfriend dahil bawal ako sa tubig. Ano nakaupo lang ako sa bleachers habang siya ay nalangoy? Hindi ko naman pwedeng iabot ang towel niya dahil mababasa din ako. See? We are not match for each other. Tsaka wala naman akong pag-asa sa kanya. Malayo sa katotohanang mahulog ang loob ng isang Matthew Levi sa tulad ko.

Walk With Me (Finished✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon