KABANATA 18

22 5 0
                                    

KABANATA 18
written by HottestApoy

ALICIA'S POV

"Mobi, huwag kang bibitaw, okay? Kaya mo yan!" Boses iyon ni Matt.

Hindi iyon malinaw sa akin dahil nabibingi na ako sa ingay ng paligid. Nasa loob ako ng ambulansya at narinig ko na lang ang pagsara ng pinto nito. Rinig na rinig ko ang sirena nito na tila nagmamadali. May inilagay silang kung ano sa ilong ko na tumutulong yata sa paghinga ko ngunit hindi pa rin iyon sapat. Hinahabol ko ang hininga ko habang namamanhid na ang buo kong katawan sa sobrang sakit.

Ramdam ko na basang-basa ang buo kong katawan. Hawak din ni Matt ang isa kong kamay at ramdam kong nanginginig iyon.

"Ipapakilala na kita sa parents ko kaso nangyari 'to." Sabi ni Matt. Basag ang boses niya.

Hindi ko naman siya ganun masilayan dahil hindi ko maimulat ang mata ko. Bumibigat ang talukap ng mata ko at gustong-gusto ng pumikit.

Pinilit kong ngumiti sa sinabi ni Matt pero nahihirapan ako. Gusto kong sabihin kung gaano ko siya kamahal kahit sa huling pagkakataon.

Ito na siguro yung oras na para magpaalam sa kaniya. Ito na siguro yung huli kong araw, oras, minuto at segundong makakasama si Matt. Ang hirap lang tanggapin na matatapos kami sa ganito, sa loob ng ambulansya kung saan nag-aagaw buhay na ako.

Gusto ko pa siyang yakapin at hagkan sa huling sandali ng buhay ko. Gusto ko pa sana siyang makasama ng matagal pero dito na matutuldukan ang lahat. Dito na matatapos ang lahat. Gusto ko pa siyang pasalamatan dahil sa pagmamahal niya sakin na kahit sa maikling panahon ay ipinaramdam niya sakin. Siya yung taong nagbigay kulay sa buhay ko sa maikling panahon.

Sana makausap ko din si Mama kahit saglit lang. Lumalaban naman ako pero lumalalim na ang paghinga ko at mas namamanhid ang katawan ko. Gusto kong makausap si Mama at pasalamatan siya sa lahat. Sa buhay, sa pagmamahal sakin at sa pag-intindi sakin. Gusto ko din muling makausap si Alice na siyang nagparaya para sa pag-aaral ko. I want to thank her.

Si Hailey, gusto ko din magpasalamat sa kaniya dahil siya yung naging matalik kong kaibigan na laging nandiyan para sakin. Handa siyang suportahan ako sa lahat ng gusto ko. Thank you for being my human diary. Thank you for everything.

Hindi ko sinisisi si Lucy sa nagawa niya sakin. Wala siyang ginawang mali dahil minahal niya lang si Matthew ng wagas. Naiintindihan ko siya, nadala lang siya ng damdamin niya kaya niya nagawa sakin ito. Hindi niya rin alam ang sakit ko kaya wala siyang kasalanan. Thankful pa ako sa kaniya dahil kahit sa huling araw ko dito sa mundo ay muli kong naramdaman ang pakiramdam ng nasa tubig. Muli kong naranasan kung paano mabasa nakakalungkot lang dahil hindi ko na-enjoy.

"M-Mobi..?" Tawag sakin ni Matt.

Malit lamang ang mulat ng mata ko dahil hindi ko na magawang imulat ng maayos. Ang sakit ng buong katawan ko. Humahapdi ang buong balat ko tila pinupunit isa-isa at unti-unti.

Pinisil ni Matt ang kamay kong hawak niya.

"Kumapit ka lang ha? Tatandaan mo mahal na mahal kita. Ikaw ang nagpabago sakin kaya huwag mo akong iiwan ha?" Umiiyak na sabi ni Matt.

Tumango ako. Nanlalabo ang paningin ko dahil umiiyak na din ako.

"Tandaan mo lagi lang akong nandito. Lumaban ka, okay? Huwag kang mawawala sakin, di ba nagpaplano na tayo para sa future natin? Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. Ikaw lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Mahal na mahal kita!" Sabi ni Matt.

"Ma-Mahal n-na mahal di-din kita." Nahihirap kong sabi.

"Ssshh! Huwag ka ng magsalita, okay? Tipirin mo ang lakas mo at malapit na tayo sa hospital." Patuloy na umiiyak si Matt.

"I love you, Mobi." Sabi ko ngunit walang boses.

Tumango si Matt at hinalikan ang likod ng palad ko.

Unti-unti ko ng isinara ang mata ko. Bumibigat na 'to at talagang nahihirapan na ako. Gusto ko pang mabuhay pero tila matutuldukan na.

HAILEY'S POV

Halos lumilipad na ako sa takbong ginagawa ko. Na-receive ko ang text sakin ni Matt na nalunod daw si Alicia sa swimming pool. Agad akong ginapangan ng takot at kaba dahil alam ko ang kondisyon ni Alicia. Water can put her life into risk!

Matagal ko ng kaibigan si Alicia at ako ang saksi ng mga paghihirap niya lalo na sa sakit niya. I know everything about her.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko at napapadasal na lang ako na sana ay ligtas siya. Ayoko pang mawalan ng kaibigan at napalapit na rin ako sa kaniya. Miski pamilya ko ay kilala siya dahil naikukuwento ko siya. She's a good friend for me and I can't lose her.

Nakarating ako sa Pool area ng school at tanging ilang estudyante ang nandoon pati na ang coach ni Matthew. Inilibot ko ang paningin ko at wala si Alicia dito. Nakita ko din ang ilang tubig sa sahig kung saan siguro inilapag si Alicia.

Muli kong iginala ang mata ko at may nakita akong babae na nakaupo sa sahig at tila nanginginig ang mga braso at paa. Sino siya? Bago lang siya sa paningin ko.

Lumapit ako sa kaniya at agad siyang tumayo nang makita ako. Patuloy ang panginginig niya.

"Ikaw ba si Lucy, ang ex ni Matthew Levi?" Malumanay kong tanong.

"A-ako nga." Nauutal niyang sabi.

Agad akong sinaniban ng galit at agad naiyukom ang palad ko. Sa mukha niya pa lang ay alam ko na nasiya ang nagtulak kay Alicia sa pool.

Agad tumaas ang palad ko at sinampal siya. Bumakat ang palad ko sa maputi niyang pisngi. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya.

"Alam mo ba ang ginawa mo?!" Sigaw ko sa galit.

Namumula ang mukha ko sa galit at naluluha na ako. Iisipin ko palang kung ano ang sinapit ng kaibigan ko ay naiiyak na ako.

"S-sorry." Maikli niyang sagot.

Mabilis kong hinablot ang buhok niya dahil sa galit. Iwinasiwas ko ang ulo niya. Wala akong pake kung makalbo siya dahil mas masakit ngayon ang dinaranas ng kaibigan ko!

"Ano?! Sorry?! Gaga ka pala e'! Sigurado ako na nagmakaawa sayo ang kaibigan ko tapos nagawa mo pa rin siyang itulak sa swimming pool?! Alam mo bang may sakit siya?! Fuck you!" Sigaw ko at patuloy siyang sinabunutan.

Agad ko siyang itinulak kaya napaupo siya. Umiiyak siya. Hindi pa ako nakuntento at hinampas ko pa siya sa braso.

"Kung alam mo lang kung gaano siya nahihirapan araw-araw! Ako ang nakakita ng paghihirap niya at nasasaktan ako bilang kaibigan sa mga dinaranas niya tapos gaganunin mo lang?!" Sigaw ko.

Hindi ko alam pero kusang tumaas ang kamao ko at sinuntok siya sa gilid ng labi.

"Bakit mo nagawa yun?! Dahil mahal mo pa si Matthew?! Walang hiya ka pala e'!" Sigaw ko.

Muli ko sana siyang sasabunutan kaso hinawakan na ako sa bewang ng Coach ni Matt. Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas.

Muli akong naiyak ng isiping baka hindi kayanin ni Alicia ang sitwasyon niya.

"Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko isipin mo na kung saang layer ng hell ka papasok!" Sigaw ko at pinunasan ang luha ko.

Walk With Me (Finished✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon