KABANATA 10
written by HottestApoyALICIA'S POV
Makakauwi sana ako ngayon sa bahay kung hindi lang nakaisip ng kalokohan itong si Matt. Isipin mo, nag-CR pero ginawa niya lang yon para sundan ko siya at takutin niya ako. Nagtago siya sa isa sa mga cubicle at pagpasok ko sa CR boom ginulat na ako. Mas nakakainis at malas na nangyari ay nakulong kaming dalawa dito sa CR.
"Anong na-locked?" Tanong ni Matt.
"Pihitin mo yang doorknob at tignan mo kung mapipihit mo." Sabi ko sa kanya.
Nilapitan niya naman yung doorknob at sinubukan niyang iikot yung doorknob. Makailang beses niyang sinubukan pero bigo siya.
"Fuck! Locked nga tayo!" Bulalas niya.
"Trapped tayo dito." Sabi ko.
"Subukan nating humingi ng tulong?" Suggestion ni Matt.
Kinuha ko yung phone ko at sinubukang tumawag sa admin pero walang signal dito sa loob ng CR dahil masyadong kulob ang loob. Mahirap humanap ng signal. Sinubukan kong maglibot-libot sa loob ng Cr at tignan kung may mahahanap akong signal pero wala talaga.
"Walang signal dito sa loob." Sabi ko.
Napahilamos ng mukha si Matt.
"Anong gagawin natin?" Tanong ko.
"Wala tayong magagawa dahil walang makakarinig satin dito." Sabi ni Matt.
"Ano?! Seryoso ka ba? Paano na 'to?!" Tanong ko.
"Ang magagawa na lang natin ay maghintay ng kinabukasan para makalabas dito." Sabi ni Matt.
"Ikaw kasi! Kung hindi ka puro kalokohan sana hindi tayo mata-trapped dito. Hmp!" Sabi ko.
"Easy! Wala na tayong magagawa nakulong na tayo dito." Sabi ni Matt.
"Ewan ko sayo." Bulong ko.
Binato ko sa kanya yung bag niya na agad niyang nasambot.
"Wala na tayong magagawa nangyari na." Sabi ni Matt.
Inirapan ko siya.
"Oo nga kasi buwisit ka!" Sabi ko. Nakakainis!
Naglakad na lang ako sa dulo ng Cr at naupo at sumandal sa pader. Ipinatong ko sa hita ko ang bag ko. Ano pa bang magagawa ko kundi umupo at maghintay dito.
Naupo naman sa sahig si Matt sa kabilang dulo sa tabi ng mga lababo. Halatang wala na talagang pag-asa.
"Tinitingin mo diyan?" Tanong ni Matt.
Nakatitig pala ako sa kanya. Inirapan ko siya.
"Crush mo ako, 'no? Umamin ka na!" Tanong ni Matt.
Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi. Mabuti na lang at medyo madilim sa pwesto ko.
"Hindi ka ba kinakabahan sa mga sinasabi mo? Mangdiri ka naman." Maarte kong sabi.
"Gusto mo lang ako e'." Mahangin niyang sabi.
"Ewan ko sayo napakahangin mo." Sabi ko.
"Sige na, titigan mo lang ako hanggang magsawa ka. Sakin ka lang tumitig huwag na sa iba." Sabi ni Matt.
Hindi ko alam pero lihim akong napangiti sa sinabi niya. Parang may kung anong kumikiliti sa tiyan at kalamnan ko. Buwisit na body reaction yan!
Hindi ko na lang siya kinibo. Bahala siyang magsawa magsalita. Humanap siya ng kausap niya.
Medyo tumahimik ang atmosphere namin. Wala nang nagsalita at tanging tunog lang ng pagtulo ng tubig sa gripo ang maririnig. Hindi ko naman maiwasang sulyapan si Matt. Ewan ko din pero ayokong nawawala siya sa mata ko hangga't maari.
Nakarinig na lang ako ng yabag ng mga paa. Saka ko lang napansin na tumayo pala si Matt at lumapit sakin. Tumabi siya sa gilid ko at muli kaming natahimik. Pasulyap-sulyap lang ako pero hindi ko pinahahalata.
"Sorry ha," malumanay ang boses ni Matt. Mararamdaman mo yung sincerity ng sorry niya.
Seryoso rin ang mukha niya ng tignan ko siya.
"Sorry kung natakot kita kanina at napagtripan kita." Seryoso niyang sabi. "Patawad kung naging isip-bata ako kanina at hindi naging binata." Dagdag niya.
Tinignan niya ako at nagtama ang mata namin. Pakiramdam ko ay nanglambot ang katawan ko sa sinabi niya. I felt touched. Nandoon kasi yung sincerity ng mga sinasabi niya. Alam mong seryoso at totoo. Walang halong kalokohan o biro.
"Sorry kung hindi dahil sakin sana hindi tayo nakulong dito." Nginitian niya ko. Yung totoong ngiti. Isang ngiti na puno ng saya.
This time, nakita ko ang pagiging ginoo niya. Nakikita ko kung gaano siya ka-gentleman. Tinatanggap niya yung pagkakamali niya at humihingi ng tawad. Isang lalaking alam ang mali niya at marunong magbaba ng pride. Pride doesn't affect your being man.
"Apology accepted!" Nakangiti kong sabi at pinisil ang pisngi niya.
Aaminin ko, masaya at kinikilig ako sa ganitong moment namin. Mas nakikilala ko siya at pakiramdam ko ay unti-unti akong nahuhulog. Teka, nahuhulog nga ba? Sa kabila kasi ng pagiging maloko at tarantado niya minsan nandiyan kasi yung pagtanggap niya ng kamalian niya at hindi nakikipag-taasan ng pride. He looks cute in his own way.
"Magkuwento ka nga." Sabi ko.
Bigla na namang tumahimik yung atmosphere namin. Bumalik yung frozen time.
"Once upon a time..." Pagsisimula ni Matt. Binasag niya ang katahimikan.
"Continue." Sabi ko.
"Sa isang kaharian, may isang batang lalaki na mahilig sa paglangoy. Maliit pa lang siya ay nasali na siya sa swimming competition sa paaralan nila. Masayang-masaya ang magulang niya sa mga awards at trophies na nakakamit niya. Dumating ang panahong nasa Junior highschool siya kung saan may kompetisyon siyang lalabanan. Nasa kalagitnaan siya ng pool nang atakihin siya ng pulikat sa paa dahil dun hindi siya nakalangoy at nilamon siya ng tubig. Muntik ng hindi maka-survive ang lalaking iyon dahil sa pagkalunod..." Pagkukuwento ni Matt.
Nakuha ang atensyon ko ng pagkukuwento niya at bigla akong naging interesado.
"Pagkatapos?" Tanong ko.
"Dahil sa insidenteng iyon na muntik ng ikawala ng buhay ng lalaki ay pinatigil siya sa hilig niya. Ilang taon siyang nawala sa paglangoy na siyang ikinalayo ng loob niya sa magulang niya. Namuo ang galit sa loob niya dahil hindi siya muling makabalik sa paglangoy. Naging tarantado, gago at maloko ang lalaking iyon. Nagbago ang dating siya. Pakiramdam niya ay wala siyang kalayaan dahil hindi siya makalangoy. Nang dumating ang kolehiyo ay nilihim niya sa magulang niya na muli siyang lumalangoy. Bumalik ang saya at sigla niya dahil nakabalik siya sa hilig niya. Ngunit lahat ng saya ay natatapos, nalaman ng magulang niya na bumalik siya sa paglangoy. Halos manlumo ang lalaki dahil pinatitigil siya sa paglangoy o ititigil niya ang pag-aaral niya." Pagpapatuloy ni Matt.
"Anong pinili niya?" Tanong ko.
"Nagkaroon ng kasunduan ang lalaki at ang magulang niya na kapag hindi siya nanalo bilang champion sa paglangoy ay hindi na muli siya makakapag-aral. Isinugal ng lalaki ang kinabukasan niya para sa hilig niya. Para sa talento niya sa paglangoy." Kuwento ni Matt.

BINABASA MO ANG
Walk With Me (Finished✔)
Teen FictionShe's Alicia Clemonte who fell inlove with Matthew Levi. But their love story come to its end. How they will survive their relationship? could they make it?