KABANATA 11
Written by HottestApoyALICIA'S POV
Mas nakikilala ko na si Matthew Levi dahil sa mga kinukwento at pinapakitang ugali niya. Mas lumalalim yung pagkakakilala ko sa kanya. May nalalaman na din ako tungkol sa nakaraan niya. May nalalaman ako tungkol sa buhay niya.
Muntik na pala siyang malunod noong bata pa siya? At dahil sa incident na yon naputol yung koneksyon niya sa talento niya. Nawalan siya ng buhay dahil pinipigilan siya sa gusto niya. Maybe, he found his freedom under water.
"Paano kung hindi mo maabot yung kailangan mong abutin? Paano kung matalo ka sa deal niyo?" Tanong ko kay Matt.
Seryoso niya akong tinignan at ngumiti siya.
"May second chance pa ako." Sagot niya.
"Ano?" Tanong ko.
"Ikaw." Maikli niyang sagot.
Nagulat ako sa sinabi niya.
"A-Ako? Bakit ako?" Nagtataka kong tanong.
"Kung maipapasa ko ang semester na 'to continue ako sa pag-aaral pero ititigil ko na ang paglangoy. Kung hindi ko maabot ang champion siguro nga hindi para sakin ang swimming." Sagot ni Matt.
I see the pain in his eyes. Kitang-kita ko kung gaano niya kamahal ang paglangoy at sigurado akong masasaktan siya kung ititigil niya iyon sa paraang wala siyang pagpipilian kung hindi ang itigil.
"Nandyan ka naman para i-tutor ako para habang nasa swimming practice ako naitu-tutor mo ako." Sabi ni Matt at ngumiti.
"Alam ko namang maipapanalo mo iyan. May tiwala ako sayo na ikaw ang magcha-champion. Alam ko kung gaano sayo kahalaga ang paglangoy kaya huwag mong bibitawan yan. Laban lang!" Pagche-cheer up ko kay Matt.
Tumawa siya at tinapik ang balikat ko.
"Salamat." Sabi niya. "Ikaw naman ang magkuwento." Dagdag ni Matt.
"Sige." Sabi ko.
Huminga muna ako ng malalim bago magsimula.
"May isang masayang pamilya. Isang buo at masayang pamilya. Sa kasamaang-palad hindi nagtagal ay nawala ang sigla at saya ng pamilyang ito. Namatay ang haligi ng tahan dahil isa itong sundalo na nabaril sa laban. Tumamlay ang pamilya matapos mawala ang ama. Naging sakitin si ina kaya nagtrabaho ang sumunod sa panganay. Nagkagulo dahil na-stress si pangalawang anak sa dami ng gastusin dahil siya ang nagtutustos sa lahat." Pagkukwento ko.
"Wala ka ng ama?" Tanong ni Matt.
Tumango ako. Halatang nagulat si Matt sa sagot ko kaya agad siyang humingi ng tawad dahil naitanong niya pa daw.
"Hindi kami magkasundo ngayon ni Alice—ng sumunod sakin na kapatid ko." Sabi ko.
"Bakit?" Tanong ni Matt.
"Dahil sa ilang bayarin sa bahay siguro dahil na-stress siya sakin kaya nagalit siya sakin." Sagot ko.
Hinawakan ni Matt ang kamay ko at tignan niya ako. Nginitian niya ako. Pakiramdam ko ay may karera ng kabayo sa puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. May ilang kumikiliti sa mga kalamnan ko.
"Makakaya mo yan! Magkakaayos din kayo." Sabi ni Matt.
"Magkakaayos din kami. Iintindihin ko na lang siya at kakausapin. Makikipag-ayos na lang ako." Sabi ko.
Nabalot na kami ng katahimikan ni Matt. Wala nang nagsalita saming dalawa hanggang dinalaw na ako ng antok.
***
Naalimpungatan ako dahil sa ilang tapik sa balikat ko.
"Alicia?" Boses iyon ni Matt.
Unti-unti kong minulat ang mata ko at nagulat ako. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat. Nakahiga na pala kami ni Matt at nakaunan ako sa braso niya. Agad naman akong pinamulahan dahil sa hiya.
"Goodmorning!" Bati ni Matt at ngumiti.
"Anong oras na?" Tanong ko.
"4:00 na ng umaga." Sagot niya.
Agad kaming tumayo at pumunta sa pintuan. Hinawakan ni Matt ang doorknob at pinihit iyon. Agad kaming napangiting dalawa dahil bumukas iyon!
"Yes!" Masayang sabi ni Matt.
Sabay na kaming naglakad ni Matt palabas ng University. Medyo madilim pa kaya uuwi muna kami.
"Magkita na lang tayo mamaya!" Sabi ni Matt.
Tumango ako sa kanya at nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa sakayan ng jeep.
***
"Ang sweet!" Kinikilig na sabi ni Hailey habang kumakain ng spaghetti.
Ikinuwento ko kasi sa kanya yung nangyari samin ni Matt kagabi. Kung paano kami na-locked sa CR at yung mga napagkuwentuhan namin.
"Kaya siguro naging ganun yung ugali niya noong first encounter namin. Stress siguro siya kaya nasungitan niya ako." sabi ko.
Tumango naman si Hailey at uminom ng tubig sa binili niyang bottled water.
"So, gusto mo na ulit siya?" Tanong ni Hailey.
"Ano?" Paglilinaw ko kahit narinig ko naman.
Ano nga ba ang isasagot ko? Dapat siguro umamin na ako? O baguhin ko yung topic?
"Mahal mo pa rin si Matt?" Pag-uulit ni Hailey at mas klaro pa ngayon.
Alam ko naman yung sagot sa tanong na yan. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya kaso noong araw na nalaman ko yung ugali niya ay niloko ko ang sarili ko na hindi ko na siya gusto. Pinilit ko ang sarili ko na hindi na siya gustuhin pero hindi ko magawa. Gusto ko pa rin siya at tanggap ko ang badside niya. At ngayon na mas nakikilala ko pa siya, mas lumalalim ang nararamdaman ko para kay Matt pero idini-deny ko lang sa sarili ko.
"Ewan, hindi ko alam." Walang matinong sagot ko.
"Alam mo, girl, gusto mo naman talaga si Matt kahit ano pa yung ugali nung tao sadyang indenial ka sa nararamdaman mo napapansin ko yun, gurl!" Sabi ni Hailey.
"May sasabihin ako sayo," sabi ko sa kanya.
"Ano yun?" Tanong ni Hailey at sumubo ng spaghetti.
"Nagkaayos na kami ni Alice " sabi ko.
Kinuwento ko kay Hailey kung paano kami nagkaayos ni Alice. Actually, kaninang umaga lang kami nagkaayos ni Alice noong naghahanda siya papasok sa trabaho niya. Nilakasan ko ang loob ko para makausap si Alice. Na-motivate kasi ako ni Matt para makipag-ayos kay Alice. Humingi ako ng tawad at ipinaliwanag ko ang side ko. Humingi din ng tawad si Alice sa pagiging sarado ng isip niya sa kondisyon ko. Sabay pa kaming kumain ng umagahan. Kahit masakit sa lalamunan ay kumain ako kasi masaya rin naman ako na nagkaayos kami ni Alice.
"Good for the both of you." Sabi ni Hailey.
BINABASA MO ANG
Walk With Me (Finished✔)
Teen FictionShe's Alicia Clemonte who fell inlove with Matthew Levi. But their love story come to its end. How they will survive their relationship? could they make it?