KABANATA 15
written by HottestApoyALICIA'S POV
"Kasama mo ako at handa akong kalabanin ang mundo kahit isang kamay lang ang gamit ko basta hawak mo ang isang kamay ko."—Matthew Levi.
Punong-puno ng saya ang buong kaluluwa at katawan ko. Matapos ang lahat ay nagkaaminan din kami. Ito na siguro yung the best na nangyari sakin. Ang matatawag kong best part ay yung mga araw na makakasama ko sa buhay si Matt.
Natutunan ko lang na may tamang oras at panahon ang lahat ng bagay. Things will fall into their right place. Kailangan lang nating matutong maghintay at huwag madaliin lalo na kapag ang usapin ay pag-ibig. Minsan kasi sa kakamadali nating magustuhan tayo nung taong gusto natin nawawala tayo sa tiyempo at nagkakamali tayo. Minamadali natin pero matuto tayong maghintay. Kumbaga, huwag pitasin ang bunga kapag hindi pa hinog. Sa kaso namin ni Matt, nagsimula kami sa hindi magandang scenario at mas nakilala namin ang isa't isa dahil sa mga nangyari samin. In the end, he fell inlove with me. Ang dating hindi ko inaakalang mangyayari ay mangyayari pala. We never expect the unexpected.
Naglalakad kami ni Matt sa mall dahil katatapos lang namin manood sa sinehan. Magkahawak kamay kami habang naglalakad. Pinag-uusapan namin yung mga bagay na tungkol sa amin.
"Naalala mo yung gabing nakatanaw ka sa city lights at sa kalangitan?" Tanong ni Matt.
"Oo, isa yun sa mga memorable na nangyari sakin e'." Sagot ko.
"Kinuhan kita ng litrato ng mga oras na yon. Masaya ako ng mga oras na yun dahil napasaya kita. I made my girl happy." Kuwento ni Matt.
Inilabas pa niya ang phone niya at ipinakita sakin ang picture ko. Ang ganda ng kuha ng litrato nakatingala ako sa mga bituin habang nasa ibabang bahagi ang city lights.
"Yan din ang gamit kong wallpaper." Nakangiting sabi ni Matt.
"Akala mo ikaw lang? Kinuhanan din kita that time." Sabi ko at ipinakita ang picture niya.
Nakita ko pa ang pamumula niya. That's cute. Kinikilig ba siya?
"Mukha naman akong matalino diyan." Natatawa niyang sabi.
"Ang cute mo kaya dito!" Sabi ko at pinisil ang pisngi niya.
"Mas cute ka." Sabi niya.
Natawa na lang ako.
Naglakad-lakad pa kami hanggang sa mapagod kami at naupo. Marami din kaming napag-usapan tungkol samin at sa pamilya namin.
Ilang saglit pa ay napagdesisyunan na naming umuwi. Agad niya naman akong inihatid pauwi sa bahay namin. Medyo na-stuck kami sa traffic. Inabot kami ng kalahating oras bago ako naihatid sa bahay namin.
"Goodbye and goodnight!" Sabi sakin ni Matt.
Nakasandal siya sa kotse niya habang naglalakad ako papasok ng bahay.
"Ikaw din, ingat ka!" Sabi ko.
"I love you, Ali!" Isa sa pinakamatamis na sinabi niya.
"I love you too, Matt!" Bulong ko.
Pumasok na siya ng kotse niya at umalis na. Agad naman akong pumasok ng bahay pagkatapos mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Matt.
***
Ilang linggo ang dumaan at official na kami ni Matt. Nakilala niya na rin ang pamilya ko personally. Hindi naman siya ganun nahirapan na maka-close ang family ko lalo na si Mama. Okay lang kay mama na may boyfriend ako basta huwag ko daw pababayaan ang pag-aaral ko. Nangako pa ako na mas pagbubutihin ang pag-aaral ko. Sa pagpasok ni Matt sa buhay ko at sa pamilya ko ang lahat ng bagay ay gumaan. Maayos na kami ni Alice at masaya na rin ako. Pakiramdam ko nga ay hindi na ako nag-iisa dahil alam kong may kasama na ako at iyon ay si Matt.
Hindi ko pa nakikita ang parents ni Matt dahil busy daw ang mga iyon. Wala rin naman siyang kapatid dahil nag-iisang anak lang siya. Sana nga ay makilala ko na rin ang parents niya. May konting kaba sa dibdib ko dahil baka strict ang parents ni Matt. Lagi niya naman daw akong kinukuwento sa parents niya kaya huwag daw ako mag-alala. Sa ngayon, legal kami.
"Hoy, Mrs. Levi!" Sigaw ni Hailey sakin nang magkita kami sa harap ng schoolgate.
"Hailey!" Sigaw ko at niyakap siya.
Sabay kaming naglakad papasok ng school.
"Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?" Tanong ni Hailey.
"May practice siya ng maaga kaya hindi niya ako nasundo samin." Sabi ko.
Naiintindihan ko naman si Matt dahil basta kaya niyang makasama ako ay gagawin niya. Puspusan na ang practice at trainings niya dahil nalalapit na Swimming Competition.
Nakarating kami ni Hailey sa room at simula pa sa hallway at paakyat dito sa room ay ikinukuwento niya ang lovelife niya sa Engineering Student na gusto niya. Nagme-meet na daw sila at close na daw sila.
"Nasabi mo na ba kay Matt yang allergy mo? Or napag-usapan niyo na?" Out of the blue na tanong ni Hailey.
Natigilan ako sa tanong niya.
"H-Hindi pa." Maikli kong sabi.
"Hala! Kailan mo balak sabihin?" Tanong ni Hailey.
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba dahil marami ang pwedeng mangyari.
"Ewan ko, hindi ko pa alam." Sabi ko.
"Gurl, karapatan malaman ni Matt ang sitwasyon mo hindi pwede yung ewan o hindi mo alam. Dapat sabihin mo sa kanya." Sabi ni Hailey.
"Okay, sasabihin ko pero hahanap ako ng tyempo. Hayaan mong ako ang magsabi." Pakiusap ko.
"Sige, basta sabihin mo para aware yung tao." Sabi ni Hailey.
Paano ko sasabihin? Ang daming pwedeng mangyari kapag sinabi ko. Paano kung may magbago? Masyado kasing kumplikado. Maraming what-ifs ang gumugulo sa utak ko. Baka kapag sinabi ko sa kanya ay bigla siyang lumayo, baka biglang gumuho yung mundo ko. Baka masira ang kung anong meron kami ngayon. Isa siyang swimmer at ako naman ay allergic sa tubig, hindi compatible yun! Passion niya ang paglangoy at kakambal niya ang tubig habang ako kahinaan ko ang tubig. Sigurado na ang paghihiwalay namin kapag nalaman niya. Ang hirap. Magsa-sacrifice siyang iwan ako at piliin ang paglangoy.
Natapos ang buong maghapon na lutang ang utak ko. Iniisip ko pa rin kasi yung tanong ni Hailey sakin. Sa buong araw ay iyon ang bumabagabag sakin.
Buo na ang desisyon ko. Para ito samin ni Matt,
Hindi ko sasabihin. Takot akong mawala siya.

BINABASA MO ANG
Walk With Me (Finished✔)
Ficção AdolescenteShe's Alicia Clemonte who fell inlove with Matthew Levi. But their love story come to its end. How they will survive their relationship? could they make it?