KABANATA 16
written by HottestApoyALICIA'S POV
Nasa library ako ngayon at tinutulungan ko si Matt sa research paper niya. Ang pagkamatay ni Juan Luna ang topic ng research paper niya kaya medyo tahimik siyang nagbabasa ng libro ng Philippine History.
"Mobi, sa tingin pwede iyong part na 'to?" Tanong ni Matt at iniharap sakin ang libro.
Itinuro pa niya yung binabanggit niyang part. Tumango ako.
"Oo naman Mobi pwede yan." Nakangiti kong sagot.
Mobi ang naging callsign namin short term ng My Only Baby and Inspiration.
Bumalik ulit siya sa pwesto niya at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Muling pumasok sa isip ko yung tanong ni Hailey tungkol sa pagsasabi ko ng allergy ko kay Matt. Tinitigan ko si Matt na abala sa pagbabasa. Ayoko talagang sabihin. Hindi ko kayang sabihin dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari. I'm scared.
"Mobi, are you okay?" Rinig kong tanong ni Matt.
Nakatayo siya sa harap ko at hawak ang isang kamay ko. Tiningala ko siya at tanging pag-aalala ang nakapinta sa mata niya.
"Okay lang ako, Mobi, ano ka ba!" Natatawa kong sabi.
"Kanina ka pa kasi diyan tulala." Sabi ni Matt.
Ni-level niya ang mukha niya sa mukha ko at ngumiti. Hinalikan niya ako sa pisngi.
***
Dumating ang kinabukasan at tulad ng kahapon ay hindi ko kasabay si Matt dahil may training ulit siya. Si Hailey naman ay hindi ko kasabay dahil kasabay niya ang Engineering student na gusto niya kaya mag-isa lang akong papasok.
Papasok na ako ng gate ng hablutin ng isang maputing babae ang braso ko at kaladkarin ako papunta sa gilid ng gate. Wala pa masiyadong pumapasok na estudyante at yung guard naman ay nasa loob ng guard house yata kaya walang nakakita samin at sa mangyayari. Ginapangan ako ng kaba at takot dahil sa ayos nitong babae.
Nakasuot siya ng ibang uniform at halatang sa ibang university pa siya galing.
"S-Sino ka?" Tanong ko sa kaniya.
Mahaba ang buhok niya at may nakapula siyang uniform pang-itaas habang blue ang palda niya, naka-high socks din siya at masasabi kong maganda siya.
"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan, Sino ka?" Mataray niyang tanong at umarko pa ang kilay.
"A-Ako si A-Alicia Clemonte, bakit?" Nauutal ang boses ko.
Isang malakas na sampal ang natamo ng pisngi ko. Ramdam ko ang solid niyang palad. Nagulat ako kaya hindi agad nakapag-react ang katawan ko.
"So, tama nga ako? Ikaw ang pinakamakating higad na nakilala ko!" Sigaw niya sakin.
"Si-Sino ka ba?" Natatakot ako sa pwede niya pang gawin.
Hinablot niya ang buhok ko. Ramdam ko yung galit niya dahil sa higpit ng hawak niya sa buhok ko. Madali niya akong naiwasiwas dahil walang-wala ang lakas ko kumpara sa lakas niya.
"Walang hiya ka! Mang-aagaw ka ng boyfriend! You deserve this bitch!" Galit niyang sabi.
"Aray ko! Nasasaktan ako!" Sigaw ko.
Hindi niya pa rin binibitawan ang buhok at mas hinigpitan ang hawak doon.
"Kung hindi ka sana lumandi hindi mo mararanasan 'to! Buwisit ka!" Galit niyang sabi.
Agad niya akong itinulak. Malakas ang pwersa niya kaya sumubsob ako sa semento.
"Ouch!" Singhal ko.
Ang gulo ng buhok ko. Hinihingal naman siya dahil sa pagsasabunot sakin. Hindi ko nagawang tumayo dahil sa sakit na inabot ko at sa bilis ng pangyari.
"Sa susunod kilalanin mo ang lalandiin mo!" Sigaw niya.
Nakatikim pa ako ng sipa sa tagiliran mula sa kanya. Hinang-hina ako dahil sa sakit na natamo ko.
"Tandaan mo 'tong araw na ito, ako si Lucy at kapag hindi mo hiniwalayan si Matthew sisiguraduhin kong nasa wheelchair ka na sa susunod." Banta niya.
Dinampot pa niya ang nahubad kong sapatos at ibinato sakin bago siya umalis. Napahawak ako dahil pakiramdam ko ay nagkasugat ang noo ko dahil sa pagkakabato ni Lucy ng sapatos na tumama sa noo ko.
"Omaygold! Alicia, anong nangyari sayo?" Gulat na tanong sakin ni Hailey nang makita niya akong nakaupo sa sahig.
Kasama ni Hailey ang Engineering student na kinukuwento niya.
Nanlalabo na ang paningin ko at pakiramdam ko ay babagsak na ako anumang oras.
"Ha-Hailey..." Mahina kong sabi.
Agad lumapit sakin si Hailey at nawalan ako ng malay sa braso niya.
***
Nagising ako sa clinic's bed at nakapalibot sakin si Hailey, Engineering student at si Matt. Dahan-dahan akong umupo habang inaalalayan ako ni Matt. Kitang-kita ko sa mata nila ang takot at pag-aalala.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, Mobi?" Tanong ni Matt.
Hinawakan ko ang ulo ko dahil pakiramdam ko ay may sumasabunot pa rin sakin. Para akong nahihilo at anytime ay mabubuwal sa pagkakaupo. Bumalik na lang ako sa pagkakahiga dahil nahihilo pa ako.
"Anong nangyari? Kumusta ka? Hindi mo na ba ako naalala? Ako to ang Mobi mo?" Sunod-sunod na tanong ni Matt.
"Nabugbog lang ako pero hindi ako nawalan ng alaala." Sabi ko.
"Anong nangyari, Ali? Nawalan ka ng malay kanina sa school gate at ilang oras ka ding nakahiga diyan?" Tanong ni Hailey.
"Si Lucy..." Sabi ko.
Muli kong naalala ang nangyari kanina. Kung paano ako bugbugin ni Lucy. Galit na galit siya at handa niya akong patayin kahit anong oras. May connection kaya siya kay Matt?
"Lucy?!" Pag-uulit ni Matt.
"Oo, siya ang gumawa nito." Sagot ko.
"Hulaan ko, inabangan ka sa gate nung Lucy at binugbug ka?" Tanong ni Hailey.
"Ganun na nga, ano mo ba siya?" Tanong ko kay Matt.
Kumikirot ang ulo ko sa sakit. Pakiramdam ko ay lalabas ang utak ko sa sakit.
"Lucy is my ex." Sabi ni Matt.
"Kaya naman pala!" Tumaas ang boses ni Hailey.
Kaya pala, nakuha ko na kung bakit halos patayin ako ni Lucy. Mahal na mahal niya pa si Matt at mapapatay niya pa ako.
"Pwedeng lumabas muna kayo? Nasakit pa ang ulo ko." Sabi ko.
"Sigurado ka?" Tanong sakin ni Matt.
"Mukha ba akong nagbibiro sa lagay ko?" Sarkastiko kong tanong kay Matt.
"Sorry, magpagaling ka ha? Kung may kailangan ka nasa labas lang ako." Sabi ni Matt. Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
"Oo na." Sabi ko.
Lumabas na sila at naiwan na ako mag-isa. Naiinis ako dahil ako yung nasaktan dito. Dahil sa ex ni Matt nabugbog ako at ako pa yung nasaktan.
BINABASA MO ANG
Walk With Me (Finished✔)
Teen FictionShe's Alicia Clemonte who fell inlove with Matthew Levi. But their love story come to its end. How they will survive their relationship? could they make it?