KABANATA 5
Written by HottestApoyALICIA'S POV
"IKAW?!" Sigaw ko.
"Hi, Ms. Delmonte!" Nang-aasar ang ngiti niya.
Gustong-gusto ko siyang murahin ang problema lang ay nasa harapan kami ni Mr. Raveno. Nakakaasar na siya! Delmonte daw? Ang layo nun sa Clemonte!
Nakakatawa, 'no? Sa dinami-dami ng athlete sa university itong hangal na 'to pa ang itu-tutor ko. Andaming runner, basketball player, baseball player at softball player diyan pero sa swimmer ako babagsak? Sa hangal na Matthew Levi pa!
"Ano Ms. Clemonte? Itu-tutor mo ba?" Tanong ni Mr. Raveno.
Kung tatanggapin ko ang offer nila may makukuha akong pera dahil babayaran nila ako sa pagtu-tutor at makakatulong ako kay Alice sa bayarin ng mga gamot ko. Tatanggapin ko na lang at pagtitiyagaan ko ang hangal na ito. Masisikmura ko naman siguro mga katarantaduhan niya.
"Tinatanggap ko po Mr. Raveno." Sabi ko.
"You can start tutoring him tomorrow." Sabi ni Mr. Raveno. "You may now leave both of you." Dagdag ni Sir.
Agad akong lumabas ng office kasama ang hangal na si Matt. Bakas naman sa mukha ni Hailey ang gulat. Bakit nga ba kami sabay na lumabas ni Matt? Talagang magtataka si Hailey.
"Humanda ka sakin bukas." Bulong ni Matt sa tenga ko.
Nginisian niya ako bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Sinong tinakot niya? Akala niya ba ay madadala niya ako sa pananakot niya? Hindi. Marami na akong napagdaanan sa buhay na nagpatatag lalo na ang sakit ko. He will never be a threat to me. Problema ko na ang sakit ko at hindi ko na siya idadagdag pa sa problema ko.
Naglalakad na kami ni Hailey palabas ng gate at nagsimula na siya magtanong.
"Anong nangyari sa Admin's Office ha?" Tanong niya.
Agad ko namang kinuwento kay Hailey ang nangyari mula doon sa room hanggang sa office. Ikinuwento ko sa kanya na magiging tutor ako ni Matt.
"Matiis mo kaya ang ugali ni Matt? Ayokong makakarinig ng 'isang babae pumatay ng itsini-tutor niya' sa balita." Sabi ni Hailey.
"Para sa makukuha kong pera magtitiis ako t'saka hindi naman ako pumapatay ng tao." Sabi ko.
"Ang tanong, tao ba si Matt?" At tumawa pa siya.
"Tao naman siya yung ugali niya lang panghayop." Sabi ko.
Sabay naman kaming tumawa.
Naghiwalay na kami ni Hailey ng sasakyan kasi may bibilhin pa daw siya kaya pinauna niya na akong umuwi.
Simula nung ibinulong ni Matt yung 'Humanda ka sakin bukas.' ay hindi na yon nawala sa utak ko. Ano naman kayang kalokohan ang gagawin niya? Pahihirapan niya ako?
Napailing na lang ako. Wala akong dapat ipagkabahala. Dapat kapag itu-tutor ko siya ako dapat ang batas. Nasa kamay ko ang batas. Wala dapat akong ikatakot sa hangal na yun.
Sumakay na ako ng jeep at umuwi na.
Nakarating ako sa bahay na tulad ng dati ay tahimik. Wala na yung dating saya na sumasalubong sakin noong elementary ako. Ang lamig na ng atmosphere ng bahay na ito. Kailan nga ba yung huling narinig kong may nagkakasiyahan at nagtatawanan sa bahay na ito? Wala, hindi ko na matandaan.
Pumasok akong kwarto at nagbihis na ng damit pangbahay.
Ang tahimik talaga. Nakaka-miss yung mga panahong masaya kaming buong pamilya. Mga panahong nandito pa si Papa at solid pa ang pamilya namin. Gusto ko ng ibalik yung dati. Gustong-gusto kong umiyak ngayon pero hindi pwede. Gusto kong maging mahina sa sarili ko, gusto kong maging totoo. Hindi yung pinipilit kong maging matatag kahit sa totoo ay mahina at nahihirapan na ako. Mahina ako, sobra. Sana pwede akong umiyak at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko pero hindi pwede e'.
Ang dating masaya naming pamilya ngayon ay balot na ng lungkot. Parang ang layo namin sa isa't isa. Siguro nga, lahat ay nagbabago at wala talagang permanente.
Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng may kumatok pinto ng kwarto ko.
"Alicia?" Boses iyon ni Mama.
Tumayo ako at binuksan ang pinto. Sumalubong sakin si Mama na halatang nanghihina pero pinipilit tumayo ng maayos.
"Ma?" Tawag ko
"Halika na at kumain?" Pagyaya sakin ni Mama.
"Hindi po ako kakain ngayon." Sabi ko at yumuko.
"Sige, kung magtitira kami ng pagkain para sayo sa lamesa." Sabi ni Mama at nginitian ako.
Tumango ako.
"Salamat Ma." Sabi ko at niyakap siya.
Ngayon ko na lang ulit siya nayakap. Ang sarap sa pakiramdam. Nami-miss ko na ang yakap niya.
"Makakaahon din tayo, Nak." Sabi ni Mama.
Humiwalay na ko ng yakap. Tumango ako kay Mama.
"Kain na kayo, Ma." Sabi ko.
Tumalikod na si Mama at isinara ko na ang pinto.
Ilang oras na akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Nakahiga ako sa kama at malalim na napapaisip. Gutom na rin ako.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Tulog na silang lahat dahil 11pm na rin ng gabi. Nagugutom na talaga kasi ako kaya heto lumabas ako ng kwarto ko. Tulad nga ng sabi ni Mama ay nag-iwan sila ng pagkain para sakin.
Nagsimula na akong kumain. Dahan-dahan lang ako kumain dahil masakit sa leeg ang bawat paglunok. Noodles at tuyo ang ulam ko. May sabaw ang noodles kaya masakit at makati sa leeg. Hindi na din ako magtataka kung mamula at magpantal ang leeg ko. Kung sa iba ay masarap ang kumain para sakin ay torture ang pagkain. Nakahanda na naman ang gamot ko sa gilid ko para unti-unting mawala ang sakit pagkatapos ko kumain.
"Alicia, anak?" Sambit ni Mama papalapit sa lamesa.
Kagigising lang niya. Umupo si mama sa tapat ko at pinagmasdan akong kumain. Binigyan niya ako ng isang matamlay na ngiti.
"Mabuti naman at kumakain ka na." Sabi ni mama.
Nabalot kami ng katahimikan. Tahimik ang pagnguya ko dahil masakit nga sa lalamunan kapag lumulunok ako.
Pinagmasdan lang ako ni mama habang kumakain. Wala akong masabi dahil pakiramdam ko once na ibuka ko ang bibig ko ay tutulo na ang luha ko.
"Sorry, 'nak." Sabi ni mama.
Saglit siyang huminga ng malalim at muling nagsalita.
"Sorry kung naging ganito ang buhay mo. Kung buhay lang sana ang papa mo sana hindi ganitong buhay ang dinaranas niyo. Alam kong pansin mo kung gaano nawalan ng buhay ang bahay natin simula ng mawala ang papa mo," pinunasan ni mama ang luha niya. "Tandaan mo anak, mahal na mahal kita at huwag kang susuko sa buhay, lalaban tayo at kasama mo ako!" Sabay ngumiti si mama.
Kahit lumuluha siya ay ngumiti siya. Kitang kita ko kung gaano nag-uumapaw ang saya sa mata ni mama. Hindi siya nawawalan ng pag-asa. I love her so much.
"I love you, Ma." Sabi ko.
Pinunasan ni mama ang luha niya at tumayo. Pumunta siya sa likod ko at niyakap ako.
"I love you din, nak." Sabi ni mama.
Bumalik siya sa inuupuan niya sa harap ko. Uminom naman ako ng tubig. Isang mabilisang inom para isang sakit lang, isang hapdi lang at isang torture lang.
Matapos kong kumain ay ininom ko na ang gamot ko at naglakad papunta na sa kwarto ko pero tinawag ako ni mama. Nilingon ko siya at nginitian niya ako.
"Sana magkaayos na kayo ng Ate Alice mo." Sabi niya.
Tumango ako at nginitian siya.
Nakahiga na ako sa kama pero hindi ako makatulog dahil masakit pa rin ang lalamunan ko at nagpapantal ang leeg ko. Isa pa, iniisip ko pa rin ang sinabi ni mama sakin kanina. Hindi ko kasi alam kung paano ako makikipag-ayos kay Ate kung ako ba ang maga-adjust na hihingi ng sorry. Siguro ganun na nga, ako ang iintindi.

BINABASA MO ANG
Walk With Me (Finished✔)
Teen FictionShe's Alicia Clemonte who fell inlove with Matthew Levi. But their love story come to its end. How they will survive their relationship? could they make it?