E P I L O G O
written by HottestApoyMATTHEW'S POV
Kanina pa nagkakarerahan sa pag-agos ang luha ko. Hindi ko matanggap na sa isang kisapmata wala na ang babaeng bumuo sa buhay ko. Wala na ang babaeng minsan na akong minahal. Wala na siya. Wala na ang babaeng inakala ko ay bubuo sa future ko. Wala na si Alicia Clemonte. Kasabay ng pagkaalam ko na wala na siya ay sabay gumuho ang mundo ko na nabuo dahil sa kaniya.
Ang dami ko pang gustong maranasan at gustong gawin kasama siya. Buo na yung plano ko sa buhay na kapag tapos na kaming mag-aral ay dadalhin ko siya sa iba't ibang bansa. Ipapasyal ko siya. Gagawin ko yun dahil gusto ko siyang makitang laging nakangiti at masaya. Paano ko na gagawin ang mga plano kong yon kung wala na siya? Hindi ko na kailan man makikita yung ngiti niya.
"Masyadong malala na ang allergy niya. Severe allergy. Natrigger ang allergy niya at ang malala pa ay buong katawan niya ang nabasa kaya nahirapang huminga ang pasyente. Mahina na rin ang immune niya kaya humina ang katawan niya and leads to her death."
Yan ang sabi ng doktor.
Bakit ang daya ng tadhana? Bakit nauwi kami sa ganito? Bakit kung sino pa yung pinakamamahal mo ay siya pa ang kinuha sayo? Ang unfair.
Huli na ng malaman ko kung ano ba talaga ang dinaranas ni Alicia. Huli na ang lahat. Kung nalaman ko agad sana mas naging protective at caring ako sa kanya. Bakit kasi huli? Bakit ngayon lang?
Napatingin ako kay Hailey na kasabay kong maglakad. Umiiyak siya kanina pa. Paupo siyang bumagsak ng malaman niyang wala na si Alicia at nagsimula na ulit umiyak.
Inabot ko sa kanya ang hawak kong panyo para may magamit siya. Kinuha niya rin naman agad.
Naglalakad kami papuntang morgue nitong hospital kung saan nandoon na ang katawan ni Alicia. Mabigat ang bawat hakbang ko. Nanginginig ang buong sistema ko. Hindi ko pa kasi tanggap na wala na si Alicia.
"Alam mo, noon ka pa niya gusto hindi mo pa siya kilala. Mahal na mahal ka ng kaibigan ko at naging saksi ako doon. Handa siyang mag-cutting mapanood ka lang na lumalangoy." Sabi ni Hailey.
Tumango ako. Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.
"Sa tuwing nasa cafeteria kami ikaw ang laging topic niya. She always compliments you. Kung gaano ka kagaling sa paglangoy. Tapos, dumating yung araw na naging kayo. Ramdam ko kung gaano siya kasaya. Isipin mo, noon ay hinahangaan ka lang niya tapos ay naging kayo." Sabi ni Hailey.
Parehas kaming napatigil sa paglalakad ng makaharap na namin ang silid kung saan nandoon ang katawan ni Alicia. Kumabog muli ng mabilis ang puso ko nang mabasa ko ang pangalan ng kwartong ito, 'Morgue'.
Mabibigat ang bawat hakbang ko. Lumalim ang bawat paghinga ko dahil sa kaba. Ito na yon.
Dahan-dahan kaming pumasok ni Hailey sa loob ng morgue. Agad naming nakita ang isang bulto ng babae sa nakahiga sa bakal na lamesa na natatakpan ng puting tela.
Agad tumulo ang luha ko at naglandas sa pisngi ko. Napahagulgol na lang si Hailey sa gilid.
Hindi ko maisip na hahantong kami ni Alicia sa ganitong scenario. Iniisip ko noon na kasama siya sa pagtanda ngunit heto siya payapang nakahimlay at natatakpan ng tela.
Patuloy sa paglandas ng luha ko sa mga mata ko. Napatakip ako ng bibig dahil pilit kong nilalabanan sa luha ko.
Ang sakit-sakit na sa loob ko. Wasak na wasak na ang buong ako. Basag na basag na ang puso ko. Sobrang sakit at hapdi. Ito yung pinakamalalang sakit dahil tinitira nito ang loob ko.
Nasa harap ko na ang nakahigang katawan ni Alicia. Umungat ang nanginginig kong kamay.
Gusto ko siyang makita sa huling sandali. Huling pagkakataon. Ito na yung huli.
Inangat ko ang puting tela na tumatakip sa mukha ni Alicia.
Mas lumakas ang pagdaloy ng luha ko. Parang panaginip lang ang lahat. Gusto ko ng magising. Ayoko na, sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Sirang-sira na ako. Sobra na.
"A-Alicia..." Usal ko.
Agad ko siyang niyakap. Sobrang higpit na yakap dahil ito na yung huling yakap na gagawin ko sa kanya. Huling yakap na mabibigay ko.
Hindi ko akalain na yung taong pinakamamahal ko ay isa ng malamig na katawan.
"I love you so much even words can't explain how much I love you..." Sabi ko at patuloy na umiiyak.
Ito na yung pinakamasakit na nangyari sakin. Wala na talaga ang babaeng pinakamamahal ko. Iniwan niya na ako at hindi na babalik pa.
"Gusto pa sana kitang samahan sa pagtanda kaso iniwan mo agad ako. Alam mo sobrang sakit na dito oh..." Itinuro ko ang dibdib ko.
Ayos na sana ang lahat e'. Iniisip ko na siya na talaga ang magiging ina ng mga anak ko. Siya na yung babaeng gusto kong makita sa bawat umagang gigising ako kaso iniwan niya ako. Wala na, finished na.
"I wanna be someone beside you and walk with you. Just me and you. I want you to walk with me and I will be here for you everytime you feel alone pero ngayon ako na lang ang maglalakad mag-isa sa journey ng buhay ko. Ang daya mo kasi iniwan mo ako." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.
Pinagmasdan ko ang mukha ni Alicia. Mukhang natutulog lang siya at payapang nalapikit. Maganda pa rin siya at simple. Ngumiti ako kahit sa huling beses ay ngitian ko siya. Alam kong ayaw niya akong makikitang nalulungkot.
"I love you, Alicia Clemonte Levi, goodbye." I mouthed.
* * *
Two weeks na ang nakalipas simula ng mawala si Alicia. Nakalibing na siya at binibisita ko na din. Masakit para sakin na maiwan niya pero tanggap ko na sa sarili kong wala na talaga siya. Hindi ko siya makakalimutan dahil tumatak siya sa puso ko. May parte ng utak ko na hinahanap siya.
I miss her, Alicia Clemonte.
Masakit para sa pamilya niya ang pagkawala niya. Naging isang mabuting anak, mag-aaral, kaibigan at kasintahan si Alicia.
Naghihilom na ang puso ko pero alam kong matatagalan pa bago ito totally na maayos. May peklat pa itong maiiwan dahil sa sobrang lalim ng sugat na natamo sa pagkawala ni Alicia.
Si Lucy naman ay hindi na sinampahan ng kaso ng magulang ni Alicia. Isa pa, menor de edad pa ito. Sobrang bait na ng pamilya ni Alicia para maging ganun. Hindi ko na rin ipinilit na kasuhan si Lucy. Tulad ko, hindi niya alam ang sitwasyon o dinadanas ni Alicia.
Ngayong araw ginaganap ang swimming competition. Nakalinya na kaming lahat at hinihintay na lang ang 'Go' signal para magsimula na ang karera sa paglangoy.
Gagawin ko ang lahat para manalo. Gagawin ko ito hindi dahil para sa swimming para din kay Alicia. Gusto ko siyang maging proud sakin kung nasaan man siya.
"In the count of three, one, two, and three!"
Agad akong tumalon sa tubig at mabilis na lumangoy. Para lang akong nasabay sa takbo ng tubig sa paglangoy. Isinapuso ko si Alicia dahil siya ang rason ko para ipanalo ang kompetisyon na ito.
Nang makarating ako sa dulo ng pool ay agad akong lumangoy pabalik sa pinanggalingan ko. Nauuna ako!
Mas binilisan ko pa ang paglangoy hanggang makarating ako sa pinanggalingan ko.
Rinig ko ang sigawan ng mga tao lalo na ng mga kaklase ko dahil sa ako ang una. Itinaas ko ang kamay ko at ngumiti ng malapad.
"Para sayo 'to Alicia!" Bulong ko.
W A K A S ~
Walk With Me
Written by HottestApoyCopyright © 2019
Started: September 2019
Finished: October 2019
BINABASA MO ANG
Walk With Me (Finished✔)
Teen FictionShe's Alicia Clemonte who fell inlove with Matthew Levi. But their love story come to its end. How they will survive their relationship? could they make it?