KABANATA 2

36 7 0
                                    

KABANATA 2
written by HottestApoy

ALICIA'S POV

Nasa Cafeteria na kami ni Hailey at kumakain na siya habang ako tinititigan ko lang siyang kumain. Kahit gustuhin kong kumain hindi ko kaya dahil ako lang din ang mahihirapan. What if mabulunan ako o di kaya'y masamid? Kailangan ko ng tubig para maitulak yung pagkaing bumara. Tubig pa rin yon at masasaktan lang ako.

For me, water means pain. Solid pain na ayoko na ulit maramdaman. Araw-araw akong gumigising at iniisip kung paano ako mabubuhay ng hindi umaasa sa tubig. Ayoko na ulit maranasan yung sakit at hapdi sa tuwing makakainom ako ng tubig kaya mas mabuting huwag na lang uminom.

"Alam mo Alicia subukan mo rin kayang kumain?" Suhestiyon ni Hailey.

"Paano ako kakain kung alam kong sasaktan ko lang din ang sarili ko? Ayoko na Hailey. Sa totoo lang, sobrang sakit ang nararamdaman ko tuwing kailangan kong uminom pagkatapos kumain." Sabi ko.

"Kaya ka namamayat e'. Look at yourself, Alicia! Buto at balat ka na lang." Sabi ni Hailey at kumagat ng fried chicken.

"Its better to skip meal than to feel solid pain, Hailey." Sagot ko.

Dati tuwing nakakakita ako ng pagkain ay sobrang saya ang nararamdaman ko pero ngayon sa tuwing may nakikita akong pagkain ay sakit at takot ang nararamdaman ko. Takot na akong kumain at uminom na baka maramdaman ko na naman yung sakit na dala ng allergy ko sa tubig.

Ang malas ko ba? Alam ko, Oo. Napaka-rare nitong allergy na 'to pero ito pa ang nakuha kong sakit.

"Bilisan mo na lang diyan at manonood pa ako ng practice ni Matt my loves ko!" Sabi ko kay Hailey.

6:00 am to 8:00 am ay may practice ng swimming si Matt. Kapag 8am na ay pahinga niya tapos babalik siya ng 2:00 pm hanggang 4:00 pm na ang practice niya ulit. Dahil magtu-2pm na siguradong nandoon na si Matt.

Saglit pa ay tapos na si Hailey kumain at sumadya pa siya sa comfort room para maghugas ng kamay.

Nakarating kami sa Pool area at walang masyadong tao dito ngayon. Pumasok kami sa loob at may ilang estudyante na dito. Literature dapat susunod naming subject kaso naga-advance reading ako doon dahil practice ni Matt sa time na yon.

Naupo kami ni Hailey sa bandang dulo para hindi kami matatalsikan ng tubig kung sakali para na rin iwas atensyon ng ilang estudyante dito na nanonood.

"Kapag ako walang nasagot sa literature at bumagsak ako humanda ka sakin!" Sabi sakin ni Ali.

"Okay lang yan, tuturuan kita." Sabi ko kay Hailey.

Agad akong natameme ng makita ko si Matt na naglalakad malapit sa swimming pool. Naka-goggles na siya at mukhang ready na siyang mag-practice. Everytime na nakikita ko siya ay nagkakalakas ako ng loob. Ang gwapo niya talaga at ang tangkad pa. Halos mabuwal ako ng makita ko siyang ngumiti. Simpleng ngiti yon pero napabilis niya ang tibok ng puso ko. Kahit hindi para sakin ang ngiting yon okay lang dahil masaya na rin akong masaya siya. Gustong-gusto ko na siyang makausap pero parang malabong mangyari yon.

Mayamaya pa ay dumating na ang coach ni Matt at agad na hinipan ang pito nito. Tumalon agad si Matt sa tubig at mabilis na lumangoy. Ang cool niya lumangoy at kadali-dali lang sa kanya na makipagsabayan sa agos ng tubig. Ilang saglit lang ay naka-ahon na agad siya.

Kahit na lagi siyang babad sa tubig ay maputi si Matt. He have that attractive eyes, his cool eyebrows, his pointed nose, his messy hair, his cute cheeks and kissable lips.

Sa buong buhay ko iniisip ko kung sino ang makakasama kong maglakad sa paglalakbay ko sa buhay. Kung sino ang laging magiging nandyan para sakin. Who will be the one that walk with me. Who will stand by my side everytime I feel alone. Kung sino yung handang hawakan ang kamay ko at haharapin ang hamon ng buhay. Ngayon, nakikita ko na siya. Ang taong pagbubuhusan ko ng pagmamahal. Ang taong hinihiling kong sana ay makasama kong maglakad sa buong buhay ko. The one who will walk with me until my last breath. Until my last step. Until my last everything. I see Matthew Levi walking with me.

"Hoy, Alicia!" Sigaw ni Hailey.

"Bakit?" Tanong ko.

"Baka matunaw sayo yung tao kanina mo pa tinititigan." Sabi ni Hailey.

"Ewan ko ba Hailey pero gustong gusto ko talaga siya." Sabi ko.

"Sige lang, mangarap ka pa tutal libre naman yan." Sabi ni Hailey.

"Ewan sayo." Sabi ko.

Tinawanan naman ako ni Hailey dahil halatang tinamaan ako sa sinabi niya. Alam ko naman din kasing hinding hindi ako mapapansin ni Matt dahil sino ba naman ako di ba? I'm just a nobody. Mas maraming magaganda at mas nakaka-attract na babae diyan kesa sakin.

Hindi ko na tinapos yung practice ni Matt dahil uwian na rin. 3:30 pm ang uwian namin at kahit gusto ko pang manood at titigan si Matt ay hindi pwede dahil siguradong papagalitan ako ni papa.

Bumalik muna kami ni Hailey sa room baka kasi may iniwang assignment sa board ang Professor namin. Isusulat na lang namin. Wala rin kasing practice bukas si Matt sa kadahilanang hindi ko alam. Walang palya ang practice niya every week pero hindi ko alam kung  bakit walang practice siya bukas. Wala rin namang event bukas.

Nauna ng umuwi si Hailey sakin kaya mag-isa na lang akong uuwi ngayon. Nasa daan na ako palabas ng gate ng makita ko si Matt ng buhay ko. Ang aking pinakamamahal na lalaki ay nakatayo sa gilid ng gate na para bang may hinihintay.

What if kausapin ko siya? Wala namang mawawala di ba? T'saka sayang ang pagkakataon. It's now or nothing at all.

Lumapit ako kay Matt at hanggang balikat niya lang ako. Oo na, ako na ang maliit.

"Hi, Matt!" Bati ko sa kanya.

Naghintay ako ng response niya pero hindi niya ako pinansin miski tingin ay hindi niya ginawa.

"I'm Alicia and isa ako sa mga tagahanga mo." Pakilala ko.

"And then? Walang may pake. Mamatay na nagtanong." Malamig niya sabi.

Walk With Me (Finished✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon