KABANATA 12

18 5 0
                                    

KABANATA 12
Written by HottestApoy

ALICIA'S POV

Nasa swimming practice ako ni Matt at kasama ko si Hailey. Vacant kasi kami ng last subject kaya dito na kami dumaretso.

"15 minutes break!" Sigaw ng couch ni Matt.

Agad umahon si Matt at inalis ang goggles niya. Kinuha niya yung towel niya at ipinunas sa upper body niya. Nagtagpo ang mga mata namin na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Nginitian niya ako at kinawayan ako.

Halos mapuno ang katawan ko ng saya at kakaibang pakiramdam. Parang may kung anong kumikiliti sa mga lamang-loob ko. Ang sarap sa pakiramdam.

"Ngiting-ngiti tayo, ah?" Pagpupuna sakin ni Hailey.

Hinampas ko ang braso niya ng marahan.

"Ako na naman ang nakita mo!" Natatawa kong sabi.

"Kinikilig ang loka!" Sabi ni Hailey at tumawa.

Saglit na oras pa ang lumipas at natapos na ang swimming practice ni Matt. Naglalakad na kami papuntang library. Nagpaalam na rin si Hailey na mauuna na siyang uuwi.

Nakarating kaming library ni Matt at usual naupo kami kung saan madalas kaming nag-aaral.

"Ali, pwedeng Mathematics naman ang ituro mo sakin? I-review mo ako dun kasi may exam kami doon." Sabi ni Matt.

"Sure!" Sabi ko.

Balak ko na sanang ilabas yung mga notes at books ko para sa mathemstics nang lapitan kami ng Librarian.

"Excuse me?" Pag-interrupt samin ng Librarian.

Agad kaming napatingin ni Matt sa babae na sa tingin ko ay nasa edad 30's na.

"Maagang magco-closed ang library ngayon dahil may meeting akong pupuntahan. Humanap na lang kayo ng lilipatan niyo." Paalam samin ng Librarian.

"Sige po!" Sabi ko.

Agad akong hinila ni Matt palabas ng library. Dinala niya ako sa Parking lot ng school sa tapat ng kotse niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Matt.

Nakaharap ako sa kanya habang nakasandal naman siya sa pulang kotse niya. Inilagay niya pa ang kamay niya sa baba niya at pormang nag-iisip.

"Alam ko na kung saan pero bumili muna tayo ng foods natin." Sabi ni Matt.

Pinapasok niya ako sa kotse niya at pinaupo sa passenger seat. Mabilis na umandar ang kotse niya paalis.

Ilang saglit pa ay itinigil niya ang kotse niya sa isang shop. Bumaba kami at agad pumasok sa shop.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Bibili tayo, treat ko." Sabi ni Matt at ngumiti.

Bumili siya ng slices ng cake at Milktea. After naming makuha ang take-out order ay bumalik kami sa kotse na agad niyang pinaandar. Mabuti at secure na walang tulo ang lagayan ng milktea at hindi ako nababasa dahil ako ang pinaghawak ni Matt.

Saglit lang ay nakarating sa isang magandang lugar. Nasa isa kaming mataas na lugar kung saan makikita ang city at ang paglubog ng araw. Ang sarap sa mata titigan ng tanawin.

Naupo kami ni Matt sa damuhan kung saan tanaw namin ang city pati ang palubog na araw.

"Ang ganda, 'no?" Tanong ni Matt.

Napatingin ako sa kanya. Ang guwapo niyang mukha ay tinatamaan ng liwanag ng palubog na araw. Ang perkpekto ng mukha niya.

"Ang ganda dito." Sabi ko.

Nginitian niya ako dahilan para magkarera ang pagtibok ng puso ko. Ang romantiko ng paligid namin. Punong-puno ng kaligayahan ang katawan ko.

"Magreview na tayo para sa Mathematics mo." Sabi ko.

Inilabas ko na ang notes ko sa Mathematics at sinimulan ko ng turuan si Matt. May mga terminologies at formulas ako itinuro. Madali namang maka-catch up si Matt kaya hindi na ako nahirapang magturo.

"Hindi ganyan, ita-transpose mo yung number sa kabila." Sabi ko at itinuro yung mali niya.

"Ganun ba." Tumatangong sabi ni Matt.

Napatingin ako sa mukha niya at doon ko lang napansin na ang lapit ng mukha niya sa akin. Nasa yellow pad naman ang atensyon niya kaya hindi niya napapansin na pinagmamasdan ko siya.

Pakiramdam ko ay mas lumalim ang pagkagusto ko sa kanya. Ang charming ng mukha niya at hindi nakakasawang titigan. He is really a good looking man. Mas nakaka-inlove talaga ang isang lalaki kapag seryosong nag-aaral. Ang cute tignan kapag nakikita mong pursigidong matuto tapos ang ayos pa ay ganito. Nakaupo sa damuhan, naka-uniform at abalang nakatutok sa inaaral.

"Text ko lang si mama na gagabihin ako ng uwi." Paalam ko kay Matt.

Tumango lang siya at abala pa rin sa pagsasagot sa ibinigay kong exercises.

Inilabas ko ang phone ko at itinext si mama. Hindi ko alam pero pagkatapos kong magtext ay nasa camera na ako ng phone ko. Gusto kong kuhaan ng litrato si Matt. Isa ito sa pinakamagandang memory na kasama ko siya kaya gusto ko ng remenbrance.

I set my camera and in count of three I click the button. Naka-sideview si Matt habang naka-indianseat at nagsasagot habang tinatamaan ng sunset ang mukha niya. Ang perfect ng photo. Ginamit ko na rin ang picture na yon bilang wallpaper ng phone ko.

Inabot kami ng 7pm ng gabi bago namin mapagdesisyunang umuwi na. Sa pagtayo ko ay muli akong namangha sa ganda ng tanawin. Wala na ang araw at napalitan na iyon ng buwan kasama ang mga daan-daang bituin at sa ibaba ang city lights. Iba't ibang ilaw mula sa siyudad. Ang ganda!

Nauna na si Matt sa kotse habang saglit akong nagpaiwan upang tignan sa huling pagkakataon ang liwanag ng siyudad.

"Tara na!" Sabi ko kay Matt pagkasakay ko sa kotse.

"Ihahatid na kita sa inyo." Sabi ni Matt.

Hindi na ko umayaw at nagpahatid na dahil makakatipid din ako sa pamasahe. Isa pa, makakasama ko pa si Matt.

"Iuwi mo na lang yang cake at yang milktea, sayang kasi." Sabi ni Matt.

Tumango na lang ako.

Gusto ko i-enjoy itong mga sandaling ito. Yung kami lang dalawa ang magkasama. Kanina pa talaga ako kinikilig noong magkasama kaming nakaupo sa damuhan hanggang dito sa loob ng kotse. Ang lakas kasi maka-romantic ng ambiance tapos yung lalaking kasama ko pa ay yung taong gusto ko talaga.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko kay Matt.

"Ako nga dapat ang magpasalamat dahil tinuturuan mo ako sa mga subjects ko." Sabi ni Matt.

Gusto ko pa sana siyang imbitahan sa loob ng bahay namin pero ayaw niya dahil uuwi na rin siya. Sa susunod na lang daw.

"Ingat ka!" Sabi ko.

Nginitian ako ni Matt bago siya pumasok ng kotse niya. Agad niyang pinaharurot ang kotse at umalis na. Bitbit ko ang slices ng cake at ang milktea papasok ng bahay. Ibinigay ko na lang iyon kay Azer dahil hindi ko rin iyon makakain.

This day is full of happiness. Ang saya-saya ko dahil nakasama ko si Matt ng sobrang tagal at ang romantiko pa. Isa pa, hinatid niya ako pauwi kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Para na nga akong baliw na nakahiga sa kama at nginingitian ko ang kinuha kong litrato ni Matt.

Walk With Me (Finished✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon