KABANATA 13

25 5 0
                                    

KABANATA 13
written by HottestApoy

ALICIA'S POV

Tanggap ko na sa sarili ko na mahal ko na si Matt. Hindi ko naman kailangang pigilan ang sarili ko na huwag siyang mahalin. Hayaan ko na lang mahulog ako sa kanya kung sambutin niya e' 'di maswerte kung hindi eh 'di iyak. Ang mahalaga ngayon ay malapit kami sa isa't isa.

Hindi naman nawala ang feelings ko kay Matt kahit nalaman ko pa ang ugali niya kapag stress. Sadyang pinipilit ko lang huwag lalong mahulog pero hindi tama yon. I should give myself a freedom to love someone even there is no chance to love back.

Maaga ako nagising ngayon kahit pa late na ako nakatulog kagabi. Alas-kwatro ng umaga ako nagising at ngayon ay naglinis ako ng katawan. Punas-punas lang at mabilisan pa.

Ilang sandali pa ang namula at humapdi na ang balat ko. Ininom ko agad ang gamot ko para mabawasan ang hapdi at sakit. Nakasuot ako ng sando at short para presko ako at hindi pa ma-irritate ang allergy ko.

After 30 minutes ay nawala na ang sakit pero nandito pa rin ang pamumula. Pinkish na lang siya hindi tulad kanina na sobrang pula na bilog-bilog.

Nagsuot na lang ako ng sweater at nagbihis na rin ng uniform para pumasok. Nagpaalam muna ako kay Mama at Alice na mauuna na ako.

***

Vacant kami ngayon sa first subject dahil nagkaroon ng meeting ang teacher namin kaya hindi nakapasok sa klase. Nandito kami ngayon ni Hailey sa field at nakaupo sa damuhan sa may lilim ng puno.

Nagkukuwentuhan kami tungkol sa nangyari samin ni Matt kahapon. Siguro kung may Human Diary ako ay si Hailey na iyon. Kilalang-kilala niya ako dahil wala akong itinatago sa kanya.

"Patingin ng picture!" Excited na sabi ni Hailey.

"Wait." Maikli kong sabi.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at agad tinipa ang password ko. Ni-wallpaper ko yon kaya di ko na dinala sa gallery para ipakita kay Hailey.

"Ayan!" Nakangiti kong sabi.

"Ang gwapo niya diyan, infairness." Komento ni Hailey.

"Ako pa, magaling yata akong photographer baka nga pati puso niya ma-capture ko." Sabi ko at tumawa.

"What if magkagusto siya sayo?" Biglang tanong ni Hailey.

"What if hindi?" Sabi ko.

"Kung magkagusto nga siya sayo, anong gagawin mo?" Tanong ni Hailey.

Sumeryoso ako at nag-isip.

"Hindi ko alam." Sabi ko.

"Ano? Anong hindi mo alam?!" Gulat na tanong ni Hailey.

"Hindi pa ako ready sa stage na yan t'saka matalinong tao si Matt hindi siya babagsak sa isang tulad ako. Hindi na nga ako nage-expect o ano pa." Sabi ko at mapait na ngumiti.

"Naku, girl! Masyado mong ibinababa ang sarili mo." Naiinis na sabi ni Hailey.

"There's a lot of fish in the ocean tapos maa-attract siya sa isang basurang tulad ko na palutang-lutang lang." Sabi ko.

"Maganda ka, okay? Tama na nga ito, sa cafeteria na tayo nagugutom na ako." Sabi ni Hailey.

"Sige hahaha!" Sabi ko.

Tumayo na kami at naglakad papuntang Cafeteria. Hindi na muna ako kakain dahil busog din naman ako. Nakarating kami cafeteria ako ang naghanap ng table namin habang bumibili si Hailey ng pagkain niya.

Ilang saglit lang ay dumating na si Hailey bitbit ang pagkain niya. Naupo na siya at nagsimulang kumain.

"Alam mo, gurl, may bago akong gusto!" Sabi ni Hailey at humagikgik pa siya.

"Saang building naman yan?" Tanong ko.

Marami din kasing nagugustuhan itong babaeng ito. Halos lahat yata ng course ay may crush siya.

"Sa may Engineer Building may bagong transferee doon!" Kinikilig na sabi niya.

"May manliligaw ka pa di ba?" Tanong ko.

"Yup, Si Dustin." Sagot niya.

Si Dustin na nasa Psychology Building. Gwapo rin naman yon at mabait.

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko.

"Sabihin na lang natin na may pusong babae pala siya kaya umurong sa panliligaw pero friends na lang kami ngayon." Kuwento ni Hailey.

"Seryoso?" Tanong ko at tumawa.

Tumango siya.

"Ang masculine ng katawan niya pero fafa din ang hanap, sayang parang napanis na ulam." Sabi ko.

"Pero okay lang may new target ako." Sabi ni Hailey.

"Sino? Yung nasa Engineering Building?" Tanong ko.

Tumawa ang loka at ibig sabihin noon ay 'Oo'.

"Tirador ka na pala ng Engineering student." Sabi ko.

"Slight lang!" At tumawa ulit siya.

Natapos na siyang kumain kaya lumabas na kami ng cafeteria para sa next class namin. Nasa hallway na kami at naglalakad nang may humawak sa kamay ko.

"Alicia!" Tawag sakin ni Matt.

Agad niya akong niyakap na siyang ikinabigla ko. Mabilis na nagreact ang katawan ko. Ilang boltahe ang gumapang sa buong sistema ko. Ramdam ko din ang pamumula ng mukha ko.

Ang bango niya at ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya. Agad din siyang kumalas sa yakap at inilagay ang kamay sa dalawang balikat ko. Tinitigan niya ako sa mata. Bakit ganito? Ano ito? Ang sarap sa pakiramdam na parang may kumikiliti sa kaibuturan ng katawan ko. Hindi ko maipaliwanag.

"Nakapasa ako sa exam namin sa Mathematics at dahil yon sayo!" Tuwang-tuwa si Matt.

Kitang-kita ko sa mata niya ang saya at tuwa.

"Co-Congrats!" Nauutal kong sabi.

"Ako ang highest sa klase namin, salamat sayo!" Sabi ni Matt.

"Kaya mo naman talaga yon dahil nagpursigi kang mag-review. You deserve it." Masaya kong sabi.

"Kahit na! It's all thanks to you." Seryoso pero masayang sabi ni Matt.

"Good job! Masaya ako para sayo." Sabi ko.

"Bilang pasasalamat ko na rin, pwede ba tayong lumabas? Friendly date?" Anyaya ni Matt.

Seryoso ba ito? Date with him? Napatingin ako kay Hailey at ngiting-ngiti ang loka.

"Please?" Sabi ni Matt.

"S-Sure! Sige pumapayag ako." Masaya kong sabi.

"Yes!" Tuwang-tuwa na sabi niya.

"I will borrow you for a date later, okay? Susunduin kita sa labas ng gate after ng class dismissal." Excited na sabi ni Matt.

"Si-Sige." Sabi ko.

"See you later!" Sabi ni Matt at umalis na.

"Kyaaah!" Tili ni Hailey.

Napangiti ako. That is sweet. A date? May god!

"I will borrow you for a date." Pag-uulit ni Hailey.

"Baliw ka!" Sabi ko.

Pero deep inside kinikilig na talaga ako. Kahit ano pang date yan basta si Matt ang kasama ko ay ayos lang.

Walk With Me (Finished✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon