KABANATA 7
written by HottestApoyALICIA'S POV
Nagtungo ako sa Pool area ng campus baka nandoon si Matt at nagpa-practice pa sa paglangoy. Mag-isa na lang akong pumunta sa Pool area dahil nauna ng umuwi si Hailey. Tinutukso niya pa ako kay Matt bago siya umalis at magkuwento daw ako kung ano ang mangyayari mamaya.
4:30 pm ang simula ng pagtu-tutor ko kay Matt hanggang 6:30 pm yon. Mahigit two hours ko din makakasama si Matt. Sana lang ay tumino siya during our time.
Pumasok na ako ng Pool area at naupo sa bleacher. Agad ko namang nakita si Matt dahil matangkad siya. Kilala ko pa rin talaga ang posture niya at appearance niya ka hindi naging mahirap na hagilapin siya. I look at my wristwatch and it's already 4:15 pm.
May towel na nakapatong sa balikat ni Matt at lutang na lutang ang kaputian niya. May butil-butil pa ng tubig sa katawan niya pati ang buhok ay may tumutulong tubig. Wet look. Ang attractive niya. Katatapos niya lang siguro lumangoy at nagpapahinga na. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mapupula niyang labi.
Agad akong bumitaw ng tingin kay Matt nang papalapit na siya sa direksyon ko. Ang tangkad niya talaga.
"Hoy, Delmonte!" Tawag niya sakin.
Inirapan ko siya.
Tumabi siya sakin sa bleacher pero hindi ganun kalapit dahil basa siya.
"Magsho-shower lang ako hintayin mo ako saglit." Sabi niya at tumayo din.
"Oo na, dalian mo lang!" Naiirita kong sabi.
Nginitian niya ako bago siya umalis at pumuntang shower room. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganun? Simpleng ngiti lang yun pero naapektuhan agad ako. Uncrush na siya sakin e'!
Sabay kaming naglalakad ni Matt papuntang library at itong lalaking ito ay ubod ng ingay. Hindi siya nauubusan ng topic at puro kalokohan sa buhay ang ikinuwento niya. Parang ang gaan agad ng loob niya sakin dahil pati pagkabata niya ay ikinukwento niya din sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ikinukwento niya.
"Bakit ka nangiti agad diyan hindi pa naman ako tapos magkuwento?" Tanong ni Matt.
"W-wala lang!" Mabilis kong sagot. Nautal pa ako sa pagkabigla.
"Sabi na nga ba, sakin ka lang sasaya!" Sabay ngiti niya sakin.
"Baliw!" Sabi ko.
"Bakit ka nangiti mag-isa diyan?" Tanong niya.
"Kasi ang daldal mo parang ang gaan agad ng loob mo sakin." Mahina kong sabi.
"Bakit nga ba? Ewan ko din. Basta gusto ko lang magkuwento sayo." Sabi ni Matt at tumawa pa.
Nakarating kami sa library at humanap agad kami ng lamesa kung saan kami magsisimula. Agad akong naglabas ng ilang libro para sa mga ituturo ko sa kanya lalo na sa mathematics.
Patuloy lang sa pagkukwento si Matt at parang walang balak mag-aral.
"Magsimula na tayo." Sabi ko.
"Ahm.. Alicia," tawag sakin ni Matt.
"Ano yun?" Tanong ko at hindi siya nililingon.
Abala kasi ako sa pagtu-turn ng pages ng libro at hinahanap ko pa yung topic na ituturo ko. Nawala naman yung focus ko sa paglilipat ng pahina dahil hinawakan ni Matt yung kamay ko. Nagulat ako. Bakit ganun parang may kuryente?
"A-ano?" Nauutal kong tanong.
"Huwag mo muna ako i-tutor ngayon, pwede? Pahiramin mo na lang ako ng notes mo at pag-aaralan ko na lang sa bahay." Paalam ni Matt.
"Bakit? Anong gagawin na lang natin dito?" Naguguluhan kong tanong.
"Magkuwentuhan tayo? Gusto ko kasing mas makilala ka pa." Sabi ni Matt.
Ewan ko pero bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Paglilinaw ko.
"Oo, pahiramin mo na lang ako ng notes mo at self-study na lang ako sa bahay." Sabi ni Matt.
Saglit akong natahimik. Hindi ko alam kung papayag pa ba ako o hindi? Tutor niya ako pero mas gusto niyang magkuwentuhan kami?
"Sige na nga! Pero siguraduhin mong mag-aaral ka sa bahay niyo ha?" Sabi ko.
Tumango siya at nanumpa pa, "Promise!" Sabi niya.
"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko.
"Kahit ano?" Sagot niya at tumawa.
"Sige, simulan mo." Sabi ko at sumandal sa monoblock na upuan.
"May boyfriend ka?" Tanong niya.
Agad nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
"Wala!" Sabi ko. Medyo nagulat lang ako.
"Seryoso? You have beauty and brains pero wala kang boyfriend?" Hindi pa siya makapaniwala.
"Nakatuon lang talaga ang atensyon ko sa pag-aaral." Sabi ko.
"Ako may pag-asa ba ako sayo?" Direkta niyang tanong.
Inirapan ko siya.
"Straight to the point na ako ha? Noong una, gusto kita kasi ang talented mo at full-pakage ka na ang kaso ang sama ng ugali mo. Akala mo hindi ko alam na pinagtitripan mo lang ako? Kung ako sayo humanap ka ng ibang pagtitripan mo kasi malakas ang instinct ko sa mga playboy." Sabi ko.
Natahimik siya.
"Okay, I'm so sorry! I didn't mean it." Sabi ni Matt at napahilamos sa mukha.
"Oo, gwapo ka Matt pero kinulang ka sa ugali. Hindi lahat ng babae ang hanap ay gwapo mas nakaka-attract pa rin yung may magandang pag-uugali kaya baguhin mo yang definition mo sa babae. Gwapo ka pero hindi lahat naa-attract sa mukha. I wish you get my point." Sabi ko.
"Sorry talaga, dapat mas kinilala pa kita. Aaminin ko, trip ko lang lahat yun pero huwag ka sanang lumayo. I want to know you more, please?" Sabi ni Matt at pinagdikit pa ang dalawang palad.
"Bakit ganyan ka?" Tanong ko.
"What?" Si Matt.
"Hindi man tayo masyadong magkakilala pero ramdam ko mahilig ka maglaro ng puso ng mga babae?" Sabi ko at tinignan siya.
"Aaminin ko marami akong ex-girlfriends pero ano kasi.. ahm.." medyo napaisip pa siya.
"No need to explain, Matt." Sabi ko.
"Sorry talaga, masyado na ba akong masama?" Tanong niya.
"Hindi ko alam pero isa lang masasabi ko sayo itigil mo na ang paglalaro sa puso ng iba dahil kakaiba gumanti ang karma." Sabi ko.
Saglit kaming natahimik.
Ewn ko ba kasi kanina lang ang pinag-uusapan namin ni Matt ay ang lovelife ko pero ngayon napunta na sa kaniya. Mas lumalabas na ang tunay na anyo niya at mas nakikilala ko na ang isang Matthew Levi.
Humaba pa ang usapan namin pero hindi na tungkol sa lovelife more on funny life experiences na. Tawa ako ng tawa sa mga kinukuwento ni Matt. Mabuti at napalitan ng mas magaan na atmosphere yung kanina na halos sermunan ko siya sa pagiging playboy niya.
Somewhat, kahit na playboy siya siguro may panahon pa para magbago siya. Kahit na ganun ang ugali niya ay masaya siya kasama. Mas nakilala ko din siya dahil sa kadaldalan niya. Nakita ko na din ang good at bad sides niya. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa mga oras na kasama ko siya.
BINABASA MO ANG
Walk With Me (Finished✔)
Fiksi RemajaShe's Alicia Clemonte who fell inlove with Matthew Levi. But their love story come to its end. How they will survive their relationship? could they make it?