KABANATA 8
written by HottestApoyALICIA'S POV
Nasa kwarto na ako ng bahay namin at tulad ng dati ay nakatingin lang ako sa kisame. Wala rin akong balak kumain ngayon. Wala akong gana.
6:30 pm na ng umuwi kami ni Matt galing library. Nakakatuwa dahil pakiramdam ko mas tumibay yung bond naming dalawa. Naikuwento niya rin kung gaano siya ka-playboy. Umaabot lang daw ng 2 weeks o 1 month ang relationship niya after noon ay ibang babae naman. Nasermunan ko tuloy ulit siya. Sabi ko sa kanya na baguhin niya na ang estado niya pagdating sa relasyon at sa babae. Dapat siya ang nagpoprotekta sa babae at hindi niya sinasaktan physically o emotionally. Madaling maging lalaki pero mahirap magpakalalaki dahil sa ginagawa niya. Matuto siyang magpakalalaki na marunong pangalagaan at pahalagahan ang babae.
Magbabago na daw siya at magseseryoso na sa relasyon. Sabi pa niya, ang susunod na girlfriend niya ay sisiguraduhin niya ng ihaharap sa altar. Ang pipiliin niyang babae ay yung sigurado na siya at handa para samahan sa pagtanda. Natutuwa ako para sa kanya dahil nagbabago siya paunti-unti. Sana nga ay magbabago siya.
Ibinigay niya rin sakin ang number niya in case na may hindi siya maintindihan sa notes ko o sa mathematics. Dahil binigay niya ang number niya ganun na din ang ginawa ko binigay ko na din ang akin.
Bumibigat na ang talukap ng mata ko at handa ng dalawin ng antok kaso biglang tumunog ang phone ko. Napaupo tuloy ako sa kama at kinuha ang phone ko sa side table ng kama.
Nagtext si Matt na agad nagpangiti sakin matapos kong mabasa.
Salamat sa kanina and goodnight!
—MattinoAgad din akong nagreply ng 'goodnight' at matapos kong isend ay nahiga na ako.
***
Nasa University na ako kasabay ko maglakad si Hailey na kanina pa nangungulit sakin na magkuwento na daw ako tungkol sa nangyari kahapon sa library.
"So, ano ngang nangyari?" Tanong ni Hailey.
"Basta!" Sabi ko at ngumiti.
"Ang duga! Nakaka-excite naman ang weird kasi ng ngiti mo." Sabi ni Hailey at inaalog pa ang braso ko.
"Sa classroom na lang, ok?" Sabi ko.
"Hindi na nga ako makapaghintay e'! Kating-kati na ang tenga ko marinig yung kuwento." Pamimilit niya.
Patuloy pa rin sa pangungulit si Hailey pero hindi ko pa rin siya sinasagot. Ayoko kasing magkuwento sa hallway or sa school ground dahil baka may makarinig na pinagkukwentohan namin si Matt baka may makaaway pa ako.
Nakarating na kami ni Hailey sa room at agad kaming naupo. Tulad ng inaasahan ko ay naghihintay na si Hailey sa ikukuwento ko.
"Start na girl!" Excited niyang sabi.
Sinimulan ko ng ikuwento sa kanya yung mga pangyayari kahapon sa library. Ikinuwento ko yung mga ikinuwento ni Matt sa akin. Lahat talaga ikinuwento ko pati yung text sakin ni Matt.
Matapos kong magkuwento ay mamatay na sa kilig si Hailey. Msy pahampas pa siya sa braso ko habang nagkukuwento ako.
"Ang cute niyo tignan para kayong nasa getting to know stage!" Sabi ni Hailey.
Hindi ko din naman maiwasang mapangiti. Hanggang ngayon kasi fresh pa sa utak ko yung mga pag-uusap namin ni Matt.
"Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw malaman ko na nagde-date na kayong dalawa." Sabi pa ni Hailey at mahinang hinampas ako sa braso.
"Anong date ka diyan? Ang bilis ah." Sabi ko.
"Bakit? Ayaw mo? Bagay naman kayo e'." Sabi ni Hailey.
"Friendly date lang kung magkakataon." Sabi ko.
Natigil naman kami sa pag-uusap ni Hailey dahil dumating na yung teacher namin sa Physics at nagsimula ng magdiscuss.
Medyo lutang ang utak ko sa physics at walang pumasok sa utak ko sa mga itinuro ng teacher namin. Iniisip ko pa rin kasi si Matt e'.
Natapos ang klase namin at breaktime na. Niyaya ko agad si Hailey sa Pool Area dahil kukunin ko kay Matt yung mga notes ko. Agad naman akong inaasar ni Hailey habang papunta kami sa Pool Area.
"Notes ba talaga ang kukunin mo o gusto mo lang makita si Matt? Palusot mo din e'!" Natatawang sabi ni Hailey.
"Ewan nga sayo ang issue mo." Sabi ko.
Tinawanan lang ako ni Hailey.
Nakarating kami sa pool area at agad kaming naupo sa bleacher. Hinanap agad ng mata ko si Matt na kasalukuyang nasa swimming pool. Ang liksi niya lumangoy at ang lakas ng appeal. Nakasuot siya ng swimming attire at goggles.
"Baka naman matunaw yung tao, Ali!" Muling pang-aasar ni Hailey at sinundot pa ang tagiliran ko.
"Ano ka ba! Naa-amaze lang ako dahil ang galing niya lumangoy." Pagdadahilan ko.
"Sus! Gumawa pa ng excuse." Bulong ni Hailey. "Ayaw pang umamin na gusto niya pa rin talaga yung tao." Dagdag niya.
"Nakakainis ka! Ang issue mo!" Sabi ko at mahinang pinalo siya sa braso.
Tinawanan na naman niya ako.
"Ako na ang dakilang ma-issue, sige na! Hahaha!" Sabi ni Hailey.
Natapos din ang practice ni Matt kaya agad ko siyang nilapitan. As usual, may towel siya sa leeg at may butil-butil ng pawis sa katawan na siyang nagpa-hot look sa kanya.
"Hi, Alicia!" Bati sakin ni Matt.
Nginitian niya pa ako. Ang cute niya!
"H-Hello!" Nauutal kong sabi.
Ang bilis ng tibok ng puso ko! Parang may karera ng mga kabayo at mga hayop.
"Bakit nandito ka?" Tanong ni Matt.
Mabuti na lang at naiwan si Hailey sa bleacher kung hindi siguradong kung ano-ano na ang nasabi nun.
"Yung notes ko kukunin ko sana." Sabi ko at pilit na ngumiti. Nahihiya ako!
"Nasa loob ng CR sa locker ko nandoon, pwedeng ikaw na lang ang kumuha basa kasi ako?" Tanong ni Matt.
"Sure!" Mabilis kong sabi at nagtungo sa CR.
Pagkapasok ko ay agad kong nakita ang locker ni Matt. Bukas na din iyon kaya agad kong hinanap ang notes ko. Ang bango ng locker niya amoy na amoy ang pabango niya. Hindi naman ganun katapang ang pabango niya sa katunayan ay masarap iyon sa ilong.
Matapos kong makuha ang notes ay lumabas na ako ng CR at nagpaalam na din ako kay Matt.
"Mamaya ha, 4:30 pm sa library!" Sabi ni Matt.
Tumango ako bilang sagot.
Nang makalabas kami ni Hailey sa Pool Area ay agad na naman akong inasar nito.
"May date na naman kayo!" Kinikilig niyang sabi.
Napangiti na lang ako. Hindi ko alam pero parang may kung anong kumikiliti sa mga lamang-loob ko. Pakiramdam ko ay punong-puno ng saya ang katawan ko.
BINABASA MO ANG
Walk With Me (Finished✔)
Teen FictionShe's Alicia Clemonte who fell inlove with Matthew Levi. But their love story come to its end. How they will survive their relationship? could they make it?