KABANATA 14

20 4 0
                                    

KABANATA 14
Written by HottestApoy

ALICIA'S POV

Nakasuot ako ng sweater at jogging pants yung pang-P.E namin. Nagpalit ako sa locker room at iniwan ko din doon ang pinagpalitan ko.

As usual, nauna nang umuwi si Hailey. Sinabi niya pa na i-enjoy ko lang ang date namin ni Matt. Ikuwento ko din daw bukas lahat ng mangyayari. Natawa na lang ako dahil ang supportive ng bestfriend ko. She's the best for me.

Naglakad na ako papuntang school gate dahil doon daw ako hihintayin ni Matt. Kumakabog ng mabilis ang puso ko. Pinaghalong kaba, saya, kilig at excitement ang nararamdaman ko. Hindi na nga maalis ang ngiti ko na tila tattoo na iyon. This date is simple but valuable.

And I see him, the guy whom I fell inlove with. Sinalubong niya ako ng ngiti at isang kaway. Naglakad siya papunta sa direksyon ko at tumigil sa harap ko.

"Tara na?" Yaya ni Matt.

"Sige." Maikli kong sagot.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Gustong-gusto ko ng magwala sa kilig. Ang sarap sa pakiramdam. Ang lambot ng kamay niya at ang manly ng scent niya. Kumakabog tuloy ng mabilis ang dibdib ko.

Nakarating kami sa parking lot at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.

"Come in." Sabi niya at ngumiti.

Hindi ako magsasawang makita ang ngiti niya. Pumasok ako sa loob ng passengerseat habang nasa driver's seat siya. Pinaandar niya ang kotse at mabilis na tumakbo ito.

Hindi ko mapigilang titigan siya. Ngayon ko lang napansin na nakapula siyang polo at black jeans. Plantsado ang buhok niya na bumagay sa kanya.

Nag-play si Matt ng music at nagplay ang kantang 'Tagpuan' ni Moira Dela Torre. Balak niya pa sanang ilipat ngunit pinigilan ko siya.

"Okay lang sayo yan?" Tanong ni Matt na saglit akong nilingon.

"Oo, maganda yan." Sabi ko at ngumiti.

Natahimik siya at tila pinakinggang maigi ang kanta. Iba ang dating sakin ng kanta. Paano kung dumating na ako sa tagpuan kung saan nandoon ang diyos? What if mamatay ako dahil sa sakit ko? Ang daming what ifs.

Saglit lang ay nawala din ang dead air. Tahimik na kami ni Matt at itinuon ko na lang ang paningin ko sa labas ng kotse.

Lumipas ang ilang minuto at nasa mall na kami ni Matt. Pinarke na lang niya ang kotse niya sa parking area at naglakad na kami papasok ng Mall.

"Saan tayo?" Tanong ko.

Sabay kaming naglakad. Napahawak pa siya ng baba niya at pormang nag-iisip.

"Saan mo ba gusto? Kumain muna? Mag-rides? Sabihin mo lang ako ang bahala." Sabi ni Matt.

Nginitian ko siya bago nagsalita, "ikaw ang bahala."

"Sa sinehan na lang tayo." Sabi ni Matt.

Kanina pa kumakabog ang puso ko dahil sa kilig at halo-halong emosyon. Hindi ko inisip na aabot kami sa ganito. More likely a lover pero walang label. Akala ko ay sa ibang couples ko lang ito makikita pero heto at nararanasan ko. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Sana si Matt na ang makasama ko sa paglalakad sa journey ng buhay ko. I wish he will be the one who will walk with me.

Bumili muna kami ng pagkain namin ni Matt kahit wala naman akong balak kumain. Pagkatapos ay bumili na siya ng ticket para saming dalawa. Medyo nahirapan pa kaming pumili ng panonoorin dahil magaganda ang mga new release na movies. After all, sa isang romantikong pelikula kami napagdesisyunang manood.

Pumasok kami sa loob ng sinehan dala ang mga pagkaing binili namin. Doon kami naupo sa bandang gitna at hawak niya pa ang kamay ko para daw may alalay ako kasi madilim sa loob ng sinehan.

"I-enjoy mo lang itong pelikula." Sabi ni Matt.

"Salamat ha? Salamat sa ganito, sa efforts mo." Sabi ko at nginitian siya.

"Ako ang dapat magpasalamat sayo, you changed me." Sabi ni Matt.

"Sigurado ka? Paano?" Tanong ko.

"In my entire life lagi akong pinanghihinaan ng loob lagi akong kulang sa tiwala sa sarili ko. My parents once told me that, mahina akong tao but you cheer me up and raised me up. Simula ng makilala kita nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumaban. Hindi pa man kita ganun kakilala pero alam ko na mas mahirap ang tinatahak mong daan, Alicia, pero tandaan mo lagi din akong nandito para sayo. Ikaw ang naging lakas ko at inspirasyon." Mahaba at punong-puno ng saya na sabi ni Matt.

Ano ito? Bakit ganyan ang mga sinasabi niya? Mas nahuhulog ako at lumalalim ang nararamdaman ko. Sana sa huli huwag akong bumagsak at masaktan. Sana yung mga sinasabi niya ay may motibo at hindi yung bigla-bigla na lang mawawala. Yun bang sana lahat ng salita niya ay msy ibig sabihin.

Matapos niyang sabihin iyon at tumahimik na ako. Ayokong mahulog pa lalo sa mga salita niya. Ipinokus ko na lang ang atensyon ko sa pinapanood ko. Ramdam ko din ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kilig. Buwisit! May epekto pa rin sakin yun.

Nasa kalagitnaan na kami ng movie ng muling agawin ni Matt ang atensyon ko. Nawala sa isip ko na kanina niya hawak ang kamay naramdaman ko na lang na nilalaro niya ang mga daliri ko.

Ang cute tignan, bakit ganun? Nananandya ba siya?

"Alicia," tawag sakin ni Matt.

Itinunghay niya ang ulo niya at tumingin sakin.

"Matt..?" Bulong ko.

"I have something to tell you." Seryoso ang tono ni Matt.

Sa tingin niya ay may ipinahihiwatig siya. Ayaw kong umasa pero taksil ang utak at puso ko dahil pilit silang umaasa. Sa tingin niya palang ay nararamdaman ko na. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Sana ito na yun, sana.

"Gusto kita, Alicia." Seryosong sabi ni Matt.

Napigil ang sandali ang paghinga ko. Ang tatlong salitang iyon ang nagpaapaw sa nararamdaman kong saya. Wala ng gaganda pa sa tatlong salitang sinabi niya. Ang sarap sa pandinig at gusto ko pang marinig sa ikalawang pagkakataon.

"Gusto kita matagal na." Sabi ni Matt.

"S-seryoso ba 'to?" Nauutal kong sabi.

Naluluha ako dahil sa saya na nararamdaman ko. Gusto kong umiyak pero bawal. This is the best date ever!

"Seryoso ako sayo." I can see the sincerity in his eyes.

"G-Gusto din kita, Matt!" Pag-amin ko.

Marupok na kung marupok ang mahalaga ay nasabi ko na yung matagal nang gusto ipagsigawan ng puso ko. Ang matagal ng kinikimkim ko.

"Let me be your man, at ipinapangako kong kasama mo ako sa bawat araw ng buhay mo. Makakasama mo ako kahit pa kalabanin tayo ng mundo." Sabi ni Matt.

Tumango at ako masayang niyakap si Matt.

"Kasama mo ako at handa akong kalabanin ang mundo kahit isang kamay lang ang gamit ko basta hawak mo ang isang kamay ko." Bulong ni Matt sa pagitan ng pagyakap ko sa kanya.

Walk With Me (Finished✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon