Kabanata 9

18 5 0
                                    

KABANATA 9
Written by HottestApoy

ALICIA'S POV

Katatapos lang ng last subject namin at uwian na din. Tulad ng dati ay ihahatid na lang ako ni Hailey sa library at mauuna na siyang umuwi.

Inaayos ko na lang ang gamit ko na isa-isa kong inilagay sa loob ng bag ko. Inayos ko na din ang buhok ko na tulad ng dati ay laging naka-ponytail. Ayoko kasi ng nakalugay dahil ang init sa pakiramdam.

"Tara na." Sabi ni Hailey.

Naglakad na kami palabas ng room at pababa ng building namin. Ang ingay ni Hailey habang naglalakad kami.

"Ang ganda mo talaga, Ali!" Compliment sakin ni Hailey.

"Talagang nang bola ka pa?" Sabi ko at tumawa.

"Seryoso kaya! Look, ang simple mo lang pero maganda ka. Wala kang make-up o kahit anong nilalagay sa mukha pero ang ganda mo." Sabi ni Hailey.

"Tama na baka ma-spoil ako sayo." Sabi ko at tumawa ng mahina.

"Basta maganda ka!" Sabi ni Hailey.

"Nakakahawa kasi ang ganda mo e'!" Sabi ko sa kanya.

At sabay kaming tumawang dalawa.

"Mauuna na ako sayo ha?" Paalam ni Hailey.

Nasa tapat na kasi kami ng building ng library kaya nagpaalam na si Hailey.

"Oo na, mag-iingat ka!" Bilin ko.

"Sila ang mag-ingat sakin!" Sabay tawa ni Hailey.

"Bye and love you!" Sabi ko.

Nginitian ako ni Hailey at naglakad na siya palayo. Umakyat na rin ako sa building at pumunta sa library.

Pagbukas ko ng pinto ng library ay malamig na hangin agad ng aircon ang sumalubong sakin. Hindi na nawala ang ngiti ko ng makita ko si Matt na prenteng nakaupo sa usual spot namin.

"Aliciaaa!" Tawag sakin ni Matt nang makita niya ako. Kumaway pa siya.

Nginitian ko siya at umupo sa katabing upuan niya.

"Start na tayo?" Sabi ko.

"Game!" Masayang sabi ni Matt.

Kinuha ko na yung mga books na aaralin namin ngayon at nagsalita naman si Matt.

"Pwedeng English Literature ang ituro mo sakin? I-review mo ako kasi may long examination kami bukas so I need to review." Wika ni Matt.

"Sure!" Sabi ko.

Kinuha ko yung libro ko ng English Literature at yung notebook ko para maituro na kay Matt.

Nagsimula na akong magturo sa kanya. May ilang topics siyang alam pero ni-review ko pa rin sa kanya. May topics din na hindi niya napag-aralan dahil excuse siya dahil sa pagpa-practice niya sa pagsu-swimming.

Hindi na nabura ang ngiti ko simula kanina. Ang cute pala tignan ng lalaki kapag seryoso sa pag-aaral. Naka-complete uniform pa si Matt kaya ang lakas ng dating niya. I can smell his manly scent na hindi masakit sa ilong.

Binigyan ko siya ng exercises matapos naming mag-review. Ilang saglit lang ay nasagutan niya na.

"Totoo ba yan?" Tuwang-tuwa na tanong ni Matt.

Nakakuha kasi siya ng perfect score sa exercise na binigay ko sa kanya. Ang lawak ng ngiti niya at ang sarap tignan.

"Seryoso yan, nakakuha ka ng perfect score!" Sabi ko at ngumiti.

Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap. Mabilis na yakap iyon tapos hinawakan niya ako sa balikat.

"Ang astig ko!" He said.

"Oo na! Astig ang isang lalaki kapag nag-aaral ng mabuti." Sabi ko.

"Ako pa! Ang galing kasi magturo ng tutor ko." Sabi ni Matt.

"Next lesson na tayo." Sabi ko.

"Pwedeng mag-cr muna ako?" Tanong ni Matt.

Tumango ako, "Sige basta bilisan mo." Sabi ko.

"Opo!" Sabi niya at tumayo na.

Naglakad si Matt palabas ng library. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa susunod na ire-review ko kay Matt. Hinanap ko sa libro yung next lesson na ire-review ko sa kanya pati na rin ang notes ko.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Matt. Naiinip na rin ako dahil sa ang tagal niya.

"Ang tagal naman nun?" Tanong ko sa sarili.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero walang Matt na dumating. Nakakainis naman ang lalaking iyon ang tagal niya gumamit ng CR.

Isang drum na ba ang inihi niya? Dumumi ba siya? Bakit ang tagal?

Napagpasiyahan ko nang puntahan si Matt sa Comfort Room. Inayos ko na ang mga gamit namin at lumabas na ako ng Library.

Papunta na akong CR at tinignan ko ang relo ko. Saktong 7:00 pm na. 6:30 pm ang tapos ng tutoring ko kay Matt at lumampas pa ako ng trenta minutos. Dala ko din ang gamit ni Matt kaya pupuntahan ko na siya sa CR.

"Matt?" Sigaw ko sa CR.

Hindi ako pumasok sa loob dahil CR ng mga lalaki yon.

"Nandyan ka pa ba sa loob?" Tanong ko.

Nag-echo lang ang boses ko sa loob ng CR pero wala pa ring sumasagot. Napagdesisyunan ko ng pasukin ang loob ng CR ng mga lalaki. Wala akong pake kung may tao o wala humanda sakin yang si Matt.

Dahan-dahan akong pumasok at tumingin-tingin sa paligid. Wala ng tao dito!

"Matt?" Mahina kong boses.

Maliliit bawat hakbang ko.

Nasaan na ba si Matt?

"Kyaaaaah!" Sigaw ko.

Napaupo pa ako sa flooring ng CR dahil sa gulat.

"Hahaha!" Halos hawakan ni Matt yung tiyan niya sa kakatawa.

May mascara siyang suot kaya nagulat ako. Ang loko niya nakakabuwisit!

Pinagpag ko ang palda ko at galit na tinignan siya.

"Walang nakakatawa." Malamig kong sabi.

Nakakainis! At nagawa niya pang tumawa halos mamatay ako sa gulat. Gustong-gusto ko siyang balatan ng buhay at i-flash sa toilet.

"So-sorry.. haha!" Natatawa pa rin niyang sabi.

"Can you stop laughing!" Sigaw ko.

"Okay! Okay! Eto na titigil na." Sabi ni Matt na nakataas pa ang dalawang kamay na para bang sumusuko na.

"Hindi nakakatuwa yon. Nakakabuwisit ka!" Naiinis kong sabi.

"Sorry na nga e'." Paawa niyang sabi.

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo nagulat mo na nga ako!" Inis kong sabi.

Pinagkrus ko ang braso ko para mas magmukhang naiinis.

"Uy! Sorry na! Huwag ka na magalit." Sabi niya.

"Ewan!" Sabi ko.

Tinalikuran ko na siya at naglakad na sa pintuan ng CR. Agad kong hinawakan ang seradura.

"Sorry na kasi!" Pagmamakaawa niya.

Pilit kong inikot ang doorknob pero hindi ko magawa. Agad akong kinabahan sa maaring mangyari. Hindi pwede!

"Nakakainis!" Padabog kong sabi at nilampasan si Matt.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"Na-locked tayo dito sa loob!" Sagot ko.

Paano na 'to?

Walk With Me (Finished✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon