KABANATA 3

26 7 0
                                    

KABANATA 3
written by HottestApoy

ALICIA'S POV

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o malulungkot sa ugaling ipinakita sakin ni Matt. Parang wala lang sa kanya ang mga sinabi niya. Pagkatapis niyang sabihin yung mga salitang yon ay bigla na lang siyang umalis. Napahiya ako. Wala siyang kwenta! Napakapatapon ng ugali niya. Kung umakto siya akala mo ay hindi siya lalaki. Babae pa rin ako at may nararamdaman. Hindi naman kami pero nasaktan ako sa ginawa niya. Ang sakit lang kasi nag-expect ako tapos ganun pala ang ugali niya. Malayong-malayo sa inaakala ko.

Nevermind, hinding-hindi ko siya iiyakan, never! Nasaktan na nga ako tapos iiyak pa ako? Eh di mas masakit pa ang naramdaman ko.

Agad akong sumakay ng Jeep at umuwi na. Nakauwi ako samin at sinalubong ako ni Mama.

"Kakain ka ba?" Tanong ni mama.

"Bukas na lang, Ma." Walang ganang sabi ko.

"Baka magkasakit ka na niyan, Alicia? Ilang araw ka ng walang kain." Nag-aalalang sabi ni Mama.

Umiling ako at ngumiti.

"Okay lang, Ma! Bukas na bukas talaga kakain ako." Sabi ko pa at nanumpa.

"Sigurado ka ha?" Tanong pa ni Mama.

Tumango ako bilang sagot.

Pumasok na ako ng kwarto ko at nagpalit ng damit. Si mama na lang at ang dalawa ko pang natitirang kapatid ang kasama ko sa bahay. Namatay kasi ang tatay ko na isang sundalo noon. Walang trabaho si mama dahil mahina na rin siya at umaasa kami sa pensyon ni papa. Ang dalawa kong kapatid ay sina Alice at Azeck. Si Alice ay 16 years old pero huminto sa pag-aaral para magtrabaho at makatulong. Dapat ako ang nagtatrabaho ngunit dahil sa kondisyon ko ay nagprisinta si Alice na siya na lang ang magtatrabaho at tapusin ko na lang ang pag-aaral ko. Si Azer naman ay 10 years old at grade 4 na. Hindi kami mayaman at sa pensyon lang din ni papa galing ang medicines ko. Pakiramdam ko tuloy ay pabigat ako sa bahay na ito. Ang sakin ay sakit ko lang ang problema ko habang si Alice na dapat ay nag-aaral ay pagtatrabaho agad ang pinoproblema. Kung sapat lang sana ang pensyon na natatanggap namin sana nakakapag-aral din si Alice.

Agad kumalam ang sikmura ko pero hindi ko yon ininda. Nagugutom na ako pero ayokong kumain dahil masasaktan lang ako. Mas mahihirapan ako kapag mas pinili kong kumain. Hinintay ko na lang dalawin ako ng antok at ipinagsawalang bahala ko na lang ang gutom ko. Bahala na.

Nagising ako ng maaga ngayon. 5:00 am at agad rin akong nagpalit ng uniform para pumasok. Hindi naman kasi ako pwedeng maligo dahil lintik na rushes ang aabutin ko. Paglabas ko ng kwarto ay nakaupo na sina mama at ang dalawa kong kapatid sa lamesa. Ako na lang yata ang hinihintay.

"Halikana anak at umupo ka na rito." Yaya sakin ni mama.

"Hindi na po Ma sa school na lang ako kakain." Sabi ko.

"Hindi ba'y sabi mo ay kakain ka ngayon?" Tanong ni mama.

Agad kumunot ang noo ni Alice. Tila nainis na si Alice at napatayo na.

"Ate mawalang galang na, kung ayaw mo kumain sabihin mo hindi yung pinaghihintay mo kami dito! Kakain ka na lang gusto sinusuyo ka pa! Ang arte mo!" Sigaw ni Alice.

"S-sorry, Alice! H-hindi iyon ang i-ibig kong sabihin." Nauutal kong sabi.

"Alam mo kung ayaw mong kumain pumasok ka na lang Ate! Ang arte mong pabigat dito sa bahay! Kung hindi dahil diyan sa sakit mo sana nag-aaral pa ako at hindi ganito ang buhay ko." Sabi pa ni Alice at tumayo na.

Agad naglakad palabas ng bahay si Alice na tila nagalit ng tuluyan sakin.

Napayuko ako. Akala ko ay maiintindihin ni Alice ang sitwasyon ko pero hindi rin pala. Akala ko kung sino yung pamilya ko sila yung higit na mas nakakaintindi at nakakaunawa sakin. Pero bakit ganun ang nangyari kanina? Nakakasawa ba ako intindihin? Ang sakit nun para sakin. Hindi ko naman intensyon maging pabigat sa kanila kung hindi lang dahil sa sakit ko sana maayos kami ngayon. Hindi rin kasi biro yung perang pinangbabayad sa gamot ko.

"Wag ka ng iiyak makakasama sayo yan." Pag-alo sakin ni Hailey.

Pilit kong tinatatagan ang loob ko dahil hindi ako pwedeng umiyak. Kasama ko ngayon si Hailey at nakasakay kami ng jeep para pumasok na ng school.

"Kaya mo yan, cheer up! Maayos rin ang lahat." Pagpu-pursue sakin ni Hailey.

Sinubukan kong hindi umiyak pero hindi ko na kaya. Mahina ako pagdating sa pamilya.

Agad akong nakaramdam ng pamamasa ng pisngi ko. Luha?! Agad akong nag-panick at pinunasan ang mukha ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Saglit lang yan ramdam ko ng namumula na ang mukha ko. It fucking hurt! Ang kati at ang hapdi niya. Halos mamilipit ako sa sakit. Pati si Hailey ay natataranta. Nakikita niya sa mukha ko ang sakit.

"Anong gagawin ko?!" Natatarantang sabi ni Hailey.

Napapikit ako at napakagat sa ibabang labi ko. Sobrang sakit niya talaga at ang kati!

"Araaaay! Ang sakit!" Sigaw ko na.

Nanginginig ang kamay ko dahil sa sakit. Si Hailey naman ay agad binuksan ang bag ko at tinignan kung anong makukuha don.

"Gamot mo ba to?" Tanong niya.

Tumango ako.

Agad siyang kumuha ng isa doon at ipinainom sakin.

"Namumula ka pa rin!" Kinakabahan na si Hailey.

"Don't worry, mawawala din yan after fifteen minutes." Sabi ko.

Medyo nakahinga na ng maluwag si Hailey sa sinabi ko. Ako naman ay medyo nangangati at sumasakit pa ang mukha ko. Nakakainis dapat kasi hindi ako umiyak ayan tuloy ang inabot ko.

Nakarating kami ni Hailey sa school at namumula pa rin ang mukha ko pero hindi na ganun kasakit. Sa kasamaang-palad nakita ko na naman si Matt. Dati kapag nakikita ko siya tuwang-tuwa at kinikilig pa ako pero ngayon puro inis na lang ang nararamdaman ko. Agad nagtama ang mata namin pero ako na mismo ang nag-iwas ng tingin. Inirapan ko pa siya.

Naramdaman ko na lang na may bumangga sakin. Agad akong napatingin kung sino ang bumangga sakin at walang iba kung hindi ang demonyong si Matthew Levi.

"Gago." Bulong ko.

Agad niya akong tinignan.

"Ano ulit? Ulitin mo nga bansot." Sabi sakin ni Matt.

"Bingi ka ba? At bakit ko uulitin? Sino ka ba sa inaakala mo?" Pagtataray ko.

"Para kang malditang mushroom." At tumawa pa ang loko.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." Sabi ko at inirapan siya.

Hinila ko si Hailey na nagulat sa nangyari. Agad naming iniwan ang ugok na si Matt na natulala sa sinabi ko.

"Babawi ako sayo, bansot!" Sigaw ni Matt.

Pero hindi ko na siya pinansit at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Walk With Me (Finished✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon