KABANATA 19

24 3 0
                                    

KABANATA 19
written by HottestApoy

MATTHEW'S POV

Makailang ulit akong palakad-lakad sa harap ng emergency room. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko. Nandiyan yung kaba, takot at lungkot.

"Kumalma ka, Matt." Bulong ko sa sarili ko.

Malamig dito sa loob ng Hospital pero ang kamay ko naman ay namamawis at ganun din ang noo ko.

Nalilito at naguguluhan ang utak ko. Ano bang nangyayari kay Alicia. Bakit ganun na lang ang kulay ng balat niya? She look so pale and so weak.

Nakarating ako sa pool area kung saan nakaupo sa gilid si Lucy. Nasa tabi siya ng mga bleachers at nanginginig ang mga braso at hita niya. Si Alicia ang ine-expect kong nandito at hindi si Lucy. Nasaan si Alicia?

Agad kong naiyukom ang kamao ko at matalim na sinulyapan si Lucy. Malakas ang pakiramdam ko na may ginawa siya kay Alicia. Mabigat ang mga hakbang ko at nilapitan si Lucy.

"Ma-Matthew!" Agad na tumayo si Lucy at niyakap ako.

Marahas ko siyang hinawakan sa braso at binigyan siya ng matalim na tingin.

"Nasaan si Alicia? Bakit siya wala dito?!" Galit kong tanong kay Lucy.

"N-Nasasaktan ako!" Reklamo niya sa pagkakahawak ko sa braso niya.

"Sumagot ka!" Sigaw ko.

"Na-Nasa p-pool, aray!" Natatakot niyang sabi.

Agad na lumipad ang palad ko papunta sa pisngi niya.

"Anong ginawa mo kay Alicia?!" Sigaw ko.

Unti-unting namuo ang galit ko sa dibdib. Anong ginawa niya sa prinsesa ko?! Agad ko siyang nasakal sa leeg. Pumulupot ang daliri ko sa leeg niya.

"H-Hindi ako makahinga!" Usal niya.

"Anong ginawa mo sa kanya!" Sigaw ko sa galit.

Gustong-gusto ko siyang patayin dahil sa galit. I want to crush her face so hard. Walang ginawa sa kaniya si Alicia para gantihan niya ito pero nagawa niya itong saktan.

Pilit niyang tinatanggal ang pagkakasakal ko sa kaniya na siya namang mas hinihigpitan ko.

"Kapag may nangyaring masama kay Alicia ihanda mo na ang sarili mo!" Sigaw ko.

Agad ko siyang binitawan at lumapit sa pool. Nang makita ko si Alicia ay nasa flooring na ito ng swimming pool. Agad akong tumalon sa pool at sinisid ang kinalalagyan ni Alicia. Binuhat ko siya paahon ng swimming pool at maingat na inilagay sa sahig.

"Alicia?" Mabilis na akong ginapangan ng kaba dahil sa maaring mangyari kay Alicia.

"Alicia?" Muli kong tawag sa kanya ngunit hindi siya nagre-response.

Agad ko siyang binigyan ng pressure sa dibdib gamit ang kamay ko. Pinump ko yun ng tatlong beses at binigyan siya ng mouth to mouth CPR.

"What happened here?!" Gulat na tanong ng coach ko.

"Sir, tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ko.

"A-Alicia, gumising ka!" Nanginginig ang boses ko sa takot.

I can't lose her. Hindi ko kayang mawala siya. Mahal na mahal ko siya. Ipinangako ko sa sarili ko na siya ang babaeng huli kong mamahalin. Seryoso ako sa kanya at gagawin ko ang lahat mapasaya siya. She makes me happy in a way no one can. She's different from the other girls. From that day na nakilala ko siya may kakaiba na akong nararamdaman. And now, she's my weakness. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kapag nawala si Alicia.

Napaupo ako sa gilid ng emergency room at sumandal sa pader. Punong-puno ng takot ang katawan ko dahil sa nangyayari. Halos sabunutan ko na ng ilang ulit ang sarili ko dahil sa inis.

Napaka-walang kwenta kong lalaki. Ang baba na ng tingin ko sa sarili ko. I should be the one who take resposibility to take care of Alicia pero ito ang nangyari. Bilang boyfriend niya at bilang lalaki ako dapat ang pumuprotekta sa kanya at nag-aalaga sa kaniya pero hindi ko nagampanan iyon. Nauwi sa trahedya ang lahat.

Tila may unti-unting pumupunit sa kalamnan at puso ko kanina noong makita ko ang kalagayan ni Alicia pagkaahon ko sa kanya sa pool. May kirot sa puso ko. Ang sakit para sa akin na makita ko kung gaano siya kahina kanina. She look suffering in a solid pain. Iyon ang unang beses kong nakita kung gaano siya kahina at halos mag-agaw buhay. Hinahabol niya ang hininga niya, kakaiba ang balat niya at mukha siyang hinang-hina.

"Matthew?!" Boses iyon ni Hailey.

Napatayo ako at hinarap siya. Bakas sa mukha niya ang takot at kaba. Para siyang hindi mapakali sa inaakto niya. Her hands are shaking in fear.

"Where the hell is Alicia? Is she alright? How is she?!" Sunod-sunod na tanong ni Hailey.

Yumuko ako at iniwasan siya ng tingin.

"Anong problema? Nasaan ang kaibigan ko Matt?!" Naiinis na tanong ni Hailey at hinampas sakin ang sling bag niya.

"Nasa Emergency room pa siya at wala pang balita ang doktor." Usal ko.

Napahilamos si Hailey ng mukha at ginulo ang buhok. Umupo siya at nagsimulang umiyak.

"B-Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

Ini-level ko ang mukha ko kay Hailey.

"May dapat kang malaman." Sagot niya habang nakayuko.

Natatakpan ang mukha ni Hailey ng buhok niya. I still hear her sobs.

"What do you mean?" Tanong ko.

Kumabog na ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla. Iba ang nararamdaman ko. Bakit ganito?

Hindi ako kinibo ni Hailey at nanatili siyang nakayuko.

"May hindi ba ako alam?" Malamig ang tono ko.

"S-Sorry..." Sabi ni Hailey at muling umiyak.

"What the? Anong sorry? Sabihin mo nga ano bang dapat kong malaman Hailey?!" Tanong ko.

Umiling siya at tinakpan ang mukha.

"What's wrong with you?!" Naiinis kong tanong.

"Si Alicia dapat ang magsasabi nito pero dahil emergency 'to dapat mong malaman ang sitwasyon niya." Makahulugang sabi ni Hailey.

Mas kumabog ang dibdib ko. Bakit ganito? Pakiramdam ko ay masamang impormasyon ang malalaman ko.

"Alicia have water allergy. She's allergic to skin contact of water." Sabi ni Hailey.

Matagal bago naproseso sa utak ko ang sinabi ni Hailey. Saglit akong natahimik para mag-sink-in sa utak ko ang sinabi niya.

Agad kong nasabunutan ang ulo ko dahil sa inis at galit. Alam ko na. Narealize ko na lahat.

Masama ang epekto ng tubig para kay Alicia pero hinulog siya sa swimming pool ni Lucy. Swimming pool contain a large volume of water. Tubig yun! Nagkaroon ng contact sa balat ang tubig at sa buong katawan iyon ni Alicia.

Napaharap ako sa pader at ilang ulit na inuntog doon ang ulo ko. Gusto kong magwala. Nasa masamang sitwasyon ang buhay ni Alicia. Alangin ang lagay nun.

Nagbukas ang kwarto ng emergency room kung saan nandoon si Alicia. Lumabas ang doktor na agad kong nilapitan. Napatayo naman si Hailey at lumapit din.

"Kamusta po si Alicia Clemonte?" Tanong ko.

Gumapang na ang pinagsamang takot at kaba sa katawan ko.

"Sorry, we didn't make it. Alicia Clemonte who suffered from water allergy died. My deepest Condolence." Sabi ng doktor na siyang nagpaguho ng mundo ko.

Walk With Me (Finished✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon