KABANATA 4
written by HottestApoyALICIA'S POV
"Close kayo ni Matt?" Gulat na tanong ni Hailey.
Naglalakad kami ngayon at papuntang cafeteria. Ngayon niya lang ulit naitanong yan dahil nga sa sumumpong yung allergy ko kanina sa room kaya dinala ako sa clinic. Buong umaga ay si Hailey ang nagbantay sakin kasi pinagpahinga ako ng nurse sa clinic. Dapat kasi 15 minutes lang ang itinatagal ng pamumula ng mukha ko kaso kanina ay inabot ng 30 minutes tapos namula at sumakit ulit. Severe allergy na yata ang sakit ko. Konting skin contact ko lang sa tubig ay sobra-sobrang sakit agad ang nararanasan ko.
Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nangyari samin ni Alice. Galit pa rin kaya siya sakin? Hindi ko naman kasi ginusto itong sakit ko. Hindi ko ginustong maging pabigat sa kanila. Kung may paraan lang na mawala itong sakit ko matagal ko ng sinubukan. Ang sakit lang talaga na matawag na pabigat tapos nanggaling pa sa mahal mo sa buhay.
Sa lahat ng nangyayari sakin gusto ko na lang iiyak lahat ng sakit pero paano? Miski pag-iyak ay masama sakin. Kapag umiyak ako sasaktan ko lang ang sarili ko. Kailangan kong maging matatag at matapang. Crying is not good for me, I need to be strong inside and out. Paano ako magiging matatag kung wala man lang nakakaintindi sakin? Saan ako kukuha ng lakas ng loob kung pati pamilya ko ay hindi ako maintindihan?
"Hoy, Alicia!" Tawag sakin ni Hailey.
Nasa cafeteria na kami at nakaupo na sa table. Naka-order na siya ng pagkain niya habang ang utak ko naman ay lumilipad.
"Tulala ka diyan may nangyari ba?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Wala, ayos lang ako." Pagsisinungaling ko.
Kahit naman kasi sabihin kong hindi ako ayos ay wala rin namang mangyayari. Hindi maaalis tong sakit na nararamdaman ko. Hindi maalis tong allergy ko.
"Teka, hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko!" Sabi ni Hailey at uminom ng orange juice.
"Huh? Ano ba yung tanong mo?" Tanong ko.
"Close ba kayo ni Matt?" Tanong niya.
"Hindi!" Napalakas ang salita ko.
"Kalma! Pero bakit..? Paano kayo nagkakilala? Nag-usap pa kayo kanina di ba?" Maraming tanong ni Hailey. Naguguluhan na siya.
Ikinuwento ko kay Hailey ang unang pag-uusap namin ni Matt. Kung gaano kasama ang ugali ng taong yon. Kung gaano kapatapon ang hangal na yon. Tuwing naalala ko yung pangyayaring yon ay kusang umiinit ang ulo ko.
"Naku, girl! Ekis mo na kasi kahit ako? Kung ako nasa katayuan mo? Major turn off na yan." Sabi ni Hailey at sumubo ng fries.
"Alam ko naman para saan ang gwapong mukha kung ugali naman ay patapon at masama." Sabi ko.
Natahimik ako kasi nakita ko si Matt. Hindi ganun kalayo ang table na inuupuan niya sa table namin. He is eating alone in his table. Kung kanina ay inis ang nararamdaman ko kay Matt ngayon ay napalitan na ng awa. Gusto ko siyang lapitan at tanungin kung bakit siya mag-isa kumain pero baka ano pa ang isipin at masabi niya kaya wag na lang.
Nagulat ako ng mapatingin sakin si Matt. Nagtagpo ang mata namin pero nag-iwas siya ng tingin. Nung nakita ko ang mata niya ay wala akong naramdaman para akong nakatingin sa kawalan. Masyadong blangko ang mata niya.
"Hindi ka pa rin kakain?" Tanong ni Hailey.
"Kahit naman gustuhin kong kumain wala akong choice kung hindi wag na lang kumain." Sabi ko.
Sa totoo lang, nagugutom na ako pero iniisip ko pa lang yung sakit ko katawan ko na ang umaayaw. Para akong tino-torture dahil sa sakit ko.
"Ano ba yan! Ang payat mo na tapos dehydrated ka pa, tignan mo yang labi mo tuyo? Tapos ang pale pa tignan ng mukha mo?" Reklamo ni Hailey.
"Alam mo Hailey tanggapin na lang natin na ganito ang appearance ko, kasi ako? Tanggap ko na lahat." Sabi ko.
"Kumain ka na kasi ayoko namang dumating yung araw na bigla ka na lang babagsak diyan sa kinatatayuan mo sayang ang ganda mo pa naman." Sabi ni Hailey.
Baka nga hindi pagkain ang pumatay sakin at hindi ang allergy ko. Biglang kumirot ang puso ko, ang sakit pa rin pala. Akala ko tanggap ko na one day mamamatay ako pero tuwing naiisip ko na maiiwan ko sina mama at yung dalawang kapatid ko natatakot akong mamatay.
"T-tanggap ko na one day mamamatay a-ako." Nauutal kong sabi.
"Fighting lang, Ali! God is good, okay?" Sabi ni Hailey at hinawakan ang kamay ko.
Tumango ako.
Kailangan kong lakasan ang loob ko kasi may mga taong umaasa pa rin sakin na gagaling ako.
After ng dismissal ng lunch ay bumalik na kami ni Hailey sa room. Literature namin ngayon. Tahimik ang buong klase at nakikinig lang sa teacher namin.
Mabilis na tumakbo ang oras at dismissal na ng hapon. Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa bag ko. Hinihintay na rin ako ni Hailey sa ibaba ng building kaya binilisan ko na.
Palabas na ako ng classroom ng bigla akong tawagin ng adviser namin.
"Wait, Ms. Clemonte!" Pagtawag sakin ng professor namin sakin.
"Yes, Ma'am?" Tanong ko at tinignan siya.
"Since ikaw ang nasa toplist ng University natin, pwede ka bang pumuntang Admin's Office?" Sabi ni Ma'am.
"Sure Ma'am." Sabi ko.
Agad akong lumabas ng room at naabutan si Hailey na hinihintay ako.
"Ahm, Hailey, pwedeng dumaan muna tayong Admin's Office?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya at ngumiti.
Agad naman kaming naglakad patungo sa building kung saan nandoon ang Admin's Office. Ilang minuto lang ay nasa harapan na ako ng Office. I sigh.
Pinihit ko na ang doorknob at pumasok sa loob. Malamig na hangin ng aircon ang sumalubong at yumakap sakin. Hindi na sumama sakin sa loob ng office si Hailey at hihintayin niya na lang daw ako sa labas.
"Good afternoon, Admin." Bati ko.
"Sit down, Ms. Clemonte, right?" Tanong ni Mr. Raveno.
Tumango ako, "Yes, Sir."
"Dahil ikaw ang nasa Toplist ng ating unibersidad ikaw ang napili naming tutor para sa isa nating athlete at ihabol siya sa mga missed lessons niya at sa mga susunod na lessons. Don't worry, we will pay you for tutoring." Sabi ni Mr. Raveno.
"Sino po ba ang itu-tutor ko?" Tanong ko.
"Mr. Matthew Levi, our swimmer athlete." Sabi ni Mr. Raveno at itinuro si Matt sa likod ko.
Gulat na gulat akong lumingon at nakita ko ang papasang anak ng demonyo na nakangiti sakin.
"IKAW?!" Sigaw ko.

BINABASA MO ANG
Walk With Me (Finished✔)
Подростковая литератураShe's Alicia Clemonte who fell inlove with Matthew Levi. But their love story come to its end. How they will survive their relationship? could they make it?