Diana's POV
Junior high school. Grade 10.
4pm. Hindi naman masyadong mainit. Sakto lang.
Nasa tabing dagat lang ako with my long time bestfriend na si Franki, drinking. Sana ganito lang lagi, peaceful.
"Sure ka bang okay lang tong pagka-cutting classes natin?." Tanong niya.
"Eh wala namang masyadong class eh. Okay na yaaan. Konting pa cute lang dun kay sir, solve na grades natin." Sabi ko tila walang pakialam.
"Maganda ka kasi kaya madali lang sayo."
"Wow nagsalita ang hindi maganda. Pati nga girls nagkakagusto na sayo eh yieee." Tukso ko sa kanya.
"Sira."
"Bakit? Totoo naman. Alam mo, sinuportahan kaya kita sa volleyball game nyo nung last. Ang galing mo besh, di ma reach. Grabeee. Sabi pa nung isang babae, Franki uwi ka na di nako galit. Haha."
"Gaga. Hindi kaya."
"Totoo nga. Tanong mo pa kina Veah."
"Oo na, naniniwala nako. Congrats nga pala for winning the pageant."
"Syempre ginalingan ko, ayoko namang sayangin yung pagpapagawa ng banner mo no haha."
Napatingin lang sya sakin ng madiin sa mata. Silence.
"He's a jerk. Di niya alam kung anong sinayang niya." She told me with all her sincerity.
She's referring to my ex. Last week lang kaming nagbreak pero dahil kay Franki, napadali ang pagmomove on ko.
Eh gago naman kasi ang lalaking yun. Pinakalat nya ba naman na nakuha nya virginity ko. Siraulo siya. Lahat tuloy sila akala na ang landi landi ko talaga. Mabuti nalang hindi naniwala si Franki. Siya lang kasi ang nakakakilala sakin.
5:30, sakay ng scooter niya hinatid niya ko sa bahay.
"Sigurado kang ayaw mo munang pumasok?. Sabi pa naman ni kuya na andyan lang sa loob si Argel uuuy." Crush nya daw kasi si Argel.
Argel is one of my brother's friend kaya close narin kami nun.
"Ah hindi na. Kailangan ko na kasing umuwi eh, baka pagalitan na naman ako ni mommy. Sige besh, bukas ulit."
At umalis na. Nagtataka ako kasi hindi naman sya tumatanggi pagdating kay Argel. Parang gagawin nya na nga lahat para lalaking yun kaya nakapagtataka na ganun lang ang reaction niya.KINABUKASAN
Nakatulog na naman si Franki sa klase kaya naalarma na si Miss Torres, english teacher namin.
"Wakey wakey sleeping beauty--" gising nito kay Franki.
Nagising naman si Franki.
"Ano ba?. Natutulog yung tao eh." Sagot lang ni Franki dito. Nagtawanan naman buong klase. Nasa second row sya nakaupo katabi si Maza na nakaupo sa aisle while nasa last row ako kasama ang mga maiingay na si Veah, Gazini at Wealand.
"Wow, sorry ah. Nadistorbo ko pa pala ang tulog mo Miss Russell. Sige nga, para lalo kang mapahiya. Dini-discuss kasi namin ang kaibahan ng humanitarian at philanthropist. For sure di mo yan alam kasi puro ka tulog tulog. Anong ipapasok mo dyan sa utak mo?." Tawanan ulit ng mga classmates namin, pero di nako natutuwa. At parang napikon narin si Franki at tumayo.
"Aba, may confidence pa talagang sumagot ah. So ano? Anong kaibahan ng humanitarian at philanthropist?."
"It's simple. Humanitarian is a person who works to make other people's lives better. They promote human welfare and social reform while a Philanthropist is a wealthy person who gives money and time to help and make other's lives better. It's just their social status. And please--stop telling everyone that you're a humanitarian, because what you did like embarrassing and degrading a student's ability and understanding could cause low self-esteem that may destroy that person's dreams in life. For short, you're not making other people's lives better. And, Hindi nyo nako kailangang palabasin. I can do it on my own." Sabi lang nito at lumabas habang may dalang libro to balance it. Yan kasi ang punishment sa students pag sumasagot sa teachers.
Kahit sobrang sama ng ugali niya minsan, bilib parin ako sa kanya. Kahit na parang dahan dahan naming pinapatay ang mga sarili namin tuwing magkasama kaming dalawa.
Since grade 9 naging binge drinkers na kami. Surprisingly, buo pa naman mga atay namin at walang nakitang komplikasyon o ano man.
Recess.
Kaming dalawa ang magkasama sa table as usual. Most of them takot samin, kasi tingin nila kampon kami ng kadiliman. Maliban nalang sa ilang classmates na ka wavelength namin. The cool kids.
They said that we're partners in crime, sanggang dikit kami at wala sa bokabularyo namin ang salitang SPACE.
"Galing mo kanina ah." Sabi ko, but all I got is a rejected high-five. Tahimik lang siya ngayon. Nag-alala tuloy ako.
"May nangyari ba?. Bakit parang puyat ka?."
"Wala. Insomnia lang."
"Okay lang yan, mamatay din naman tayo."
Silence. Tiningnan niya lang ako sa mata.
"Hindi ka ba natatakot mamatay?." Tanong nya sakin.
"Kaya nga tayo naging friends diba?. Kasi pareho tayong hindi takot dun. Teka, wag mong sabihing bumabait ka na. Hahaha. Ayaw mo na mag take ng risks?. Wuy, magsalita ka. Franki."
"Diana, ayoko na ng ganito. Pinapatay lang natin ang mga sarili natin sa alak at droga."
"Haha ano bang nakain mo?."
"Diana, ano ba?. Seryoso ako."
"So, gusto mo nang magbagong buhay?."
"Oo."
"Pano bayan, parang wala na pala akong partner in crime nito. Wala nang kasama sa kalokohan at drinking buddy." I said almost breaking my voice. Para kasing nang piliin niyang magbago, nawalan na kami ng bonding activity. Gusto kong umiyak kasi ang sakit eh. Pero wag kang iiyak Diana, wag mong ipakita na mahina ka.
She held my hand almost crying.
"Then, sabay tayo. Sabay tayong magbago." I hate her sincerity, naiiyak ako. Tigasan mo ang puso mo Diana.
"Sa tingin mo sobrang daling iwan ng bisyo natin?. Hindi natin malalampasan to without our parents knowing. And hindi mo alam ang kayang gawin ng daddy ko Franki pag nalaman niya ang pinaggagagawa ko sa buhay ko. I'd rather die than hear him saying how ashamed he is to have me as a daughter."
"Kaya nga tayo magbabago. We're doing this for them. Diana, we can do this. Ito, wear this as a promise that we'll have self control na simula ngayon." Inabot niya sakin ang isang necklace na may anchor pendant na kaparehong kapareho sa suot niya ngayon.
Anchor for self control. Tiningnan ko lang to.
"Diana, promise."
"Yeah yeah, ito na. Sinusuot ko na nga oh."
Kaya ko ba talaga to?. Ano bang nagpabago sa isip ni Franki?.
BINABASA MO ANG
JUST ONE SOBER (frankiana)
FanfictionIt is when you fall in love with someone that it felt like you signed up for a suicidal relationship but you can't let go of what you have even if it's so toxic because you still have one reason to keep holding on, and it is loving someone for the r...