Chapter 17

353 10 4
                                    

Diana's POV

8pm. Nag-research ako tungkol sa sakit ni Franki. Pano ba kasi umabot lahat sa ganito?.

[ The majority of people with schizophrenia get better over time, not worse. For every five people who develop schizophrenia:
One will get better within five years of experiencing their first symptoms.

Three will get better, but will still have times when their symptoms get worse.

One will continue to have troublesome symptoms.

What does schizophrenia recovery mean?
Coping with schizophrenia is a lifelong process. Recovery doesn’t mean you won’t experience any more challenges from the illness or that you’ll always be symptom-free. What it does mean is that you are learning to manage your symptoms, developing the support you need, and creating a satisfying, purpose-driven life.
A schizophrenia treatment plan that combines medication with self-help, supportive services, and therapy is the most effective approach.]

FLASHBACK

"Just because you have schizophrenia doesn ’t mean you ’ll have to be hospitalized. If you’ re getting the right treatment and sticking to it, you are much less likely to experience a crisis situation that requires hospitalization. Most people with schizophrenia improve. Many people with schizophrenia regain normal functioning and even become symptom-free.." Paliwanag ng Professor naming si Mr. Davis.

EOFB

Kaya may pag-asa pa.

Tok tok tok!

"Bukas yan."

"Ma'am Diana, handa napo ang dinner." Tawag sakin ng isang helper namin.

"Sige po manang, susunod nako. Tatapusin ko lang to."

"Sige po ma'am."

Sumunod narin ako agad pagkatapos.

Habang nasa hapag-kainan.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo anak? Makikipaghiwalay ka na kay Sky? Hindi ba pwedeng mapag-usapan yan?." Sabi ni mommy.

"Ma, we tried naman eh pero ayaw talaga mag-work ng relationship namin."

"Hindi ako naniniwalang kaya ka nyang pagbuhatan ng kamay kaya isa lang ang posibleng dahilan kung bakit kayo maghihiwalay. Ano? Nambababae ba ang asawa mo?." Tanong ni Daddy.

"Pa-parang ganun na nga po dad." Hindi kasi nila pwedeng malaman.

"Aba loko yun ah--alam na ba to nila balae?." Sabi ni mommy.

"Hindi pa po. Ang sabi ni Sky, siya na daw mismong magsasabi sa kanila."

"Madalas talaga sa mga mag-asawa nangyayari ang mga ganyan. Desente ba yung babae? Baka nalibugan lang yang asawa mo."

"Desente po siyang tao dad. At nakikita ko namang mahal nila ang isa't-isa."

"At okay lang sayo? Alam mo ba kung anong klaseng sampal yang ginawa ng asawa mo sayo?." Medyo tumaas na ang boses ni Mommy dahil sa galit.

"Kaya nga kami maghihiwalay ma."

"Hindi. Walang maghihiwalay! Hindi ako papayag. Alam mo ba kung ilang porsyento ang mawawala sa kompanya natin kapag ginawa mo yan? Milyon milyon ang mawawala satin Diana, hanggang ngayon hindi ka parin marunong mag-isip!." Sigaw ni Daddy.

"Is that what this is all about? Money?! So parang binenta nyo pala ako na sarili nyong anak?! Ma, may alam karin ba dito?!. This is bullsht! How could you do this to me?!."

"Wag mo kaming pagtataasan ng boses Diana!." Sabi ni daddy.

"Hindi eh--you used me to save our company."

"Dahil hindi ka naman kasi marunong magmalasakit! Alam mo nang nalulugi ang kompanya pero hindi mo kami tinutulungan!." Sagot ni daddy. Napatayo ako.

"Tutulungan? Paano? Alam ng lahat ang illegal transactions nyo! Walang gustong mag-invest dahil no one could trust you enough! Maraming na-involve at namatay dahil sa kapabayaan mo bilang CEO! Tapos sisisihin mo ko ngayon because I'm choosing not to be like you?! Tama nga si Kuya! Wala kang kwentang ama!." The next thing I knew tumama na ang napakabigat na kamay ni Daddy sa pisngi ko.

"Wala kang utang na loob! Ano?! Mas nakikinig ka dun sa kuya mong salot?! Edi sumama ka sa kanya!. Kung wala akong kwentang ama, mas wala kang kwentang anak! Lumayas ka!. Hindi ka namin kailangan!."

"Anak waaag." Pigil sakin ni mommy habang umiiyak.

"Rowena, hayaan mo siya para magtanda! Hindi na natuto!." Hila ni daddy kay mommy palayo sakin.

Kaya yun na nga ang ginawa ko. Umalis talaga ako. Dala lahat ng gamit ko, nagpasundo ako kay Veah. Pumayag naman siya na dun na muna ako tumira sa condo niya since wala din naman siyang kasama.

"Hay, hanggang ngayon ganyan parin ang daddy mo. Sobrang hirap sigurong maging anak niya."

"Hay naku, sinabi mo pa. Napapagod na nga rin ako eh."

"Pero maiba lang ako, sabi mo you're here to file an annulment dahil may iba si Sky. Kilala mo ba yung girl?. Baka naman maling akala lang to."

"Yun na nga ang pinoproblema namin ngayon, Sky is gay. Pero I don't think it's safe for him to use that excuse para makipag hiwalay sakin. At may pangalan pa syang pinoprotektahan."

"What do you mean?."

"Sigurado akong papatayin siya ng daddy niya once nalaman nito na bakla siya. At dahil doctor siya, malamang mawawalan narin siya ng maraming pasyenteng lalaki."

"Pero doctor sya sa states, hindi naman masyadong issue yun dun."

"Since the second year of our marriage, nandito sya sa Philippines nagtatrabaho. Negros Oriental to be exact. Last year nung binisita ko sya dun, first time ko syang nahuling may kalaguyong lalaki. He said magbabago daw siya pero two months ago habang nasa bahay na namin sya dun sa states, nahuli ko ulit siya kasama ng parehong lalaki. At napuno nako kaya napagpasyahan kong makipaghiwalay sa kanya. Pumayag siya pero he asked me not to use that excuse pag nasa korte na kami."

"So anong gagawin nyong rason? Kasi kung idadahilan mo na binubugbog ka niya, pwede syang makulong. Domestic violence yun. Kung rape naman, lalong mas mabigat."

"Hindi ko nga alam Veah eh. Hindi ko talaga alam. Nalilito narin ako sa mga pangyayari. Tapos yung ginawa pa ni Sky sobrang sakit, alam mo yun--yung para dinaganan ka ng isang malaking elepante sa dibdib."

"I may not be suffering the kind of problem you're dealing right now but I want you to know that I'm always here for you."

"Thank you." I said hugging her.

KINABUKASAN

Maaga akong pumunta kina Franki dahil maghahanap pako ng lawyer na tutulong sakin.

Gusto ko syang yakapin ng sobrang higpit pero syempre hindi ko ginawa kasi hindi pa sya pwedeng hawakan. Napapaluha nalang ako.

"Diana, you're here." Mangiyak-ngiyak pa niyang sabi sakin.

"Yes Franki, andito nako."

"Mabuti nalang talaga napunta ako dito sa mundo nyo kasi dito buhay ka at makakasama kita. Wag mo nakong iiwan ulit ah?."

"Oo naman Franki. Dito lang ako. Hindi ako aalis."

"Promise?."

"For drunk and for sober."

"To save the most powerful pronoun." I'm glad that she remembered that. Isa yun sa magagandang memories namin nung highschool.

Iniisip ko nalang na lasing si Franki ngayon, at ako ang gising kaya she's my responsibility. And I will never get tired of taking care of her. This is another chapter of our lives na naman.

JUST ONE SOBER (frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon