Franki's POV
"Si Diana, yung girlfriend ko! Nasagasaan siya kani kanina lang! Tumawid siya ng wala sa sarili!." Sabi ko.
"More like the thing you did Franki. Hindi namin alam ang sinasabi mo. Wala kang girlfriend." Sabi ni Maza.
"Are you saying that I'm just hallucinating things?! She's real okay? Totoo siya! Itinakas ko nga siya sa mismong kasal niya with Sky!."
"Oh, you're talking about Diana Mackey? Your bestfriend? You never made it to her wedding honey because because---"
"Because of what ma?. Please dahil gulong gulo na ako!."
"Because nagsimula ka nang magkaganyan. Madalas ka lang nakatunganga at minsan parang may kinakausap ka na nga na ikaw lang ang nakakakita at nakakarinig, natatakot na kami sayo dahil hindi mo na napapansin that you're harming yourself." Paliwanag ni Mommy.
"So, sinasabi nyo po bang nababaliw na ako? Ma, I swear tinigil ko talaga mismo ang kasal nina Diana at Sky! Pinaprank nyo ba ako?! Ano ba guys?! Asan na ang camera?!."
"Anak, Franki--huminahon ka. Ito ang totoo. Wala kayong relasyon ni Diana at buhay siya. That wedding you're talking about was three years ago. Masaya na sya ngayon kasama si Sky. May boyfriend ka, si Argel. Papunta na rin yun dito. Ang sabi ng doctor may schizophrenia ka anak. Gusto ka naming gumaling, yan ang totoo." Sabi ni mommy.
"Hindi! Hindi ako naniniwala sayo! Galit ka samin eh kaya mo ginagawa to! Ano, binayaran mo ba silang lahat para lokohin ako?! Ma, hindi ako nababaliw okay?! Mga sinungaling kayo!. Kaya umalis kayo sa paningin ko dahil hindi ko kayo kailangan!."
Nagsialisan na sila. Hindi ako makapaniwala na kaya nilang bilugin ang isip ko. Kakamatay lang ni Diana.
..
Argel's POV
Kakarating ko lang sa bahay nila ni Franki, sinalubong ako ni Tita Arlene.
"Kamusta na po si Franki tita?."
"Lumala ang sakit nya. Kung last time she said she was chased by demons, ngayon naman she's saying that she's inlove with her bestfriend Diana. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa batang yan Argel. Ayaw niya munang makipag-usap sa kahit kanino ngayon, so just please give her space and time to process everything. Siguro mamayang one, kalmado na yun."
"Sige po tita, salamat."
"Nag-lunch ka na ba? Sumabay ka na samin--"
So sumabay ako mag-lunch kasama ang friends ni Franki. At sa kalagitnaan ng pagkain, biglang nagring ang phone ko. Unknown number.
"Excuse me."
Lumabas ako at sinagot ang tawag,
Hello? Sino to?
Argel, it's me. Diana.
Oh hey, Diana. Long time ah. Napatawag ka?
Umuwi na kasi ako ng Pilipinas. Nasa airport lang ako, pwede mo ba akong sunduin?.
As in ngayon?
Oo. Sorry talaga sa abala ah, kung may trabaho ka ngayon okay lang naman.
Hindi hindi. Okay lang, andito ako kina Franki to check her condition.
Bakit? What happened to her?
Wala na naman sa sarili. Tumawid siya sa kalsada na may parating na kotse.
Ano?! Is she okay na?
BINABASA MO ANG
JUST ONE SOBER (frankiana)
FanfictionIt is when you fall in love with someone that it felt like you signed up for a suicidal relationship but you can't let go of what you have even if it's so toxic because you still have one reason to keep holding on, and it is loving someone for the r...