Diana's POV
KINABUKASAN
Nagulat ako dahil maaga niya akong sinundo sa bahay with her scooter at pinagmadali akong mag-ayos. Kaya for the first time in our highschool history, hindi kami na late.
Parang gulat na gulat pa nga ang lahat dahil sa kauna-unahang beses din ay nakasali kami ng flag ceremony, and we tried our best to behave this time. Kahit pinag-uusapan kami ng lahat, wala na kaming pakialam.
Sa tingin ko, kaya ko naman.
Sa klase namin,nagpaparticipate na kami without offending any of our teachers. Pati sila nagulat rin.
Then hindi narin kami nagcutting classes ngayon. After class na kami nagstroll sa mga paborito naming puntahan, kung saan mas malapit sa nature.
Ilang araw kaming ganun. At parang nagugustuhan ko na ang maging mabait. Maraming lumalapit sayo at marami kang natatanggap na regalo. Kung may admirers kami noon, mas marami na ngayon.
Saturday.
Sabay naming ginawa ang homeworks namin for next week sa kwarto ko.
"Bakit ba tayo nagiging mabait?." Tanong ko kay Franki.
"To avoid killing ourselves."
"Bakit ka ba takot mamatay?."
"Hindi ako takot para sa sarili ko."
"Eh para kanino?."
"Para sayo."
"Sakin?."
"Oo sayo. Naisip ko kasi isang araw na siguro ang isa sa pinakanakakatakot na maaaring mangyari sakin ay ang mawala ka. Hindi ko ata kakayanin yun. If I'll rate the pain, it'd be a hundred out of ten."
"Ang drama mo naman haha. Kailan ka pa naging ganyan ka sensitive?."
"Ikaw ba, hindi ka ba natatakot na mawala ako?."
"Bakit?. Aalis ka ba?."
"Hindi ko alam."
"Anong hindi mo alam?."
"Eh kasi, wala pakong rason para umalis at iwan ka."
"So pano kung may sampu o isang daan nang dahilan para umalis ka ngayon, aalis ka na ba?."
"Hindi parin."
"Bakit?."
"May isa akong dahilang manatili eh kaya di ako aalis."
"Ano naman yun?."
"Secret."
"Hala, naglilihim ka narin sakin ngayon?. Wuy Franki, ewan ko kung nanuno ka ba o ano pero promise, ang weird mo these past few weeks. Ano ba talagang nangyari?."
"Wala ka ba talagang naaalala?."
"Ano bang dapat kong alalahanin?."
"Wala. Sige na, kailangan pa nating tapusin to."
Sunday.
Nagulat ako kasi bigla siyang nag-ayang pumunta ng church. At tiningnan ko lang siya habang nananalangin ng taimtim. Kasali kaya ako sa mga panalangin niya?.
Monday.
5:00pm
Pauwi na kami sakay ang scooter niya."Alam mo, sa sobrang kakaiba mong umasta ngayon nagdududa nako sayo." Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
JUST ONE SOBER (frankiana)
FanfictionIt is when you fall in love with someone that it felt like you signed up for a suicidal relationship but you can't let go of what you have even if it's so toxic because you still have one reason to keep holding on, and it is loving someone for the r...