Chapter 18

309 11 0
                                    

Diana's POV

May kinukwento lang siya about sa movie na pinanood niya kagabi kasama si Argel. Entitled, The Voyage of Doctor Dolittle.  It is about a physician who could talk to animals.

Franki can recall every detail like a person with advanced memory skills that you wouldn't even thought she's been having  a serious mental problem.

Nakikita ko naman na she's still the same person I knew since elementary. Iniisip ko lang kung gaano siguro kahirap ng situation na to for her.

At habang nag-uusap kami, bigla nalang syang natulala. I think bumabalik siya sa mundo nya. Inobserbahan ko lang sya. Parang may kausap siya, but once she said--

"Alam mo ba Diana, hindi ko alam kung pano ko nagagawa yun pero nakakapunta ako sa ibang mundo. At dun sa mundong pinuntahan ko, buhay ka. Napakaganda mo at tinutupad mo parin ang pangarap mo. Masaya ako dahil hindi pala totoo na once you lose someone, you lose them forever. Kasi this time, I had another chance to love you all over again. I love you Diana." And that hit me hard in the heart. Hindi pala talaga nagbibiro si Argel that Franki thought she's inlove with me.

Unang una, the idea that Franki had a world in her mind that includes me as her lover is really weird. I do love Franki pero I don't see myself falling for her. We were like sisters.

Anyway, pinanuod ko lang si Franki hanggang sa nakatulog na siya. Bumaba nako at nakasalubong ko si Tita Arlene.

"Magkape ka muna."

"Salamat po." Sama ko sa kanya sa kusina. Habang pinagtitimpla nya ko,

"Kamusta na si Franki iha?."

"Ayun po, bumalik na naman siya sa mundo niya. Pero I think masaya naman siya ngayon. Hindi ko na pinilit sa kanya na hindi totoo yung mga nangyayari sa isip niya. Baka po kasi maka-trigger pa yun ng self harm."

"Ito iha."

"Thank you po tita."

"Alam mo ba, una ka nyang hinanap kasi girlfriend ka daw niya. Kaya naisip ko since nandito ka na, na pwede bang sabayan mo muna siya? You make her happy Diana and she's still thinking that she's inlove with you. Para lang din maging mabilis ang recovery niya."

"Okay lang naman po sakin tita. I'm always willing to help. Pero ano po bang ibig nyong sabihin na sabayan ko siya?."

"Just let her love you. Wag kang mag-aalala, once gumaling na sya babalik din naman sya kay Argel."

"Naiintindihan ko po."

"And you can't reject her baka makacause pato ng stress at depression sa kanya."

"Pero what if she tries to do something like--kiss me?."

"Well, sa ngayon--I don't really know. Ikaw lang ang makakaalam sa gagawin mo pag umabot na sa ganyang point Diana."

Umuwi nako sa condo ni Veah.

"I just shifted to online classes para mapagsabay ko ang klase ko at pag-aalaga kay Franki. Twice a day yung schedule ko. 5-6 in the morning at 9-10 sa gabi. Magkaiba ng subjects for MWF and TTHS." Paliwanag ko kay Veah.

"That's great. So how is Franki for today?."

"She still has this crazy hallucinations, but nakakausap ko naman sya ng matino. And pansin ko pa nga ngayon, she had a sharper memory. Ikaw? How's work?."

"Pretty good. The candidates I'm handling now are fast learners, and it made my job a bit easier. Gazini's there to assist me naman."

"Oh yeah, I almost forgot about that btch. How is she?."

"Well, she's really busy preparing for Miss Universe."

"Talaga? Wow, di na talaga ma reach. I miss her na tuloy."

"Now that you've mentioned it, mamayang saturday--"

"Of course baby, it's your birthday."

"Yeah and everyone should be there. Pwede mo ring isama si Franki if you want."

"Kakain lang naman diba? Syempre, that's a formal gathering."

"Sort of."

At pagdating nga ng Sabado, pumayag naman si Tita na isama ko si Franki since makakatulong din sa kanya ang pakikipagsocialize.

She's wearing her blue dress while I'm wearing red.

Kasama ko sya sa table with Maza, Jodie and Julia. Habang kumakain na kami, nakita kong papalapit na si Gazini habang may hila-hila syang lalaki.

"John Medina. Not again--" Rinig kong sinabi ni Franki.

"You know him?."

"Oh Hi girls, especially to you my beautiful friend Diana. Gusto ko lang sana ipakilala sayo tong friend ko." Sabi ni Gazini.

"H-hi, I-I'm John Medina." Sabay shake hands sakin ng lalaki. Did Franki just predict his name or magkakilala na sila noon?

"Nice to meet you. I'm Diana Mackey."

"Diana Mackey? Teka lang, Gazini tinuturuan mo ba si Diana na mangaliwa sa asawa niya? Back off lover boy, this woman is married." Warning ni Maza.

"Not anymore, well soon--kasi Diana is already filing an annulment." Sagot ni Gazini.

"Huh? What? Why?." Tanong nina Jodie at Julia.

"Because--ah I'm gay." Sabi ko.

"W-what? No, you can't be serious." Sabi ni Maza.

"Yes she is,at yan talaga ang nakalagay na rason sa mga papeles na in process na ngayon. At saka itong si JM nagpapakilala lang naman eh." Gazini said. She knew that I'm not really gay. Yun yung ginamit naming excuse kung bakit maghihiwalay kami ni Sky. Because if you are a guy and you're gay, mababa ang tingin ng mga tao sayo. Pero if you are a woman who's a lesbian, it means you are an empowered and independent woman at maraming masasayangan sayo. It's a psychological trick. The society nowadays consider lesbianism as cool and empowering while being gay is the opposite.

"T-teka, so sino? Sino ang pinagpalit mo kay Sky?." Tanong ni Jodie.

At tungkol dun, wala pa kaming nahahanap na pwedeng magpanggap na karelasyon ko. Hindi pwedeng si Gazini or Veah dahil pareho silang may iniingatang pangalan at marami pa sa mga tao ngayon ang makikitid parin ang utak.

"Wala na kasi kami nung girl, ayoko nang pag-usapan. Ang gusto ko lang naman ay maging totoo sa sarili ko. Ayoko nang ipilit pa ang sarili ko sa taong hindi ko naman mahal. Pano nalang pag pinagpatuloy pa namin tong ganitong set up tapos nagka anak kami, dadating ang araw na maiipit ang bata sa gitna. Kaya mas mabuti nating tapusin habang maaga pa." Napakasinungaling ko talaga. Kung di ko lang mahal yung gagong baklang yun, hindi ko na sana hahayaang masira ang sarili kong reputasyon at pangalan dahil sa kanya.

Ang tanga tanga ko talaga. Niloko na nga ako, mahal ko parin.

JUST ONE SOBER (frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon