Diana's POV
Days passed by, pinaghahanap na ako. Nakita ko sa news isang umaga na nasa social media, umiiyak si mommy. Ayoko silang saktan pero ayoko din namang gawing miserable ang buong buhay ko dahil sa gusto nilang mangyari. They taught me how to be selfish, then I'll show them how to be selfish too.
Matagal nila akong niloko at minsan talaga nagkakamali ang mga magulang.
FLASHBACK
Grade 6.
Masaya ako dahil proud parin si Franki sakin kahit ako yung nanalo sa pageant, pero pagdating namin ng parents ko at ni kuya sa bahay,
"You could've done better Diana. Ang simple simple lang nung tanong tapos nahihirapan ka pang sumagot?." Sermon sakin ni Mommy. Umiyak nalang ako.
"Tama ang mommy mo Diana. At saka dala dala mo ang pangalan ng pamilya natin, hindi mo ba alam kung anong klaseng kahihiyan tong ginawa mo?. Sana di ka nalang sumali. Because joining is about winning Diana, tandaan mo yan." Sabi pa ni Daddy.
"Atleast naka place parin si Diana dad. Okay na yun." Mahinahong sabi ni Kuya Bryan.
"At sinong may sabi sa'yong pwede kang sumabat sa usapan ng mas nakakatanda?. Hindi ka namin pinalaki ng ganun Bryan, now go to your room." Mom scolded Kuya Bryan. Padabog namang umakyat si Kuya papunta sa kwarto niya.
Grade 12.
"Kuya, wag kang aalis please. Wag mo kong iiwan dito--" iyak ko habang nag-iimpake na si Kuya ng mga gamit niya. Kitang kita ko na sobrang pula na ng mga mata nya dahil sa pagpigil ng mga luha niya.
"Diana,ayoko na dito. Pagod na pagod nakong maging sunod-sunuran sa mga magulang natin. I want to be a good person and be true to myself. This is the only way to set myself free from those monsters." At tuluyan na ngang umalis si kuya.
Umiyak lang ako ng umiyak. Wala na kasi akong kakampi dito sa bahay. Dati nakatutok silang lahat kay Kuya, pero ngayon sa akin nabaling ang atensyon nila at hindi na ako natutuwa.
EOFB
Nagising na si Franki.
"Are you crying? What's wrong?." Sabay lapit nito sakin.
"I miss Kuya Bryan very much Franki. I want to see him."
"Diba nasa ibang bansa na yun? Pero hayaan mo, I promise. Magkikita kayo soon. Gagawan natin yan ng paraan. Okay?. Sige na, magtotoothbrush pako."
"Nagluto nako ng breakfast, hinihintay kita. Sabay na tayo."
After naming kumain, naligo na kami at naghanda na sya papasok sa trabaho niya.
"Sure kang okay ka lang dito? Pag may kailangan ka, just text or call me ha? See you later babe. I love you." As she planted a soft kiss on my lips.
"I love you more. Mag-iingat karin ah. Kumain ka sa tamang oras at wag masyadong papagabi."
"Opo boss haha. Sige na, baka ma-late pako. May pa presscon pa si Mayor mamayang 10, I have to be there on time. Bye." Umalis na sya.
So eto lang ako sa apartment nya. Hindi ako pwedeng lumabas baka kasi may ibang makakita sakin at magsumbong sa parents ko.
Naglinis, naglaba, naghugas, nagluto at nagtupi ako ng mga damit na hindi ko naman talaga ginagawa noon, pero para may magawa din ako, pinag-aralan ko na and I think I'm pretty good at it.
Naghanap din ako ng iba pang pwede kong gawin habang ako lang mag-isa, which is pananahi. Pinag-aralan ko ang pananahi.
Gusto ng mga magulang ko na maging doctor ako o abogado pero gusto ko talagang maging fashion designer, pero hindi ako nakapag-aral sa fashion school kaya di ko nalang pinursue.
8pm na ng umuwi si Franki.
Napaupo lang sya sa sofa, tinabihan ko naman sya at sinimulang masahiin.
"Mukhang pagod na pagod ka babe ah--mabuti nalang andito ako kasi may instant taga masahe ka narin."
"Pinuntahan ako ng mommy mo sa office. Nag-iskandalo sya at sinabi sa lahat na kinidnap kita." Napatigil ako ng sabihin niya yun.
"A-ano?."
"Sobrang nagalit ang boss ko dahil sa nangyari at ayaw nyang madamay pa ang buong firm dahil sa kasong ipinataw ng mga magulang mo sakin. Diana, wala na akong trabaho." Iyak niya. Niyakap ko nalang sya.
Ayokong magalit sa parents ko pero binibigyan nila ako ng dahilan. Bakit ba nila ako pinapahirapan ng ganito? Pati si Franki dinamay pa nila.
"Bukas na bukas, sasamahan kitang maghanap mismo ng ibang trabaho. Magtatrabaho narin ako, tutulungan kita." Sabi ko sa kanya.
"P-pero pano kung kunin ka nila ulit sakin? Diana, hindi ko kayaaa."
"Hindi nila ako mababawi. Pangako yan. Paninindigan kita kahit anong mangyari Franki. Kung akala nila lalapit ako sa kanila para magmakaawa, nagkakamali sila. Babangon tayo. Babangon tayo gamit ang sarili nating mga paa. Hindi natin kailangan ang pera nila para maging masaya."
"What did I do to deserve you?." She said hugging me tighter.
"Sige na,masyado na tayong madrama haha pumapanget ka na oh tingnan mo. Nag dinner ka na?."
"Tapos na eh."
"Buti nalang haha hindi narin kasi ako nakapagluto eh wala na tayong bigas."
"Seryoso?."
"Oo. Siguro, gulay nalang kainin natin araw araw. Magtanim tayo dyan sa harap kung pwede. At saka yung landlady pala pumunta dito kanina, sinisingil na tayo sa renta natin for this month. Sa makalawa na nga yung deadline eh, pag di tayo nakapagbayad paaalisin na tayo dito."
"Parang kailangan na nga nating makahanap ng trabaho. Diba papasok ka pa para tapusin ang pagdodoktor mo?."
"Hindi na muna. Kailangan kong magtrabaho ngayon para sa ting dalawa. Anong kakainin natin? Saan tayo titira? Kaya gusto kong tulungan muna kita, for sober or for drunk."
"For sober or for drunk." She said giving me a long passionate kiss.
KINABUKASAN
Kanina pa kaming paikot ikot para maghanap ng pwede naming pasukang trabaho pero wala parin. Karamihan sa kanila may masyado nang maraming empleyado. Naglakad na nga lang kami eh dahil nagtitipid kami ngayon at kumain lang kami sa isang karinderya dahil pinagkakasya nalang namin ni Franki ang pera nya hanggang bukas.
"Bakit hindi ka nalang humingi ng tulong sa mommy mo?." Bigla kong naisip. Oo nga naman. Bakit hindi namin naisip agad yun?.
BINABASA MO ANG
JUST ONE SOBER (frankiana)
FanfictionIt is when you fall in love with someone that it felt like you signed up for a suicidal relationship but you can't let go of what you have even if it's so toxic because you still have one reason to keep holding on, and it is loving someone for the r...