Chapter 15

333 12 0
                                    

Franki's POV

Pagdating namin sa opisina ni mommy. Actually, we own a telecommunication company. Well, my mom does.

"Diba pinagsabihan na kita?! Pero hindi ka nakinig! Tapos lalapit lapit ka sakin ulit ngayon para humingi ng tulong?! I have enough of you Frances! Sobrang kahihiyan na tong binibigay mo sakin! Alam mo ba nawawalan ako ng investors dahil sayo?! Dahil iniisip nila na masama akong magulang dahil lumaki kang ganyan at kung iyon lang hindi ko pa magampanan, pano pa kaya ang maging isang business partner?!. Silang lahat ang tingin sayo kriminal! Kaya sabihin mo nga, san ka dadalhin nyang kahibangan mo?!."

"Wag nyo naman pong sisihin si Franki Tita, hindi naman po nya ginusto to eh! Walang may gusto sa nangyari!." Laban ni Diana sakin.

"Isa ka pa! Dinedemonyo mo kasi ang utak nitong anak ko kaya lumalaban na sa akin! Kung nakinig ka lang din sa mga magulang mo edi hindi na sana lumaki ang gulong ito!."

"Ma, tama na. Diana, halika na." Hila ko sa kanya palabas. Pinagtitinginan kami ng mga chismosang empleyado tsk!. I knew this would happen.

Pagkalabas namin, hindi ko na napigilang mapaiyak. Napaupo nalang kami sa may waiting shed sa gilid.

"It's okay. Day one palang naman--marami pang araw Franki. Wag kang mag-alala, andito ako lagi. Di kita iiwan." Sabi ni Diana, trying to be optimistic about the whole situation.

"Pano yung apartment? Mapapalayas tayo. San na tayo titira?."

"Ako nang bahala dun. Magagawan yan ng paraan."

Kinagabihan, nag-impake na kami ng mga gamit. Lahat ng dadalhin namin. Sinundo kami ni Veah kinabukasan mga bandang ala una ng hapon at siya narin nagbayad ng renta.

Pumayag si Veah na dun na muna kami kasama sya sa condo niya.

Sa araw din na'to, tinulungan niya kaming maghanap ng trabaho pero wala talagang gustong tumanggap sa amin, lalo na't may record na ako sa prisinto tapos kinasuhan pa ako ulit ng mga magulang ni Diana.

While eating dinner,

"Sobrang hirap nga ng situation niyo. Pero girls, I want you to know that I'm always willing to help. And besides, no offense ah. Isn't it stupid na they'll accuse you Franki for kidnapping Diana? I mean what's the point?." Sabi ni Veah.

"Alam ko namang babawiin din nila ang kaso because they can't fake my testimony. Once nagsalita ako, wala na silang magagawa. At kaya hindi nila hinuhuli si Franki ay dahil wala silang makitang butas sa kanya. They can't just accuse an innocent person." Sabi ni Diana.

"Pano kung hindi parin nila tayo titigilan?." Tanong ko.

"Edi lalaban tayo." She said holding my hand and looking at me intently.

"You'll do that for me?. Pero--Diana they're still your parents."

"I'm not doing this because I want them to suffer, I'm doing this for us so we can be free from the restraints that they're creating. Their terrible parenting strategy has to stop Franki. At gaya ni kuya, I want to be a good person and be true to myself. And if this is the only way to set myself free from those monsters, then so be it."

Diana is really the type of person who keeps her words. She make things happen.

Hindi kami magkasya sa bed ni Veah, at dahil nakakahiya naman since nakikitira lang kami, Diana and I insisted na sa sala nalang matulog. Sa mismong sahig. Buti nalang may extra mattress si Veah kaya dun na kami matutulog.

Komportable lang naman kami, gusto ko to because I have to share a blanket with Diana again.

"Goodnight girls." Sabi ni Veah sabay patay ng lights. Tanging ang liwanag ng bilog na buwan na makikita sa bintana ang nagbibigay liwanag sa amin. Nakaharap lang kami ni Diana doon.

"Naaalala mo ba yung gabing yun?." Tanong ko sa kanya.

FLASHBACK

Pauwi na kami,madilim na kasi 7pm narin. Gutom nako. Nasa lap ko na ang cake.

"Mabuti pa yung moon full. Diana, I'm hungry na."

"Konting tiis nalang Franki, makakauwi narin tayo."

Binuksan ko ang box ng cake, mmm mukhang masarap.

"Hey, Franki--what are you doing?."

"Diana, di ko na talaga kaya--konti lang naman eh, haya--Diana! May sasakyan!." Kinakain ko na ang cake. It's chocolate.

Dahil nakatingin sakin si Diana, hindi namin agad napansin na nasa ibang lane na pala kami. Nasobrahan sa liko si Diana sa kanan kaya natapon lahat ng cake sa bintana ng sasakyan.

"Diana, yung cake!."

EOFB

"How could I forget that? You almost got us killed." Sabi niya.

"Di ko naman sinasadya, nagutom talaga ako eh haha."

"Edi sana yung hindi nauubos kinain mo."

"Meron ba nun?."

"Meron, ako." Hinampas ko naman sya.

"Haha sira, edi lalo tayong namatay. Malaking skandalo pa pag natagpuan tayo sa ganung posisyon."

"Sa bagay."

"Diana, nakikita mo parin ba ang future mo sakin?."

"Oo naman."

"Kahit wala tayong makain at matirhan?."

"Oo. Kahit palaboy laboy pa tayo sa kalye. Kahit pareho tayong amoy kanal. Hindi kita iiwan."

"Promise?."

"Promise." She said hugging me really tight as if it was goodbye.

KINABUKASAN

Nagising ako na wala na si Diana sa tabi ko, kaya hinanap ko siya sa buong unit pero wala parin. Tinanong ko si Veah na kakapasok lang.

"Lumabas. Nag-aalala nga ako eh kasi parang wala siya sa sarili, kinakausap ko siya pero parang hindi niya ako naririnig, habulin mo. Maaabutan mo pa yun--" kaya tumakbo nako palabas para hanapin si Diana. Tumingin tingin ako sa paligid, at nakita ko na nga si Diana sa kabilang side ng highway. Nagmadali akong tumawid. I think we're just twenty feet apart.

"Diana!." Tawag ko sa kanya pero di parin niya ako naririnig.

"Diana!." Tawag ko ulit, bigla siyang tumigil at akmang tatawid. Okay lang sana pero napansin kong may mabilis na truck na parating, nagmadali akong lapitan siya.

"Diana! Tabi!." Sigaw ko pa pero yung mukha niya talaga parang nakatulala lang siya. Ano bang nangyayari sa kanya?

Pero hindi na ako nakaabot, nasagasaan siya sa mismong harapan ko at wala akong nagawa.

Nagising nalang ako sa isang pamilyar na kwarto, nakaupo lang ako sa wheelchair at masakit ang buo kong katawan, at nagulat na makitang maraming taong nakatingin sakin tila nag-aalala.

Andito si Mommy, Maza, Jodie and Julia.

Ano bang nangyayari? Gulong gulo na ako. Hanggang sa bigla kong naalala,

"Si Diana, ma--wala na si Diana--" iyak ko.

"Sinong Diana?." Takang tanong ni Mommy.

JUST ONE SOBER (frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon