Chapter 20

389 12 4
                                    

Diana's POV

After lunch, dumiretso nako kay Franki.

"Sya nga pala, nagtataka lang ako. Paano mo nakilala si JM?." Tanong ko.

"Ah he's my suitor nung highschool. Anak sya ng principal natin. Naku babaero yun, mag-ingat ka dun."

"Haha okay?. Thanks for the warning, at saka nilinaw ko na kagabi diba? Na friendship lang ang kaya kong e-offer."

"So, it means totoo yung sinasabi mo kagabi that you're gay?."

"No. Syempre hindi. Franki, kilala mo ko. You know I don't swing that way. Sinabi ko lang yun to push him away, ang totoo talaga nyan I'm using that excuse din para makipaghiwalay kay Sky. And I need JM as a witness." A look of disappointment suddenly flashed on her face.

"But you're lying Diana. Why can't you just tell them the truth? Ano ba talaga ang dahilan mo kung bakit ka makikipaghiwalay kay Sky?."

"Because we no longer love each other. Wait, let me rephrase that, he never really loved me."

"That's impossible. The hardest thing to do in this world is to defy the pull of your gravity Diana. I don't get it."

"Some things doesn't work to some people Franki. It's more complicated than that. Some are just lucky. Falling for me isn't a rule of the universe."

"Well, falling for you is the rule of my universe." Ewan ko parang bigla kong nakalimutan kung paano magsalita. I don't know what to say.

I know she's acting upon the idea that she's inlove with me. Pero bakit ganun? Why are these things affecting me so much than it should be?

Baka naman naninibago lang ako because Franki is talking to me differently and treating me this way. Lahat ng sinasabi niya noon, walang malisya sakin dahil I know that it's purely platonic.

She met Argel nung senior high and they instantly clicked. Kasama ko kasi si Argel dati magvolleyball and he's a gentleman pa. Pero kahit na may boyfriends na kami, we still have our own quality time.

Kilala nya si Argel but she's thinking na friends lang sila, iniisip ko kung gaano kasakit yun for him tapos he asked me to do this for Franki pa. Kitang kita ko ang sacrifices niya just to love her.

3pm. Minasahe ko ng dahan dahan ang buo niyang katawan. Mula ulo hanggang paa. Nakangiti lang syang nakatingin sa akin.

"Ang sarap mo paring magmasahe. Mahirap ba?."

"Ang alin?."

"Ang alagaan ako. I know naman na you're thinking din na nababaliw ako. Diana, I know what schizophrenia is. At gusto kong gumaling para di na kayo mahirapan."

"Wag na wag mong iisipin na pabigat ka Franki. Mahal ka namin kaya ginagawa namin ang lahat para hindi ka mahirapan kasi okay kami kung okay ka." Tumayo nako as I held her chin. She held my hand looking up.

"I love you." Sabi niya. Nilalagay nya talaga ako sa ganyang posisyon kung saan ayoko syang paasahin and the only choice is to hurt her feelings.

"We love you too Franki." Sabi ko nalang. Nadismaya ulit sya, what have you done Diana?

"I said I love you Diana."

"I love you too besh."

"Bakit may besh? Hindi na natin tinatawag ang isa't isa ng ganyan."

"Alam mo, nagugutom nako. Gusto mo ng mamon?." Change topic ko.

"Bakit ba hindi mo masabi?."

"Ang alin? Sige na Franki, bababa lang ako. Kukunin ko yung mamon. Anong gusto mong drinks?."

"Gatas nalang." Sagot niya tila malungkot. Nang makababa ako, saka ko lang naisip kung gaano ako kasamang tao. Pero I can't blame myself, I just want to be honest.

Una, I can't act like I'm also inlove with her because I'm not. And second is because an interaction like this with a woman when you're already an adult is cringey. Okay lang sana if highschool days. Kaya lang matatanda na kami at pag may ganung klaseng sweet gestures, nabibigyan agad ng ibang ibig sabihin and I don't want her to get the wrong idea kaya maaga palang, kinaklaro ko na.

Bumalik rin ako agad. Simula nung araw na yun, medyo hindi na sya kumikibo. Hindi tuloy ako maka-focus sa pag-aaral for my upcoming online exams.

Isang gabi sa condo ni Veah habang nagrereview ako from my printed module,

"Are you still worrying about Franki because you feel like avoiding any romantic connection towards her caused her sudden depression?." Tabi niya sakin. Tumango na lang ako.

"Bakit mo kasi pinipigilan?."

"Because I don't want to pretend that I love her back the same way she wanted."

"Is it because you still love Sky?."

"No."

"So ano?."

"Because it's scary when it becomes real. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko with her pero hindi imposibleng mangyari."

"Ano naman kung tuluyan kang mahulog sa kanya in the process of pretending that the feeling is mutual? Eh mahal ka naman niya."

"Natatakot ako Veah."

"Mahulog?."

"Hindi. Natatakot ako dahil baka pag nahulog ako hindi na ako makaalis. Natatakot ako dahil mahal niya lang ako dahil sa sakit niya. Natatakot ako na once gumaling siya, makakalimutan nya na ang nararamdaman niya para sakin at babalik na sya kay Argel. Natatakot akong iwan ulit ng taong mahal ko para sumama sa iba."

"Are you sure you're not inlove with her?."

"Yes. One hundred one percent sure."

"One hundred one? Haha."

"Because there is no such thing as one hundred percent."

KINABUKASAN

Pumunta ako kina Franki, at andun na rin pala si Argel. Sinisilip ko lang sila mula sa sala. Magkasama silang kumakain ng breakfast. Sobrang sweet pa nga ni Argel eh. Pinapakain pa nya ng marami si Franki kahit mukha itong walang gana, halos subuan na nga niya eh.

"Ang cute talaga nila no? Bagay na bagay. Bilib rin talaga ako dito kay Argel, when everyone else wanted to give up sya lang ang hindi sumuko kay Franki." Andito pala si tita Arlene.

"Oo nga po. Mabuting tao talaga yan. At alam kong hindi niya sasaktan si Franki. Bagay talaga sila." Sabi ko. Bakit sobrang bigat sa loob?

"Sya nga pala, nagbreakfast ka na? Sumabay ka na sa kanila."

"Ah wag na po. Kumain nako kanina, magpapaalam lang sana ako kay Franki na mawawala ako ng ilang araw dahil kailangan ko pang asikasuhin yung issue namin ni Sky."

"Tungkol dun iha, alam mo sayang ka. Bakit ka pa kasi nagtomboy? Ayaw mo bang magkapamilya?." Oo nga pala, di pa niya alam na nagpapanggap lang ako.

"S-syempre po, gusto. Pero ganun talaga ang buhay. Nabubuhay tayong lahat sa pagdedesisyon, at yun ang daang pinili kong tahakin."

"Sa bagay, desisyon mo naman yan. Basta yang anak kong si Franki, inaasahan ko yang bigyan ako ng maraming apo. Kaya nga sana gumaling na yang kasi naaalibadbaran talaga ako sa ideyang may gusto siya sayo."

JUST ONE SOBER (frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon