Franki's POV
In the other side.
Kausap ko ngayon sina Maza sa bahay habang kumakain ng dinner.
"You're acting weird Franki. Diana just died 3 days ago pero kung makangiti ka dyan parang wala lang nangyari. Do you need psychiatric assistance?." Sabi ni Maza.
"In this world she is, but in the real world--she's surely alive. At alam nyo ba, pakiramdam ko mahuhulog narin sya sakin doon."
"What are you talking about Franki? This is the real world. Ano bang nangyayari sayo?." Sabi sakin ni Jodie na parang natatakot na.
"Right now hindi nyo pa maiintindihan guys, pero soon."
"Maza, tumawag ka na nga ng doctor o albularyo." Sabi ni Julia.
"Okay okay. I'll tell you na talaga. You girls aren't real. You're all just pigment of my imagination. You and all of these exists because I'm sick."
"Nababaliw ka na nga talaga. We understand naman Franki, these are just stages of grief--" paliwanag ni Julia.
"Juls, I'm telling the truth. Okay? At dun sa totoong mundo, pilay ako. And because this isn't real, look at me. I'm completely fine. No broken bones and bruises."
"Mentally, you're not fine. Just quit it Franki, you're scaring us." Sabi sakin ni Jodie. At mukhang takot na nga silang tatlo.
Alam ko kasi eh, hindi to totoo. These are just hallucinations. Pero pano kung ito pala yung totoo? Gosh, what's going on?
FLASHBACK
"What if your brain is just tricking you? What if yun yung totoo at ito yung hindi? What if napunta ka lang sa mundong to because you wanted me to live again?. To be with you."
"Why are you telling me these things Diana?."
"Because you said I died in that place. What if after nangyari yun, na trauma or nagka schizophrenia ka kaya nangyayari tong lahat ngayon?."
EOFB
Na trauma nga ba ako dahil sa pagkawala ni Diana? Was that or this is a hallucination? Gulong gulo na ako. Ito ba yung totoong mundo? Talaga bang wala na si Diana?
"San ako galing before ako napunta dito?. Anong nangyari buong araw?." Tanong ko sa tatlo.
"Sa sementeryo. Magkasama tayong tatlo. Nakaidlip ka ng saglit sa kotse then hindi ka nagising agad. 8 hours kang tulog Franki. From 10am to 6pm. Are you okay?." Pag-aalala sakin ni Maza.
"So, totoo kayo? Totoo lahat ng to?."
"Oo naman. Try mo haha."
Sinampal ko ng pagkalakas lakas ang sarili ko at totoong nasaktan ako. Fudge, this is insanely real. So ibig sabihin, hindi totoong buhay si Diana? Hindi ito maaari.
..
Diana's POV
Papunta na ako. Habang nagdadrive,
FLASHBACK
Habang papunta na kami sa playground, ako ang nagdadrive ng kotse ni Veah. Tulog mantika si Franki at Miracle sa likod.
"Sobrang hirap po siguro na ganyan ang situwasyon ni Franki. Kailan pa ba nagsimula yang condition niya?." Tanong ko.
"Well, nung highschool pa kayo. Pansin ko nang may mali kay Franki. Madalas ko syang nakikitang kinakausap ang sarili niya, akala ko normal lang yun kasi madalas yun ginagawa ng mga matatalino. Pero isang gabi, takot na takot ako after watching a horror movie kaya tumabi ako sa kanyang matulog. Alam mo, mas lalo akong natakot dahil kay Franki."
"Bakit?."
"Imagine at 12 midnight, nakatulala lang sya while moaning your name. I swear it has been in my nightmares for a week. So, yang nasa isip nya ngayon that she's inlove with you, siguro dati pa yan. Tapos lumalala lang ngayon."
"Parang gusto ko na atang maniwala that love is a sick disease haha."
"Minsan parang ganun. Pero hindi naman lahat ng nagmamahal wala sa katinuan D eh."
"What do you mean ate?."
"Gaya namin ng husband ko. We're in love, and because of love andyan si Miracle. Nakakapag-aral siya, nakakapagtrabaho kami ng asawa ko, nababayaran namin ang water and electricity bill at nakakakain kami tatlong beses sa isang araw. Kaya nasasayo yan. Kung magpapalunod ka lang sa nararamdaman mo o hahayaan mo itong gawin kang responsableng tao."
EOFB
Ate Sophia is right, nasasayo lang yan. Pero sa puntong ito talaga pakiramdam ko wala ako sa katinuan.
Yung mga nangyari at nakita mo kasama si Franki ay panaginip lang Diana. Masyado mong nilalagyan ng kulay ang mga bagay bagay.
I got in the meeting place in 15 minutes, malapit lang naman.
Nang makarating ako at nakita sina Sky at yung ipinalit niya sakin parang naging awkward lalo na ng nakipagbeso rin ako sa kanilang dalawa ni Sky. Well, he seems to be a nice guy. Andito rin si Mr. Reyes, ang lawyer ni Sky.
Umupo na ako sa tabi ni Hasna.
"So, hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong delikado itong gagawin natin. At pareho nating gusto na walang ibang madamay. Napagpasyahan na namin ang proposal nyo na gagamitin ang excuse na Diana's gay para mapawalang bisa ang inyong kasal." Panimula ni Hasna.
"How about Diana's pretend girlfriend?. Nagawan nyo na ba yan ng paraan?." Tanong ni Mr. Reyes.
"Si Franki. Siya ang napili namin." Nagulat naman ako nang sabihin yun ni Hasna.
"But Attorney, diba Franki's sick? We can't use her as a witness." Sabat ni Sky.
"Then that means the court could not accept her testimony. Ang kailangan lang natin ngayon ay ang magiging witnesses for their relationship." Sabi ni Hasna. Ewan ko lang, baka makulong pa kami sa ideyang ito. Bakit pa ba kasi kailangan ng dahilan para maghiwalay?
Kasi nga Diana, kung ayaw may dahilan. Since gusto nyo na namang maghiwalay, hahanap at hahanap kayo ng dahilan para mangyari yun.
"So ang kukuning witnesses sa magkabilang panig ay yung common friends ni Sky, Diana at Franki?." Tanong ni Tyler na sobrang higpit pa ng hawak sa kamay ni Sky. Kung nagsabi nalang sana ng totoo ang mga baklang to,hindi sana ako ang nahihirapan.
Sa puntong ito, parang tuluyan ko nang nakalimutan kung bakit ko to ginagawa. Galit ako sa ginawa ni Sky, pero nakikita ko syang masaya ngayon. Siguro para narin to sa kalayaan ng puso at isip ko. Ayoko namang mabuhay kami pareho na miserable. Naiintindihan ko naman eh, nagmahal lang sila.
Gaya ng pagmamahal sakin ni Franki. Sana okay lang sya, sana bumalik na sya.
BINABASA MO ANG
JUST ONE SOBER (frankiana)
FanfictionIt is when you fall in love with someone that it felt like you signed up for a suicidal relationship but you can't let go of what you have even if it's so toxic because you still have one reason to keep holding on, and it is loving someone for the r...