Chapter 6

541 14 0
                                    

Diana's POV

Kasama ko si Veah sa library para mag-review.

"Sinasaktan ka pala ni Sky noon, bakit nakipagbalikan ka pa sa gagong yun?. Kung di lang talaga nabanggit sakin ni Franki, di ko malalaman."

"Veah, tapos na yun. At saka, nagbago na si Sky. Di na nya ko pinagbubuhatan ng kamay. Kasalanan ko naman eh--"

"Papanong naging kasalanan mo?."

"Basta, mahabang storya. At saka sa lahat ng mga pagkakamali ko, kay Sky lang ako naging tama."

"Anong tama?. Eh sinasaktan ka nga diba?."

"Noon. Gusto kasi sya ng parents ko. Sa pagpili ko lang sa kanya hindi nadisappoint ang parents ko."

"Ewan ko sayo. Yung kuya mo, umuwi na ba?."

"Hindi pa nga eh. Yun din ang pinoproblema ko ngayon."

"Talaga bang buo na ang desisyon nyang mag-undergo ng transition."

"Oo eh. Alam mo namang di nagpapapigil yun. Halos atakehin nga si Daddy dahil sa sama ng loob."

"Sino bang hindi?. Sayang yung kuya mo. Gwapo, matalino at sobrang bait tapos magbabakla lang?. Ano bayan."

"Veah, hindi natin mapipigil ang pusong nagmamahal."

"Wala naman akong problema dahil dun, ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangan nya pang baguhin ang katawan niya. Eh hindi rin naman sila magkakaanak."

"Ganito kasi yan. Remember our class nung isang araw?. It's called gender dysphoria. They consider it as a psychological disorder. Napakacomplex naman talaga ng ganyang topic kasi sometimes yung biological sex mo di nagtutugma sa gender identity at sexual orientation mo."

"Anong ibig sabihin nun?. Sorry, masyado kasing mabilis explanation ni Ms. Lopez, di ko tuloy na gets."

"May ibang babae na nagkakagusto sa babae pero kilos at bihis babae parin. Kaya di lahat ng boyish na babae tomboy o nagkakagusto sa kapwa babae. Ang gender, base lang yan sa kung anong nararamdaman mong kasarian mo kung lalaki ka ba or babae. Ang sexual orientation ay nakabase sa mga taong attracted ka, at ang biological sex ay for reproduction purposes. Minsan hindi match ang tatlong to kaya maraming tao ang naguguluhan sa kanilang sarili."

"Ikaw Diana?. Match ba lahat?."

"Ano ba ang sa tingin mo? Haha."

"Well,babae ka. Babae ang kilos at pananamit mo. Lalaki ang boyfriend mo. So, I think match naman."

"Oops,may isa pa."

"Ah oo,so kayo ni ano. Nag-ano na kayo?."

"Never talaga haha."

"Pero nung party ni Kiara, sabi mo na swipe ka na."

"But it doesn't have to be him."

"Nagpaswipe ka sa iba?."

"Syempre nung hindi pa kami."

"S-sino?. Kilala ko ba?. Gwapo ba?. Maputi o moreno?."

"Bakit?. Sino bang may sabing lalaki?."

"Babae?!."

"Shshshsh. Ano ba?. Nasa library tayo."

"Pero totoo nga, babae?."

JUST ONE SOBER (frankiana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon