Diana's POV
Pagod na pagod nako, sobra. Sa katangahan ba naman ng babaeng to naisipan nya talagang manirahan kami sa bundok. Puro kahoy lang ang nakikita ko dito.
Madilim na nang makarating kami sa tuktok. Hindi naman masyadong mataas. Actually, talampas na to eh. Hindi na ko nagreklamo dahil worth it naman. Sobrang ganda pala dito,at saka ang lamig.
At dahil talagang girlscout tong si Franki, nagdala talaga sya ng tent, flashlights, isang pack ng posporo, lahat. Sa bandang baba naman ay may ilog kaya perfect place lang para maka-survive kami sa lugar na ito. May dala rin syang water filter, sakaling maubusan kami ng tubig. Isang litro lang kasi ang dala namin.
Sobrang ganda ng kalangitan na puro bituin.
Kumakain na kami ng hapunan. Buti nalang nagdala ako kanina ng kaserola dahil alam kong may pagka shunga to minsan si Franki. Expected na na walang kuryente ang pupuntahan namin tapos nagdala pa sya ng rice cooker eh wala naman kaming dalang bigas.
Puro mga delata, gulay at prutas lang ang dala namin. Imagine na hapunan namin ay sardinas na may talong.
Pero iniisip ko talaga kung san nya gagamitin ang rice cooker. Natatawa parin ako.
"Bakit?." Tanong niya.
"Anong napasok sa isip mo na nagdala ka pa ng rice cooker?. Expected na na walang kuryente ang pupuntahan natin, tapos wala pa tayong dalang bigas."
"Ay haha. Oo nga no?. Hayaan mo na, baka makatulong rin yan satin soon. Okay lang ba ang pagkain?. Sorry ha, kailangan muna nating magtiis."
"Alam mo namang di ako maarte sa pagkain. Basta luto mo, kakainin ko."
"Talaga?. Ang sweet naman ni besh." Hmm. That sounds different.
"Honest lang. So, marami ka bang natutunan dun sa mga pinabasa ko sayo kagabi?."
"Well, medyo. Iniisip ko pa nga kung paano ko ia-apply. Like lesson number 18, Let yourself be vulnerable. Ang totoo nyan, sinadya ko talagang dalhin ang rice cooker, para lang makita mo kung pano ako katanga minsan. Natuturn off ka na ba sakin?." Tila nahihiya pa nyang sabi.
"Hindi naman."
"So it's working?." Masaya nyang tanong.
"Maybe."
Hindi ko na alam kung anong oras na kaming nakatulog kagabi. Una akong nagising. Gusto kong pilitin ang sarili ko na mahulog kay Franki kaya ginawa ko ang hindi ko naman madalas ginagawa, ang panoorin sya habang natutulog.
Maganda naman talaga si Franki eh. Pero di ko maintindihan, kasi ganun siguro pag kaibigan mo. Imbes na nakikita mo sya bilang isang attractive na tao, mas nakikita mo ang character nya like mabait sya o maaasahan. But I'm trying not to look at her in that way.
Lesson number 22
Fake it until you make it.Some research suggests that the act of pretending to be in love with someone can actually trigger true feelings of intimacy and connection. If you feel comfortable doing so, try to act as though you are in love with this person. Use your imagination and see where it takes you.
The best way to fall in love is to convince yourself that you are.
Pero pano nga kung tuluyan nang mahulog ang loob ko kay Franki?. Mawawala na ang pagtingin nya sakin at ako na ang mahihirapan sa pagmomove on. Well, okay lang naman sakin. Franki already suffered enough, maybe it's time narin to get even.
Sa wakas, gising na sya.
"Good morning." Masaya kong sabi sa kanya.
"G-good morning." Medyo gulat nitong sabi.
Naliligo na kami sa ilog.
"Naalala mo dati, naliligo tayo sa ilog dun satin na walang suot haha." Sabi ko.
"Oo. Ang saya nun. Kaya lang, di na natin pwedeng gawin yun. Di na tayo mga bata."
"Bakit naman?. Besides, tayo lang tao dito."
"A-ay b-basta, ayoko."
"Sayang, kasali pa naman yun sa paraan para mahulog ako."
"Hindi naman love yan Diana, lust tsk. Kailangan mong mainlove sakin."
"Okay. I'm trying naman eh. Lesson number 25, Gaze into each other's eyes. Research has shown that deep, sustained eye contact can go a long way toward establishing intimate feelings between two people. Eye contact alone may not make you fall in love with someone, but it is certainly a piece of the puzzle. If you want to grow closer with someone, suggest that you try to look into each other's eyes for four minutes straight." I explained staring at her intently. Sana naman mag-work to.
"Alam mo, pag ganito naman ginagawa mo sakin lumalala ang nararamdaman ko sayo."
"Wag kang mag-alala, mawawala din naman yan eh. Promise, in the process na yung feelings ko. Uhm--okay, maybe. Pero nakikita ko na, dun papunta yun."
"Hindi ka na kasi dapat nadadamay dito eh--"
"Franki, okay lang. Mas malakas parin ang most powerful pronoun. Kaya kakayanin natin yan." I said hugging her.
Nang nagtanghali na, magkasama kaming naghanap ng panggatong. Okay lang sana pero bigla akong nahulog sa isang butas. Hindi naman masyadong malalim. Mga bandang leeg ko lang.
"Ano bayan, nauna ka pang nahulog dyan kaysa sakin." Pabiro nyang sabi sa akin.
"Pwede ba tulungan mo nalang ako dito?."
"Oo na, eto na. Hinihila ka na nga diba?." Pero nang napalakas ang hila nya, napadagan tuloy ako sa kanya. Nagka tinginan kami.
Looking down at her eyes, nose and those soft lips. Gosh, I think this is really working. Pero what if this is lust lang pala?.
Hindi. Magseryoso ka nga Diana. Dapat mahulog ang loob, hindi katawan. Bumangon nako dahil pakiramdam ko ay nahihirapan na rin si Franki.
I offered her my hand para tulungan syang tumayo.
"S-sorry." Sabi ko lang.
"Okay lang. Kailangan pa natin ng marami pang panggatong. Kaya mo pa ba?. Hindi ka ba nasaktan?." Gusto ko tong nag-aalala sya sakin. Feel ko may nabubuhay nang butterfly sa tummy ko. Atleast may konti na.
"T-thank you Franki, kaya ko pa naman. Hindi naman ako nagkasugat eh."
"Basta sa susunod kasi, mag-iingat ka ha." Hawak nya sa kamay ko. Ang lambot parin ng kamay niya.
"Okay Franki. Mag-iingat na."
"Good." She said smiling. I don't know if it's just me or the lighting because she's extra pretty when she does that.
BINABASA MO ANG
JUST ONE SOBER (frankiana)
FanfictionIt is when you fall in love with someone that it felt like you signed up for a suicidal relationship but you can't let go of what you have even if it's so toxic because you still have one reason to keep holding on, and it is loving someone for the r...