Chapter 13: Rome

829 29 2
                                    

Psyche POV

From Mexico to Rome Italy, nag take kami ng flight papunta sa Rome kung saan daw gaganapin ang shooting ni Sharia. Base kay Amira, tinawagan niya si Sharia at sinabi nito sa kanya kung nasaan sila ngayun.

"Psyche, tara na." Tumingin ako kay Amira na tinawag ako.

Tumayo ako mula sa pagkaka upo ko saka nag lakad papasok sa kotse. Pupuntahan na namin ang set kung saanag sho-shooting si Sharia.

Si Lukas at Kuya lang ang kasama namin ni Amira papunta sa Set. Sila Jorgie at ang mag asawa naman ay nag paiwan muna sa Hotel kung saan kami pansamantalang tutuloy.

Kinakabahan ako at nasasabik na makita si Matthew. Sobrang tagal na panahon ko na siyang hinahanap at halos pinag lalaruan na kami ng tadhana.

"Psyche." Tumingin ako kay Amira na tinawag ako.

"Malapit sa may Vatican Church ang shooting nila Sharia, hindi nya alam ang plano natin so please mag iingat ka." Sabi niya. Tumango ako.

"Tha plan is, I'm going to talk to Sharia habang free time pa then I'm going to ask her kung nasan ang Boyfriend niya at kung pwedeng ilibre ko ang boyfriend niya ng coffee. I know Sharia, hindi siya basta basta mag seselos." Sabi ni Amira. Tumango tango ako.

"Amira thank you very much." Sabi ni Lukas.

"You're welcome." Sagot ni Amira. After how many minutes ay nakarating na kami sa set at nakita ko kung gaano ka secured ang lugar.

"Psyche you stay here muna. I'm going to Sharia gaya ng plano." Sabi ni Amira at lumabas ng kotse. Bago siya umalis ay sumilip siya sa bintana na naka bukas.

"I'm going to text you kung anong result." Sabi niya. Tumango tango ako at ngumiti. Pinanuod kong mag lakad si Amira papunta sa Set. Nakita ko pa kung paano siya harangan ng sa tingin ko ay isang bodyguard bago sinamahan siya papasok sa isang tent.

This is it. I'm going to make sure na makikita ko na si Matthew, ayoko na. Sawa na akong pag laruan ng tadhana. Nakakapagod na makipag laro kay tadhana.

Yung tipong ang lapit lapit nyo lang sa isa't isa pero di pa nag cross ang landas niyo.

Mula dito sa loob ng kotse tanaw ko ang magandang instraktura ng Vatican Church. Tanda ko pa ang sinabi ni Matthew, papakasalan niya ako kahit saang simbahan. Hanggang sa maisipan namin ang Vatican Church.

Tahimik lang sa loob ng kotse hanggang sa tumunog ang phone ko dahilan para mapalingon sa akin sila Kuya at Lukas, tinignan ko iyon at text yun mula kay Amira.

Kinakabahan kong binuksan amg message at binasa.

From: Amira

Hey, Psyche. Matthew is not here, Sharia said na nag libot daw si Matthew and she didn't know kung saang banda dito sa lugar na ito nag libot si Matthew. I'm sorry.

Agad kong binaba ang phone ko at binuksan ang pinto mg kotse.

"Lil sis saan ka pupunta?" Tanong ni kuya pero hindi ko siya pinansin. Nag lakad ako patawid sa kalsada at saka hinalughog ang flowers shop na katapat lamang nito.

Ng makitang wala doon si Matthew ay sunod kung pinuntahan ang Coffee shop, ang bilihan ng Damit, jewelry store, park na malapit dito hanggang sa mapadpad ako sa harap ng Vatican Church.

Nang hihina akong nag lakad papunta sa loob ng Vatican Church, agad na tumulo ang luha ko ng makita ko ang harapan ng Vatican Church. Talaga namang napaka ganda nito kaya dito napili ni Matthew na mag pakasal.

But paano namin magagawa yun kung wala siya? Kung nawawala siya? Kung patuloy ang pakikipag laro sa amin ng tadhana?

Nang hihina akong napa upo sa harap mismo ng Pinto ng Vatican Church at doon napa hagulgol ng iyak.

Wala akong paki alam kung pagtinginan na ako ng ilang mga taong naririto. Ang nais ko lang ay mailabas lahat ng sama ng loob ko.

Bakit ganon? Ayus naman na ang lahat eh. Ayus naman na ang lahat kung hindi lang dumating ang baliw kung Ex at nilayo ako kay Matthew.
Ayus naman na ang lahat eh pero bakit pakiramdam ko ako ang pinaka malas na tao sa buong mundo.

Una, iniwan ako ng magulang ko.
Pangalawa, ng mahanap ko ang mama ko saka naman siya namatay.
Pangatlo, nawalan ako ng amnesia.
Pang apat, bumalik ang Ex ko.
Pang lima, muntik na akong ilayo ng Ex ko kay Matthew.
Pang anim, nangyare yung trahedya na nag plane crush ang eroplanong sinasakyan namin ni Matthew.
Pang pito, nagka hiwalay kami ni Matthew.
Pang walo, pinag lalaruan kami ng tadhana.
Pang syam, pilit kong hinahanap siya pero hindi kami pinag tatagpo.
At pang sampo, sabi ni Neon, may amnesia daw si Matthew.

Bakit ganon?
Wala naman akong ginawang masama eh, ang gusto ko lang naman makita si Matthew at makasama na habang buhay pero bakit pati ang tadhana ay tutol sa aming dalawa?

Naka upo lamang ako sa lapag sa harap ng pinto ng Vatican Church, patuloy sa pag iyak habang iniisip lahat ng iyon. Dama ko ang pag tingin ng mga taong dumadaan dito pero binali wala ko iyon hanggang sa may dalawang pares ng sapatos akong nakita sa harap ko, hindi ko inangat ang tingin ko para tignan ang may ari ng sapatos na iyon.

Inilahad niya ang panyo sa harap ko pero tinignan ko lamang ang panyong iyon.

"I think you have a big problem. " natigilan ako sa boses na narinig ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at naging uncomfortable ang atmosphere ko. Dahan dahan kong ini angat ang paningin ko sa may ari ng sapatos at panyong nasa harap ko hanggang sa makarating ito sa mukha niya.

Nanlaki ang mga mata ko at tila nang hina lalo ang tuhod ko ng makita ko kung sino ang nasa harap ko.

"Take this, you need this." Sabi nya at ngumiti. Lalo akong naiyak ng makita ko ang ngiti niya.

Ang tagal kong hiniling na makita ang ngiti niya, ang tagal kong inasam marinig muli ang boses niya.

Dito lang pala, Sa Vatican Church pag tatagpuin ang landas namin.

"Ma-Matthew..." Tawag ko sa lalaking kaharap ko.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's my FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon