Psyche POV
"Naka locate sa Cavite ang kotse, so paano ka napunta dito?" Tanong ni Jorgie sa akin.
"Nag commute ako, nawalan ng gas eh kaya iniwan ko nalang." Sabi ko at nag patuloy sa pag kain.
"Ano?! Iniwan mo ang Lamborghini ko sa Cavite? Psyche sabihin mong nag bibiro ka lang?" Entra ni kuya na nasa tabi ko. Nilunok ko muna yung pagkain bago mag salita.
"Nag bibiro ako." Sabi ko kaya naman binatukan niya ako ng pagka lakas lakas dahilan para mapa hawak ako sa batok ko.
"Aray!" Angal ko.
"Abnormal ka pala eh! Bat mo iniwan! Alam mo naman na mahal ang--"
"Barya lang yun sayo kuya! Anong gusto mo yung Lamborghini ang mag commute para maka rating dito?" Putol ko sa sasabihin niya.
"Psyche Zanaya Sakura! Anak ka talaga ng nanay mo!" Inis na sabi ni Kuya.
Inirapan ko lang siya."Anong oras nga pala ang flight natin?" Tanong ko at kinuha yung puto.
"Hindi daw muna tuloy." Sabi ni Neon na karga ang isang anak nya. Tumingin ako kay kuya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Kasi nagka tsunami kahapon sa Japan, medyo di pa ayus yung tutuluyan natin eh saktong yun yong natamaan." Sabi ni Jorgie.
"Hoy! Tignan niyo to!" Napa tingin kami kay Jello na papalapit sa akin. Agad niyang binigay ang phone niya sa akin at halos malaglag ang puso ko ng makita ko ang nasa larawan.
Parang nag balik lahat ng sakit sa puso ko.
May IG update si Sharia, kasama nya sa picture si Matthew at ang caption ay bukas na pala ang kasal nila at kung mamalasin ay dito pa sa Pilipinas gaganapin. Akala ko ba naka balik na sila sa California? Anong ginagawa nila ngayun dito? Teka ano bang pake alam ko? Mag sama sila ng hipong hilaw na yun. Mga biwsit.
"Aray!" Nahulog ang phone ni Jello sa plato ko mismo.
"Alam mo Jello, hindi ka lang bobo tanga ka pa." Sabi ni Kuya na binatukan pala si Jello.
"Aray ha masakit!" Angal ni Jello.
"Eh gago ka eh sabi ko diba puputulin na natin ang ugnayan natin ang ugnayan natin sa kanila diba? Kaya nga nakipag Friendship over ako kay Lukas kahapon eh!" Angal ni kuya.
Totoo yun. Kitang kita ko at rinig na rinig ko kung anong mga panlalait ang mga sinabi ni Kuya kay Lukas kaya naman ayun nag walkout si Lukas kasama si Amira.
"Eh bakit ba na engganyo lang ako sa caption nakaka gulat kaya akala ko next month pa ang--"
"JELLO!" sigaw ni Neon kaya napa kamot sa ulo si Jello at kinuha ang phone niya sa plato ko.
"AKYAT SA TAAS!" sigaw ni Neon. Inirapan siya ni Jello at padabog na umakyat papunta sa hagdan na para bang bata.
Natahimik ako. Bukas na pala ang kasal nila? Teka ano nga ba ang aasahan ko?
"Psyche." Nilingon ko si Kuya na hinihimas ang kanyang nuo.
"A-ayus ka lang ba?" Tanong ni kuya. Ngumiti lang ako ng pilit saka tumango.
"Psyche pasensya na sa abnormal kong asawa ha." Sabi ni Neon. "Lagot sakin yan mamaya." Sabi ni Neon at iiling iling.
*dingdong
Napatingin kami sa isa't isa ng may mag doorbell. Akmang tatayo na ako ng naunahan ako ni Jorgie.
"Ako na." Sabi niya at nag punta sa pinto. Pinag patuloy ko nalang ang pagkain ko.
"Ano yan?" Tumingin ako kay Jorgie na papabalik na sa gawi namin.
"I don't know." Sagot niya at binuksan yung sobre na nakuha niya.
"Invitation." Sabi niya kaya napa tigil ako. Kinabahan agad ako at napa tingin silang lahat sa akin.
"Patingin nga." Sabi ni Kuya at tumayo sa inuupuan niya saka lumapit kay Jorgie. Tinignan niya yung hawak ni Jorgie at napa mura.
"Eh tangina pala nila eh!" Napa tayo ako sa inuupuan ko saka nilapitan si kuya na akmang pupunitin yung Invitation daw sabi ni Jorgie. Kinuha ko yun kay kuya at binasa.
You're Invited to celebrate the wedding of Vermone Agustine and Sharia Ashley. November 29 201* 10:45 AM ---
Hindi ko na nabasa pa ang mga susunod pang naka sulat sa Invitation dahil may umagaw non sa akin at nilayo. Naramdaman ko na lamang na tumulo ang mga luha ko ng yakapin ako ni kuya.
"Wag mo nang isipin yun lil sis." Sabi ni Kuya habang yakap ako.
"Walang pupunta doon, hindi tayo pupunta don." Sabi niya at kumalas sa yakap saka pinunasan ang mga luha ko.
"Shhh stop crying. Aalis tayo bukas. Kung hindi pwede sa Japan, sa Taiwan tayo pupunta." Sabi niya at tinignan ako sa mga mata ko.
"Mailayo lang kita sa gagong Matthew na yun." Sabi niya at niyakap ako.
"Tama na... Tama na Lil sis nahihirapan din ang kuya pogi mo."
Matthew POV
Tahimik akong naka tingin sa bintana habang pinapanuod na lumubog ang araw.
Nandito kami ngayun ni Sharia sa isang Hotel dito sa Pilipinas. Hindi natuloy ang pag punta namin sa California dahil nagka aberya ang eroplanong dala niya. So instead na umuwi ay nag plano si Sharia na dito nalang daw kami ikasal tutal ay Filipino naman daw ako. Nong una umayaw ako dahil ayoko talaga pero wala akong nagawa dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Gusto kong puntahan si Psyche at sumama nalang sa kanya kaso 24/7 naka bantay sa akin si Sharia.
Siya din mismo ang nag ayus ng weeding namin and with just one click ayus na ang lahat.Buong magdamag ay nandito lang ako sa hotel room ko. Ayokong lumabas dahil wala ako sa mood ko.
"Vermone, everything is under control now. Our weeding tomorrow is going to be perfect." Sabi ni Sharia na nasa likod ko pala.
"I'm excited cuz I'm going to be Mrs Agustine tomorrow. And by the way i send invitation to Psyche." Napa lingon ako kay Sharia ng sabihin niya yun naka ngiti siya.
"After all she's still my friend." Sabi niya at niyakap ako.
"Are you excited?" Tanong niya.
"Yes." Sagot ko nalang at binalik ang paningin sa bintana.
Can somebody help me?
Ayoko na. Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko.~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
He's my Fiance
Action|Complete| Bodyguard series She's my Bodyguard Book 1 She's my Girlfriend Book 2 He's my Fiance Book 3 Wherever you are, i will find you till the day we met again. i love you Matthew. Date finished: October 6 2019