Chapter 18: Angry

929 29 3
                                    

Psyche POV

Nasa eroplano na kami pabalik sa Pilipinas. Naka tingin ako ngayun kay Matthew na wala paring malay, naka upo siya sa tabi ko at naka sandal ang ulo sa bintana ng eroplano.

Iniisip ko kung ano ang magiging reaction niya pag nalaman nyang kinidnap namin siya.

Pero isinantabi ko muna ang pag iisip na iyon dahil ang mahalaga ay nasa tabi ko siya at muli kung makaka sama.

"Saan tayo tutuloy pag dating sa Pilipinas?" Tanong ni Lukas sa akin. Hindi ko siya sinagot. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta pag lumapag na ang eroplano na sinasakyan namin sa airport.

"May rest house ako sa Palawan. Doon muna tayo." Sabi ni kuya.

"But i think hahanapin tayo ni Sharia." Sabi ni Jorgie.
"Its better if we go to a place na hindi masyadong gumagamit ng gadgets and not over polluted." Dagdag niya at hinarap ang laptop sa amin.

"This is Le Villa Isla. A private isla of my friend. Pwede tayo doon mag stay kasi wala pang mga taong dumadayo don at isa pa private place yun." Sabi niya at tinaas ang phone na hawak niya.

"What do you think guys? I'm going to call my friend na para deretso na tayo." Sabi niya.

"Okay game." Sabi ni Jello at inakbayan si Neon.

"Makakapag swimming nanaman kami ng asawa ko." Sabi ni Jello at hinalikan pa si Neon sa pisngi. Napa tingin ako kay Matthew.

"Sana all." Sabi nalang ni Jorgie at iiling iling.

"May naiinggit guys." Sabi ni Kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin ng tumingin silang lahat sa akin.

"Arggh." Napa tingin ulit  ako kay Matthew ng marinig ko ang pag daing niya.
Gising na siya.

"Matthew... Ayus ka lang ba?" Tanong ko. Bahagya siyang natigilan ng marinig ang boses ko. Napa dungaw siya sa bintana ng eroplano bago ibalik sa akin ang tingin.

"Asan ako? Anong ginawa mo sa akin?" Tanong niya habang nanlalaki ang mga mata.

"Matthew calm--"

"Answer me!" Sigaw niya kaya napa lunok ako.

"K-kinidnap kita." Utal na sabi ko at tinignan ang expression niya. Natigilan siya at tumingin sa mga kasama ko. Naka tingin din sila kay Matthew at pinag aaralan ang kilos nito.

"You... Kidnapped me?" Tanong ni Matthew at tumingin sa akin.

"Matthew... Wala na kasi akong makitang paraan para mabawi ka. From the very first place akin-"

"From the very first place sinabi ko nang hindi ako ang lalaking hinahanap niyo." Sabi niya at tumingin sa akin na may galit sa mga mata.

"But yet you do this. You kidnapped me just because you think that I am Matthew? You think that i am you're fiancé." Sabi niya at iiling iling.

"I can't believed this." Sabi niya.

"Matthew makinig ka muna--"

"No i wont! I already tell you diba? I'm Vermone, my name is  Vermone not Matthew!"

"IKAW SI MATTHEW! IKAW IKAW IKAW!" Biglang sigaw ni Lukas kaya napa tingin si Matthew sa kanya.

"May amnesia ka kaya hindi mo kami maalala! Ako! Ako ang kuya mo! At siya, siya ang Fiance mo! Kami ang pamilya mo! Kami ang kaibigan mo! But ang mas pinaniniwalaan mo ay yung Sharia na yun?!" Sigaw ni Lukas. Natahimik ang buong eroplano ng dahil sa sigaw ni Lukas.

"Ilang Taon ka namin hinanap Matthew." By that, tumulo ang luha ko sa sinabi ni Lukas.

"Siya, halos talikuran nya na ang mundo para lang hanapin ka pero ano? Mas pinipili mo ang Sharia na yun?" Sabi ni Lukas. Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa aking mga mata saka buong tapang na hinarap si Matthew.

"Tama na." Sabi ko kaya napa tingin siya sa akin..

Hinawakan ko ang kamay niya pero inilayo niya lang iyon sa akin.

"Hindi kita pipilitin na maalala ako." Sabi ko at muling tumulo ang luha ko. "Pero pwede bang himingi ng pabor? Promise last na to." Sabi ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Pag katapos nito hahayaan na kita sa gusto mo." Sabi ko at tinignan siya ng seryoso.

Huminga ako ng malalim.

"Sumama ka sa akin please... Kahit dalawang linggo lang sapat na sakin na makasama ka. Hayaan mo lang na iparamdam ko sayo na mahal kita." Sabi ko at muli nanamang tumulo ang luha ko.

"Kahit yun lang Vermone promise last na yan. Pag katapos ng dalawang lingo ibabalik na kita kay Sharia." Sabi ko ng puno ng pag mamakaawa.

"Please..." Sabi ko. Nakita ko ang unti unting panlalambot ni Matthew. Umiwas siya ng tingin at di sumagot. Naka tingin lang siya sa bintana ng eroplano.

"Fuck!" Sigaw ni Lukas na tumayo at naiinis na iniwan kami.

"After this shit, bring me back to Sharia." Malamig na sabi ni Matthew sapat para mapa ngiti ako.

Tumango tango ako.

"I will." Sabi ko nalang at pinahid ang mga luha ko.

Sa isip isip ko ay naiimagine ko na ang kakalabasan ng aking ginawa. Ang sakit, sobra. Kung pwede lang ihampas yung ulo ni Matthew ng malakas para maalala niya ulit ako gagawin ko.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

He's my FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon