Chapter 21: Hug

907 25 1
                                    

Matthew POV

"Tapos ayun nalaman ko na naging cold ang treatment mo sa akin kasi nalaman mo na nanay ko yung ka meeting mo at medyo mag kaaway ata kayo non." Kwento ni Psyche habang nag lalakad kami dito sa gilid ng pampang.

Kanina pa kami mag kasama at walang hinto sa kakakwento ang bibig niya. I don't know but I'm interested sa mga sinasabi niya.

There's a part of me na nag sasabing kailangan kong makinig kay Psyche but also there's a part of me na naririndi dahil sa boses niya.

Humarap siya sa akin dahilan para maharangan ang dadaanan ko. Tinignan ko sya sa mata. That eyes, sobrang familiar ng mga matang yan but i don't know bakit ganito ang pakiramdam ko?

"Matthew." Tawag niya at nakita ko ang pag hinga niya ng malalim.
Nakita ko kung pano tumulo ang luha niya kahit naka yuko siya.

Why is she crying?

"Alalahanin mo na kasi ako..." Biglang tumaas ang balahibo ko sa sinabi nya. "Sobrang miss na kita." Dagdag nya habang naka yuko.

Biglang nanlambot ang tuhod ko, bigla ding may kung anong ewan ang naramdaman ko. Theres a pain inside of my chest, what the hell is happening to me?

Bakit ayokong makita siyang umiiyak? Bakit ayokong makita siyang nalulungkot?

Inangat niya ang ulo niya at pinunasan ang luha niya. Humarap siya sa dalampasigan at ngumiti ng pilit.

"I will never stop loving you even it is hurt." Sabi niya at tumingin sa akin.
" i know someday you will remember me again, and i can't wait for it." Sabi niya at ngumiti.

"Tara na... Mag pahinga ka na." Sabi niya at tumalikod sa akin. Hindi ko alam pero may kung anong pwersa ang nag tulak sa akin para hatakin siya pabalik sa akin at yakapin siya.

*dug dug
*dug dug
*dug dug

Ang puso ko... Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko?

"M-matthew.." Napa pikit ako ng marinig ko ang gulat niyang boses. Hinigpitan ko ang pagkaka yakap aa kanya, naramdaman ko ang pag hikbi niya.

"Bakit ba lagi ka nalang umiiyak?" Tanong ko. Hindi siya sumagot.

"Dahil ba sa akin kaya ka umiiyak?" Tanong ko.

"Masaya lang ako." Sabi niya, hindi parin ako kumakalas sa pagkakayakap, nanatili parin akong naka yakap sa kanya habang sya ay nakayakap din sa akin.

"Sa loob ng mahabang panahon ngayun ko lang ulit naramdaman ang mga bisig mong nakayakap sa akin." Sabi niya.

"Ang tagal kong hinanap ka... Ang tagal kong nag hintay sayo..." Tahimik akong nakikinig sa kanya.

"At ngayun sa wakas nakita din kita, nag papasalamat ako na buhay ka na ayus ka lang. Kahit may amnesia ka okay lang basta buhay ka.... Kasi alam ko naman na babalik din ang mga ala-ala mo."umiiyak na sabi niya.

"Mahal na mahal kita noon pa man at ngayun hindi nag babago yun." Dagdag niya, hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa mga sinasabi niya.

Sa gitna ng pagkakayakap ko sa kanya ay bigla na lamang lumitaw ang ilang emahe sa isip ko.

Ohhhhh ohhhhhh ohhhhhh ohhhhhhh

Nag simula akong kumanta  dahilan para magulat ang isang babae na naka tayo sa harap ko.

Oh, her eyes, her eyes
Make the stars look like they're not shinin'
Her hair, her hair
Falls perfectly without her trying
She's so beautiful
And I tell her everyday
Yeah

He's my FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon