Psyche POV
"Hay nakakainis." Napa tingin ako kay Jello na umupo sa tapat ko habang naka busangot.
"Oh ang aga aga naka busangot ka? Kaya ka di binibigyan ng sariling story eh."pang aasar ni Jorgie kaya natawa kami.
"Kasi naman si Neon kung makapag reklamo na puyat na daw siya kakabantay ng anak namin eh parang kasalanan ko pa, kung totousin siya ang may kasalanan aanak anak siya tapos ako sisisihin niya." Inis na sabi ni Jello na agad namang binatukan ni kuya Inigo.
"Sino ba kasi kalabit ng kalabit sa gabi pag mag katabi kayo? Diba ikaw?"natatawang tanong ni Kuya Inigo.
"Pero di ko kasalanan kung kambal anak namin nakaka--"
"Aanak anak kayo tapos mag rereklamo kayo dapat from the very first place naisipan niyo ng gumamit ng condom para di kayo nakagawa."singit ko kaya napa tingin sila sa akin.
"Manahimik ka nga Psyche, palibhasa ahhh aray!" Napatingin ako kay Jello na hawak hawak ang kabilang paa.
"Alam mo Jello manahimik ka nalang baka ihagis kita palabas ng eroplano." Sabi ni kuya Inigo at tumingin sa akin.
"Tama naman kasiso Psyche aanak anak kayo eh panindigan niyo." Sabi ni kuya Inigo at sumandal sa upuan niya.
"Hayst kayong mag kapatid ang sarap niyong ihulog sa eroplano nakaka bwisit kayo, imbis na damayan niyo ko eh inaasar niyo pa ako." Inirapan kami ni Jello kaya natawa kami.
"Alam mo kasi Jello may problema din kasi kami kaya bat ka namin dadamayan kung mas malaki pa sa utak mo ang problema namin?" Sabi ni Kuya Inigo kaya natawa ako.
"Guys paano ba mag comfort ng babae?"tanong ni Jorgie na naka tingin ngayun sa phone nya.
"Dalhin mo sa comfort room." Sagot ni Jello at kumagat ng cheese stick.
"Potah."
"JELLO!" natawa kami ng biglang napatayo si Jello at dali daling nag punta kay Neon.
"Ang lalaking yun puro kalokohan ang laman ng utak." Sabi ni Jorgie habang iiling iling.
"Wala namang utak yun." Sabi ni Kuya Inigo kaya nagtawanan kami. Saglit akong napa tigil sa pag tawa at napa tingin sa bintana ng eroplano.
October 31, happy birthday sa atin Matthew. Papunta na ako sa Canada para doon icelebrate ang birthday nating dalawa. Kasama ko sila Kuya,Jorgie at yung mag asawa na parang aso't pusa.
Ikaw ba? Di ka ba pupunta sa Canada?"Hoy Psyche." Tumingin ako kay Jorgie na seryoso na ang awra.
"Oh?"
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAYYYYY HAPPY NA BIRTHDAY PA!!" Kanta nila ni Kuya Inigo kaya natawa ako.
"Ayan tumawa din." Sabi ni Jorgie at napa ngiti.
"ang pangit mo na nga lil sis mag dradrama ka pa." Natatawang sabi ni kuya kaya natawa ako.
"May naalala lang kasi ako." Sabi ko.
"Wag mo nga muna alalahanin yang kung ano man yan, dapat mag saya tayo kasi kaarawan mo today." Sabi ni Jorgie at nag labas ng phone saka iniangat sa ere.
"Selfie!" sabi niya kaya nag pose kami at natawa ng biglang sumingit si Jello.
"JELLO! BUMALIK KA DITO!" Sigaw ni Neon kaya natawa kami ng parang isang maamong tuta na bumalik si Jello sa asawa niya.
Matthew, ang saya namin pero mas masaya pag nandito ka.
"Lalapag na yung eroplano." Sabi ni Jorgie na ngayun ay naka tingin sa bintana.
"Welcome to Canada mwahaha."singit ni kuya Inigo at nag selfie mag isa.
Napa iling iling nalang ako at tumingin sa bintana, nakita kong may isang eroplanong kasabay namin ang papalapag na din sa airport.
Someone's POV
Nag signal na ang flight stewardess na pababa na ang eroplanong sinasakyan namin sa airport ng Canada.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa bintana at nakita ang isang eroplanong kasabay namin sa pag landing sa airport.
"Babe, are you ready?" Nabaling ang paningin ko sa kasama ko at ngumiti ng pilit.
"Super ready." Sabi ko. Nakita ko ang ngiti sa kanyang labi at hinalikan ako sa pisngi.
Ilang minuto pa ay nag simula ng mag si babaan ang mga tao sa eroplanong sinasakyan namin. Bumaba na din kami ni Sharia, agad kong naramdaman ang simoy ng hangin dito sa Canada pagkababa na pagkababa namin. Napa tingin ako sa kaliwang bahagi ko kung saan nag bukas na ang pinto ng eroplanong kasabay namin sa pag landing kanina, bumaba ang isang lalaking may dalang sanggol kasunod ang isang babaeng may hawak ding sanggol.
"Babe lets go." Hinatak na ako ni Sharia. Habang hila hila ang mga bag namin ay pinag mamasdan ko ang buong airport ng Canada.
"My Mom will fetch us here so we need to wait for her."sabi ni Sharia pagpasok namin sa loob ng airport.
nag lakad kami papunta sa passengers waiting area at saktong wala pa don ang mommy ni Sharia.
"Babe I'm going to the comfort room wait me here okay? Don't leave here." Sabi niya at tinalikuran ako. Nilabas ko ang phone ko at pinindot ang apps na camera saktong nasa back camera iyon. Napa tingin ako sa phone ko ng may isang babaeng Naka suot ng Black leather jacket at white Pantaloon. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko alam na kadahilanan habang naka tingin sa babaeng iyon.
Akmang mag lalakad na ako palapit sa kanya ng bigla siyang maglakad palayo sa akin at may humawak sa kanyang brasong isang lalaki.
"Babe let's go." Tumingin ako kay Sharia na kakarating lang at humawak sa braso ko.
Muli kong ibinalik ang paningin ko sa babae pero wala na siya doon.
She looks familiar.
~~~Tweet me @redious_In
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
He's my Fiance
Action|Complete| Bodyguard series She's my Bodyguard Book 1 She's my Girlfriend Book 2 He's my Fiance Book 3 Wherever you are, i will find you till the day we met again. i love you Matthew. Date finished: October 6 2019