Psyche POV
Agad naming sinugod si Matthew sa isang malapit na hospital. At ngayun ay naririto ako sa tabi ng hospital bed ni Matthew na wala paring malay.
Sila Lukas at kuya ay umuwi muna sa bahay.
Naka tingin lang ako kay Matthew. Hindi ko parin lubos akalain na makakasama ko na siya ngayun. Na nasa harapan ko na siya matapos ang napaka habang panahon ng pag hahanap ko.
Ayun sa doctor na sumuri sa kanya kanina ay may amnesia siya. Marahil daw ay nakuha niya iyon mula sa aksedenteng naganap noon.
Natawa ako sa isip ko, naalala ko kasi yung Matthew noon na mala Mt Everest ang taas ng kilay nong unang nag kakilala kami. Yung Matthew na obsess sa Baby Shark. At yung Matthew na suplado na may pagka isip bata. May amnesia din siya noon.
Unti unting tumulo ang luha ko habang naka tingin sa mukha ni Matthew na payapang natutulog.
Kailan kaya namin makakamit ang happy ending namin?
Ang dami naming napag daanan. Hanggang ngayun wala parin kaming Happy ending.Iniisip ko tuloy kung kami pa ba ang para sa isa't isa o hindi na?
"Ahh." Napa tingin ako kay Matthew na naka pikit parin ang mata.
"Psyche...." Bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin niya ang pangalan ko. Napa hawak ako sa kaliwang kamay niya habang naka tingin sa kanya.
"Psyche tama na..." Gumalaw ang ulo niya na para bang masama ang panaginip niya.
"Matthew... Matthew nandito--"
"Psyche ano ba?!" Bigla siyang napa upo at gulat na gulat na hinawakan ang dibdib niya.
Kitang kita ko ang takot sa mukha nya hanggang sa tumingin siya sa akin. Nanlaki ang mga mata nya na para bang naka kita ng multo.
"S-sino ka?" Ang pinaka masakit na tanong na narinig ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at pinilit na magpaka tatag habang nasa harap niya.
"Matthew ako to... Si Psyche." Sabi ko habang naka tingin sa kanya. Kumunot ang nuo niya at parang may inaalala na hindi niya maalala.
"Imposible..." Bulong niya.
Hinawakan ko ang kamay niya pero inilayo nya iyon kaagad sa akin na para bang diring diri siya na hawakan ko iyon.
Ang sakit sobra.
Akala ko pag gising nya maaalala niya na ako pero.... Hindi pa pala.
"Lumayo ka saakin." Sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Bakas sa kanyang mga mata ang takot at galit.
"Layo!" Biglang sigaw niya.
Tumayo ako at napakagat labi. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Matthew at niluwa non si Neon at Jello.
"May multo!" Sigaw ni Jello ng makita si Matthew. Agad siyang binatukan ni Neon.
"Si Matthew yan tanga!" Sabi ni Neon at tumingin kay Matthew.
"Kumusta?" Tanong ni Neon kay Matthew na ngayun ay naguguluhan sa dalawa.
"Paanong nabuhay ka?" Biglang tanong ni Jello kay Matthew.
"Nasa gitna kayo ng dagat, hindi ka kinain ng pating?" Muling binatukan ni Neon ang asawa niya.
"Alam mo yang mga tanong mo parang ikaw. Walang kwenta." Sabi ni Neon at inirapan si Jello.
"Nag tataka lang kasi ako paanong nagka hiwalay sila Matthew at Psyche sa --"
"S-sino ba kayo?" Natahimik ang buong kwarto sa tanong ni Matthew. Tumingin si Neon sa akin na parang nag aalala. Ngumiti lang ako ng Pilit saka umupo sa gilid.
Naka nganga si Jello habang naka tingin kay Matthew.
"L-lahat kayo tinatawag akong Matthew... Vermone ang pangalan ko." Sabi ni Matthew. Biglang tumulo ang luha ko, pinunasan ko agad iyon saka tumingin kay Matthew.
"Gago ka ba?" Biglang tanong ni Jello kay Matthew.
"Kailan ka pa nag pabago ng pangalan mo? Eh Matthew naka lagay sa birth certificate mo." Sabi ni Jello.
"Ang sabi sa akin ni Sharia.... Vermone ang pangalan ko...."
"Wala kang maalala?" Tanong ni Jello kaya napa tampal si Neon sa nuo niya.
"M-may dapat ba akong maalala?" Parang pinunit ang puso ko sa sinabi ni Matthew. Sabay na tumingin sa akin ang mag asawa kaya napa tingin din sa akin si Matthew. Ng mag tama ang paningin naming dalawa ay biglang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"B-bakit ka ba umiiyak?" Tanong ni Matthew sa akin. Umiling lang ako at ngumiti ng pilit.
"Hindi mo maalala si Psyche?" Tanong ni Jello kay Matthew. Tumingin si Matthew kay Jello.
"D-dapat ko ba siyang maalala?" Muling natahimik ang buong kwarto ni Matthew. Bigla akong napa hikbi sa sinabi niya.
"Alam niyo kung nagpakamatay nalang kayong dalawa eh di sana masaya na kayo kung saang lupalop 'man kayo ng impyerno mapupunta." Sabi ni Jello at umiling.
"Ang gulo ng storya niyo grabe. Unang pag kikita niyo palang may Amnesia pala si Matthew tapos non si Psyche naman sumunod na nagka amnesia tapos si Matthew ulit. Anong sunod? Si Psyche ulit?" Tanong ni Jello at umupo sa tabi ko.
"Buti nalang talaga mabait akong nilalang--"
"Manahimik ka na nga Jello." Sabi Neon at hinarap si Matthew.
"May amnesia ka." Sabi ni Neon kay Matthew na kumunot naman ang nuo.
"A-ano?"
"Gusto mo bang ipaliwanag ko pa sayo kung ano ang definition ng Amnesia?" Tanong ni Jello kay Matthew.
"Jello!" Inis na sabi ni Neon. Inirapan lang siya ni Jello at nahiga sa sofa kung saan kami naka upo.
"Hoy Psyche. Itapon mo nga ulit yan sa dagat kung saan kayo nagka hiwalay baka sakaling bumalik yung ala-ala." Sabi ni Jello. Inirapan ko lang siya saka tumingin kay Neon na kinakausap si Matthew.
"Masakit?" Tanong ni Jello sa akin. Binalik ko ang tingin kay Jello at muling umagos ang luha ko.
"Sobra." Sagot ko.
"Oh walang iyakan. Tangina naman oh, nakaka iyak na ba ang tanong na yun?" Iiling iling na sabi ni Jello at lumapit sa akin saka bumulong.
"Mahal mo?" Tanong ni Jello.
"Sobra." Sagot ko.
"Oh eh di ipag laban mo karapatan mo. Ikaw ang unang fiance kaya dapat lumaban ka. Sabi nga nila. 'First come first served.' " sabi niya at tinapik ang balikat ko.
"Balita ko kasi may ibang kinikilalang Fiance itong si Matthew." Sabi niya at tumingin kila Neon at Matthew na nag uusap ng seryoso.
"Pilyo akong tao pero pag dating sa problema ng kaibigan ko seryoso ako. " sabi niya at tumingin sa akin.
"Ang ala-ala pwede pa namang palitan pero pwede ding ibalik. Kaya habang may oras pa... Gumawa ka na ng paraan para maalala ka niya." Sabi ni Jello at huminga ng malalim.
"Balita ko kase ikakasal na si Matthew don sa Sharia next next month." Kumirot ang puso ko sa sinabi niya.
"Kaya kung ako sayo. Kidnapin mo na si Matthew at iuwi mo na sa Pilipinas bago pa sila ikasal." Bulong niya dahilan para mapa tingin ako kay Matthew na naka tingin sa akin habang kinakausap ni Neon.
"Ang tagal mo siyang hinanap diba? Ngayung nakita mo na siya ngayun ka pa ba susuko? Aba napaka weak mo naman." Sabi ni Jello at ngumiti saka tumayo.
"Sabihin mo lang sakin pag G ka na." Sabi ni Jello at nag lakad palapit sa pinto ng kwarto ni Matthew.
"Neon tatae lang ako. Sumunod ka nalang sa CR para hugasan ang pwet ko." Sabi ni Jello at nag flying kiss pa kay Neon na masama ang tingin sa kanya saka tatawa tawang lumabas ng kwarto ni Matthew.
Tama si Jello.
Ako ang nauna kaya dapat ipag laban ko ang karapatan ko bilang first fiance ni Matthew.~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
He's my Fiance
Action|Complete| Bodyguard series She's my Bodyguard Book 1 She's my Girlfriend Book 2 He's my Fiance Book 3 Wherever you are, i will find you till the day we met again. i love you Matthew. Date finished: October 6 2019