Neon POV
"Nasaan siya?" Tanong ko kila Amira at Lukas.
"I can't locate the car." Sagot ni Jorgie na sinusubukang i locate ang kotse ni Inigo na hiniram ni Psyche.
Pasaway talaga ang babaeng yun. Ano bang pumapasok sa isip niya at bigla bigla nalang siyang mawawala ng isang araw?
Yes. Isang araw ng nawawala si Psyche at hindi namin alam kung nasaan siya.
"Gotcha!" Biglang sigaw ni Jorgie.
"Pinatay ni Psyche yung tracker pero binuksan ko ulit yun dahil sa henyo ako nagawa ko na siyang I-track." Sabi niya at humarap sa amin.
"Guys. Kunin niyo na ang susi ng kotse ni Lukas at pupunta tayo ng Cavite." Sabi niya.
"What? Anong ginagawa niya don?"tanong ni Amira.
" hacker lang ako pero hindi ako manghuhula para malaman kung anong ginagawa niya. As what i say kunin na ang susi dahil mahaba habang byahe ang gagawin natin."sabi ni Jorgie.
"Jello boy ano na?" Tanong nya sa asawa ko na kumakain lang. Josmio wala talagang dulot kahit kailan.
"Tara na. Pupuntahan natin si Psyche." Sabi ni Inigo at hahawakan na sana ang doorknob ng bigla yong mag bukas at niluwa non si Psyche na bigla nalang nawalan ng malay.
"Josmio!" Agad akong napapunta sa gawi ni Psyche at tinulungan sya.
"May lagnat siya." Sabi ni Jorgie na kinapa ang leeg at ang nuo ni Psyche.
"Tara dalhin natin sa hospital." Sabi ni Lukas at lumabas sa pinto.
Kinarga ni Inigo si Psyche papunta sa kotse.
Nilingon ko si Jello."Bantayan mo yung kambal." Sabi ko at akmang mag lalakad na pasunod sa kanila ng mag reklamo siya.
"Ano? Ako nanaman? Diba duty mo ngayun? Ano ako nalang--"
"Pag balik ko may premyo ka." Sabi ko at tinignan siya. Bigla siyang ngumisi at sumaludo sa akin.
"Aye aye captain." Sabi niya kaya inirapan ko siya at sumunod na sa kanila.
******
Dinala namin si Psyche sa isang pinaka malapit na hospital. Ang sabi ng doctor overfatigue at na stress si Psyche. Kasabay non ang pag kakaruon niya ng lagnat kaya naman binigyan sya ng reseta na kailangan niyang inumin pag gising nya.
"So what's the plan?" Tanong ni Lukas. Tinignan ko lang sila.
"Iuuwi ko si Psyche sa Japan." Sagot ni Inigo at umupo sa tabi ng kapatid niya.
"Masyado na syang na stress at nasaktan. Panahon na para mag move on siya at magkaruon ng peaceful sa isipan niya." Dagdag nya kaya natahimik kami.
Tumingin sya kay Lukas.
"To be honest galit ako sa kapatid mo after what he did to my princess. Minahal lang ng kapatid ko ang kapatid mo pero bakit kailangang umabot sa puntong mangyayare to?" Sabi ni Inigo at huminga ng malalim.
"Ako na ang hihingi ng dispensa para sa kapatid ko." Naka yukong sabi ni Lukas. Hindi umimik si Inigo. Nagkaruon ng mahabang katahimikan sa kwarto ni Psyche.
"I think magiging meserable ang buhay ni Psyche pag gising nya." Biglang basag ni Amira sa katahimikan.
"Sa ilang araw kong kasama si Psyche walang oras at minuto na hindi niya nasasabi ang pangalan ni Matthew." Kwento niya.
"I remember sinabi niya sa akin last time na mas okay pang mamatay nalang siya kesa sa mawalay sa kanya si Matthew." Sabi niya habang naka tingin kay Psyche.
"Kada gabi nakikita ko siyang pumupuslit para lang maka punta sa kwarto ni Matthew. Nag tataka ako kung bakit kaya naman sinilip ko siya non, then nakita ko. Kaya siya pumapasok sa kwarto ni Matthew kasi gusto niyang siguraduhing hindi na aalis si Matthew at hindi na siya iiwan nito. Sa bawat gabing ginagawa niya yun lagi ko din siyang nakikitang umiiyak." Napa lunok ako sa sinabi ni Amira.
"Sa tabi ng natutulog na Matthew, umiiyak siya at kinukwentohan ang natutulog na si Matthew ng mga ala-ala nila dati." Hindi ko mapigilang hindi mapalunok.
Kawawa ang pinsan ko.
"Doon ko nakita na sobrang mahal ni Psyche si Matthew. Doon ko naramdaman ma tunay siya mag mahal. Na kahit nasasaktan na siya hindi parin siya bumibitaw kasi totoong mahal niya si Matthew." Huminga si Amira ng malalim.
"Gago si Matthew." Sabi ni Jorgie at iiling iling.
"Kung ako kay Matthew mas pipiliin kong nasa tabi ni Psyche kahit na may amnesia ako o wala." Sabi ni Jorgie.
Natahimik kaming lahat ng biglang napatayo si Inigo habang naka tingin kay Psyche.
"Bakit?" Tanong ko.
"U-umiiyak si Psyche." Napa tingin ako sa naka higang si Psyche at doon ko nakita ang pag agos ng mga luha nya kahita na siya ay naka pikit.
"Psyche." Tawag ko at inabot ang tissue sa katabing mesa saka pinunasan ang luhang tumutulo kay Psyche.
Binuksan ni Psyche ang mga mata niya at kitang kita ko ang pagka pula non dahil sa pagiyak niya.
"A-ayus ka na ba? May masakit ba sayo?" Tanong ko. Hindi siya umimik.
"Psyche mag salita ka." Sabi ni Inigo.
Para siyang bingi na walang naririnig. Naka tingin lamang siya sa amin na parang inoobserbahan kami.
"Psyche--"
"Inigo kailangan niya mag pahinga, wag mo muna siya sermonan." Awat ko kay Inigo.
Napa lunok ako ng makita ko ulit ang pag tulo ng luha ni Psyche. Mas malakas iyon kesa kanina.
"Psyche bakit ka ba--"
"Payakap.... Please." Sabi ni Psyche sa amin ni Inigo kaya nagka tinginan kami ni Inigo at lumapit kay Psyche saka siya niyakap. Damang dama namin ang lungkot ni Psyche habang naka yakap siya sa amin. Pakiramdam ko pasan niya ang buong mundo sa sobrang bigat na kanyang dinadala.
"Stop crying insan." Sabi ko.
"I-iniwan niya na ako." Sabi niya kaya napa pikit ako ng marinig ang basag niyang boses.
"Sumama sya sa karibal ko."parang batang nag susumbong sa amin si Psyche.
Humiwalay ako ng yakap at hinayaan ko ang mag kapatid na yakapin ang isa't isa.
" wag ka na umiyak li'l sis. Tama na."pag papatahan ni Inigo sa kapatid niya.
"Bayaan mo na siya. Kalimutan mo na sya." Sabi ni Inigo at hinarap ang kapatid niya.
"Bukas na bukas uuwi tayo sa Japan. At puputulin natin ang lahat ng connection natin sa Matthew na yun." Sabi ni Inigo at muling niyakap ang umiiyak niyang kapatid.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
BINABASA MO ANG
He's my Fiance
Action|Complete| Bodyguard series She's my Bodyguard Book 1 She's my Girlfriend Book 2 He's my Fiance Book 3 Wherever you are, i will find you till the day we met again. i love you Matthew. Date finished: October 6 2019