Chapter 32

1.1K 26 9
                                    

Psyche POV

"Ayus na ba lahat ng gamit mo?" Tanong ni kuya sa akin. Tumango lang ako bilang pag sagot.

"Good, nasa baba na si Neon kasama ang asawa niya. Mauna na kayo aa airport may aasikasuhin lang ako saglit." Sabi niya at kinuha ang mga gamit ko. Nag simula akong mag lakad palabas ng kwarto ko ng matigil ako dahil nakita ko ang larawan namin ni Matthew na naka ngiting magkasama habang magka hawak ang mga kamay namin.

Naalala ko, wala pa siyang amnesia jan. Nasa tabi ko pa sya niyan at siya mismo ang pilit na nag papaalala sa akin dati dahil ako ang may amnesia.

Pinunasan ko yung luhang tumulo sa mga mata ko saka nag lakad palapit sa litrato at kinuha yun. Hinaplos ko ang mukha ni Matthew.

Hanggang dito nalang siguro tayo, wala na eh. Sumama ka na sa kanya. Mas pinili mo sya kesa sa akin na mas unang pinangakuan mo ng kasal.

Ngumiti ako saka kinuha yung litrato at lumabas sa kwarto. Itinago ko ang litrato sa bulsa ko saka deretsong nag lakad pababa ng hagdan.

"Hoy! Yung pagkain ayus na ba?"

"Tangina mo talaga Jello aalis na lahat lahat pagkain parin iniintindi mo!" Sigaw ni Jorgie na binabatukan si Jello.

"Aray tangina ikaw kaya mag alaga aa kambal namin ng maranasan mong magutom!"

"Yan gawa pa more."

"Mauna na ako sa airport." Sabi ko at nag lakad palabas ng bahay.

"Lil sis, hintayin mo nalang kami don." Sabi ni kuya. Tumango lang ako at kinuha ang susi sa kanya. Sumakay na ako ng kotse saka pinaandar ito.

Napa tingin ako sa orasan ko at nakitang 10:30 AM na. Hindi ko maiwasang hindi maluha dahil naisip kong ilang minuto nalang ay kasal na nila Matthew at Sharia.

Magiging masaya ba si Matthew pag si Sharia ang pinakasalan niya? Magiging ayus lang ba pag siya ang kasama niya? Ang dami kong tanong sa isip ko pero ni isa hindi ko magawang sagutin dahil si Matthew lamang ang makaka sagot non.

Kailangan pa ba ako ni Matthew? Kasi kung hindi na tangina aalis na talaga ako.

Napa lunok ako. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang pinaikot ang sasakyan ko at pina harurot papunta sa simbahan kung saan ikakasal sila Matthew.

Tanga na kung tanga pero, gusto ko lang makita kahit huling saglit si Matthew. Kahit iba ang kasama nya sa altar ayus lang makita ko lang sya na masaya sapat na sa akin.

Tumigil ang sasakyan ko sa harap ng simbahan at saktong 10:45 ako naka rating. Kitang kita ko mula dito sa loob ng sasakyan ang naka suot na Gown na si Sharia habang naka tayo sa harap ng naka saradong pinto ng simbahan.

Biglang umagos ang luha ko ng makita kong bumukas ang pintuan at tumugtog ang weeding song.

A/n: play You are the reason by Calum Scott

Sa pag pasok ni Sharia sa loob ng simbahan ang syang pag baba ko sa sasakyan ko. Nang hihina ako, nawalan ako ng lakas. Sobrang sakit pala tangina anong katangahan nanaman ba ito?

Nag lakad ako papunta sa gitna malayo sa pinto upang masilip ko ai Matthew na naka abang sa loob. Mula sa kinatatayuan ko kitang kita ko siyang naka tayo sa harap ng altar, naka suot ng pangkasal na damit at nakayuko.

Kitang kita ko din ang dami ng bisitang nasa loob ng simbahan na naka tingin kay Sharia habang nag lalakad sa gitna. Napa lunok ako.

Ano kayang pakiramdam na ang isang Matthew Z Chavez ang mag hihintay sa harap ng altar habang ikaw ay nag lalakad palapit sa kanya? Ano bang pakiramdam na maikasal kay Matthew? Tangina parang dati lang ako ang papakasalan niya pero ngayun ako itong nanunuod ng kasal niya.

Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko bigla akong napa upo sa  daan at napa hagulgol ng di oras. Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang larawan namin ni Matthew na nakuha ko kanina.

Tangina naman Matthew, ako ang unang nag Yes pero iba ang makaka unang mag I Do sayo.

Muli kong tinignan si Matthew na nasa loob, naka tingin lang siya sa sahig at hindi tumitingin sa bride niya.

Napa lunok ako dahil narealize ko na malapit na pala si Sharia sa pwesto niya.

Ang tagal kong hinanap ka Matthew, ang tagal kong umasa na magiging ayus ang lahat pag nakita kita pero hindi pala.

Nag kakamali ako. Tripleng sakit na ang nararamdaman ko. Hindi pa naman  Immune ang systema ko pag ikaw ang usapan.

Tumigil na si Sharia at kitang kita ko kung paano iangat ni Matthew ang tingin niya. Biglang kumabog ang puso ko ng makita kong naka tingin sya sa akin. Natigilan siya at para bang malungkot na naka tingin sa akin.

Don't tell me hindi ka masaya Matthew? Ilang beses akong lumuhod at nag makaawa sa harap mo para sumama sa akin pero sya parin ang pinili mo.

Huminga sya ng malalim saka binaling ang paningin kay Sharia. Sabi ko na nga ba, walang wala ako. Talong talo ako tangina.

Napa tingin ako sa ring finger ko kung saan naka suot ang singsing na binigay sa akin ni Matthew noong nasa gitna kami ng dagat.

Dahang dahan ko iyong hinubad at pinagmasdan.

Siguro tama nga si kuya, tama ngang putulin na lahat ng ugnayan ko sayo Matthew.

Binalik ko ang paningin ko kay Matthew na naka talikod na dito sa gawi ko. Katabi niya na si Sharia at kaharap ang pari.

Salamat sa lahat, hanggang dito nalang tayo. Salamat.

~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Last 4 chapty till the end bibeh's💙

He's my FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon