Prologue

1.4K 33 3
                                    

Ako si Avery Carley Benson at kontento na ako buhay ko, I’m happy with my family, and friends. Nagagawa ko rin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin kaya sa totoo lang wala na akong ibang mahihiling pa, kaya nga hindi na ako tumataya sa lotto, eh.

Isa akong Chef sa sarili kong restaurant, pinaghirapan ko ang pagtatayo roon kaya naman proud na proud ako sa sarili ko.

Pero isang araw, bigla nalang akong nabulabog sa pananahimik ko ng bumalik si JB sa bansa, ang akala ko sa states na rin ito mamamatay dahil doon naman na ito nakatira.

Sino si JB? Huwag niyo nang tanungin kung sino ang hudas na iyon! Pero malaki naman ang Pilipinas at kahit nasa iisang subdivision lang kami nakatira hindi naman siguro kami magkakasalubong ‘di ba? ‘di ba?

But JB is moving the heaven and earth magsalubong lang ang landas namin,ano bang problema ng lalaking ito bakit lapit ng lapit? Wa pake na ako sa kanya dahil matagal na akong naka move on, wa pake na ako kahit mas gumwapo siya ngayon, wa pake na ako kahit nakaka in-love pa rin talaga ang boses niya, at wa pake na ako kahit nagupumilit siyang maging kami ulit! Teka, anooo??!!

Whether I Like it or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon