CHAPTER XVI – Scandalous Event
NAPAMURA ako sa isip ko nang makita ko ang Mommy ko sa gitna ng stage, she really love getting all the attention. “Anong ginagawa niya rito?” asar na tanong ko sa sarili ko. “Excuse me saglit, Erie.” paalam ko, kailangang maka-usap ko si Mommy.
“Go ahead,” aniya pero halatang naguguluhan siya. Kilala niya ang Mommy ko. Mamaya nalang ako magpapaliwanag sa kanya. Sasabihin ko na ang lahat sa kanya, ang mga nangyari sa akin sa nakalipas na taon.
Agad akong umakyat sa stage. Ngumiti naman agad ang Mommy ko nang makita niya ako. “There you are,” sabi ni Mommy at yumakap sa akin. “Long time no see, you don’t even call me?” sabi niya na tila nag tatampo.
“What are you doing here, Mom?” diretsong tanong ko kay Mommy.
“Aww, iyan ba ang isasalubong mo sa akin. Bumiyahe pa ako galing sa LA para lamang makita ka.” Nakangiti pa rin siya, kahit alam kong kabaligtaran ang gusto niyang gawin. My mother loves attention but not in the bad way.
Huminga ako ng malalim, hindi ko gustong makipag-talo sa kanya. “You should have called me, and you know where I’m staying.”
“Kadarating lang namin kaninang umaga.”
“Then you should have come home, instead of appearing all of a sudden in this party.” Masama ang kutob ko sa pagdating ng Mommy ko. Nagtatalo kaming dalawa nang umalis ako sa States. Hindi kasi niya gusto ang pag-alis ko, ang Daddy ko naman ay walang pakialam kahit saan ako pumunta, tapos na kasi ang misyon ko. Ang gusto ng Mommy ko at ang palagi niyang pinag-pipilitan ay ang manatili ako sa States at pakasalan ang anak ng amiga niya. Iyon rin ang palagi naming pinagtatalunan dahil hindi ko makuhang pumayag sa mga gusto niya.
“Paano ko naman malalaman kung nandoon ka?”
Alam kong kaya niyang malaman kung nasaang lupalop ako ng mundo kung gusto niya kaya sigurado akong hindi iyon ang dahilan niya. Masama talaga ang kutob ko sa pagdating ni Mommy. Hindi ko pa nasasabi kay Erie pero matagal na akong walang komunikasyon sa pamilya ko, kahit ang kuya ko ay matagal ko nang hindi nakaka-usap. Itinakwil ako ng Daddy ko, it all started when I refused to marry the one and only daughter-slash-heiress of a big business lord in the states. Dianne was a good person, and a good friend but it wasn’t enough to marry her, against din naman si Dianne sa mga magulang pero wala siyang magawa. Our marriage would seal the deal between the two company, that’s why my father want this so much. And I refused to grant another wish from him, I can do all thing for him but not marrying anyone I doesn’t want to marry.
“Don’t do anything stupid mother.” bulong ko kay Mommy, wala akong pakialam kung masaktan siya sa sinabi ko. I had enough from her, from that f*cked up family.
Nakita ko ang paniningkit ng mga mata niya pero hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya. “Now you’re talking that way to me.”
Nawala ang atensiyon ko kay Mommy nang may kung sinong tumapik sa akin sa balikat. Nagulat pa ako ng makita si Dianne, kung ganoon binitbit rin pati siya ng Mommy ko, ilang sandali lang akong naguluhan pero agad na ngumiti sa kanya. Malapit na kaibigan ko siya kaya walang dahilan para magalit ako sa kanya. Pero ngayon sigurado na akong may kung anong binabalak si Mommy, or else hindi niya rito dadahin si Dianne.
“How are you?” nakangiting yumakap ako kay Dianne, ganoon rin siya.
“Same,” aniya. “Still gorgeous as always, and you still look like a monkey wala bang bago?”
BINABASA MO ANG
Whether I Like it or Not
RomanceCOMPLETED: What will you do if your ex want you back? And the worst part is, even though he does hurt you...you're still madly in love with him! Will you forgive and forget just to have him back and take all the risks? Or will you ignore all the fee...