CHAPTER VIII - Truth

343 16 4
                                    

CHAPTER VIII - Truth

KALEB was wasted when we leave him in his room. Nang masiguro kong maayos na siya ay saka ko lang siya iniwan sa kuwarto niya para magpahinga sa sarili kong kuwarto. Nang pumasok ako sa kuwarto namin ay mahimbing na ang tulog ni Yshe, hindi nga niya siguro naramdaman na dumating na ako. Hindi ko na rin siya gising para hindi maka istorbo. Nagbanlaw lang ako ng katawan at nagpalit ng damit tapos tinabihan ko na yung bruha na sa gitna ng kama trip matulog kaya sumiksik na lang ako sa kabilang gilid, malaki naman yung kama kaya nag kasya kami.

Ipinikit ko ang mga mata ko para matulog pero pakiramdam ko gising na gising ang diwa ko. I suddenly missed my room. I tried everything but I can’t sleep. Naubos na ang lahat ng tupa pati bakod ay dilat pa rin ako. Siguro dahil buong byahe namin papunta rito ay tulog ako kaya ngayon pinagdadamutan ako ng antok. Haiissshh ang daya naman, mabuti pa si Yshe naghihilik na ngayon. Nag pasya akong lumabas para magpa hangin, tutal marami namang tao sa labas, at sigurado rin naman akong kahit pilitin ko ay hindi pa ako makakatulog. Baka magising pa si Yshe dahil sa akin at malintikan pa ako.

Kaunti na lang ang tao sa beach dahil medyo maalon rin at madilim pa, ang karamihan ng tao ay nagsasaya sa bar sa hotel. Hindi ko napansin na mahaba na pala ang nalalakad ko, nakarating na pala ako sa dulong bahagi ng isla. Then I notice the small cave like, na may mga daanang bato. Ngayon ko lang napansin ang bahaging ito, hindi pa ako napapapadpad dito kahit kailan. Hmmmm, bukas pag gising ni Kaleb ay aayain ko siyang magpunta dito para pumasok sa cave muka kasing maganda ang tanawin sa loob, pero sa ngayon ay babalik na ako sa hotel, medyo nilalamig na rin ako. Sigurado pagbalik ko sa hotel ay makakatulog na ako. Malakas ang hangin at pati ang mga paghampas ng alon sa bato. Mukang uulan pa yata, kailangan kong magmadali.

Nagulat na lang ako sa sunod-sunod at malalaking patak ng ulan. Patay, wala pa naman akong payong at ang layo na ng hotel dito. Nakakaasar naman.

Tatakbo na sana ako pabalik ng hotel nang may biglang humila sa kamay ko. Magwawala na sana ako at manlalaban pero nakita ko kung sino ang basta na lang humila sa akin.

“JB? Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?” Hindi sumagot si JB at patuloy lang sa pagkakaladkad sa akin. Sa totoo lang hindi ko napansin na may nakasunod pala sa akin. Tsk. Next time kailangan kong maging observant sa paligid ko. “Saan mo ako dadalhin?”tanong ko dahil patuloy pa rin siya sa pagkaladkad sa akin.

Hindi siya sumagot, parang walang narinig na nagpatuloy sa paglalakad. Pumiglas na ako at pilit na kumawala sa pagkakahawak niya.

“Bitawan mo nga ako.”

“Huwag ka ngang eskandalosa, sisilong lang muna tayo dahil malakas ang ulan at malayo ang hotel.” Pumasok kami sa loob ng cave, maliit lang iyon at medyo madilim, nakakatakot. “Patilain lang natin ang ulan bago tayo bumalik.”

“I don’t care kahit mabasa ako ng ulan.” lumabas ako ng cave. Hanggat maari ay gusto ko sana talagang lumayo sa kanya. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ay hinigit na ako ni JB pabalik sa kuweba.

“Are you crazy? Halika nga dito, mas lalo kang mababasa niyan. Hindi mo ba nakikita kung gaano kalakas ang ulan? Baka mapahamak ka pa kapag pinilit mong bumalik. Let’s just stay here for a while.”

Tiningnan ko siya ng masama. Kinuha ko nalang ang phone ko sa bulsa. “Magpapasundo na lang ako dito, I don’t want to stay here.”

“Kanino ka magpapasundo, kay Kaleb? I don’t think he can come to rescue you now.” he said with a smirk.

Walang hiya ito, huh.“Kahit kanino.” iritableng sagot ko. Ang yabang kasi, eh.

 Pero mukang pinaglalaruan talaga ako ng langit at lupa dahil kahit isang bar ay wala akong masagap na signal. “Damn it, stupid cellphone.” Gusto ko ng ibato sa labas ng cave ang walang silbi kong cellphone. I have no other choice but to stay here, with him. Isa pa, sobrang lakas na talaga ng ulan, nakakatakot na ring suungin. Maging ang pag hampas ng alon sa gilid ng cave ay nakakatakot. Nawala na rin ang parang tulay na bato na dinaanan namin nung pumasok kami sa loob ng cave, baka natabunan na ng tubig. Hindi kaya abutin ‘tong cave kapag hindi huminto ang ulan?

Whether I Like it or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon