CHAPTER XVIII - Dream come true?

328 9 4
                                    

       

CHAPTER XVIII - Dream come true?

“NO, DON’T leave me JB. You can’t do this!” Patuloy lang ako sa pagsigaw kay JB, inalog ko siya ngunit hindi pa rin siya sumagot, nanatili lang siyang nakahiga. I can feel my hot tears running through my face. “JB!” Hinawakan ko ang maputla at malamig niyang pisngi. Gusto kong mapaiyak lalo nang maramdaman ko ang malamig niyang muka, walang kabuhay-buhay. “JB, talk to me.” Hindi pa rin sumagot si JB.

        Naramdaman ko ang kamay na humihila sa akin, pilit akong inilalayo kay JB. Nang lumingon ako ay nakita ko si Kaleb. “Bitawan mo ako Kaleb, hindi ko puwedeng iwanan si JB.” Umiling siya, nakikita ko na umiiyak din siya. “Bakit ka umiiyak Kaleb?”

        Hindi siya sumagot, patuloy lang siya sa paghila sa akin. Hindi pa rin ako sumama sa kanya. Hinawakan ko ang malamig na kamay ni JB. “Hindi ako aalis hanggang hindi gumigising si JB.”

        “Hindi na siya gigising--” may sinasabi pa si Kaleb pero hindi niya naituloy dahil biglang dumating si Mrs. Soriano.

        “Lumayas ka ditong babae ka,” sabi niya sabay tulak sa akin. “Pinatay mo ang anak ko. Lumayas ka rito, hindi kita gustong makita!”

        “Ano pong sinasabi niyo, hindi pa naman patay si JB, natutlog lang siya.” Muli akong lumapit kay JB sa kabila ng panghihla sa akin ni Kaleb. “Gumising kana kasi JB. Wake up!”

        “Lumayas ka, pinatay mo ang anak ko!” umiiyak na sabi ni Mrs. Soriano sabay tulak sa akin, na dahilan upang tumilapon ako. Napahampas ang ulo ko sa isang lamesa at nagdilim ang paningin ko sa sobrang sakit.

        Napahawak ako sa sentido ko. “Anong ibig mong sabihing pinatay ko siya? Buhay pa si JB.” Muli akong napahawak sa sentido ko dahil kumikirot iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko matigil lang sa pagkirot ang ulo ko. Napasabunot na ako sa buhok habang nanatiling naka-upo sa sahig. “Buhay pa siya..”

       “JB!” napabalikwas ako ng bangon, kasabay niyon ay ang pagpitik ng hindi maipaliwanag na sakit sa sentido ko. Lumingon-lingon ako sa paligid. Nag-iisa lang ako sa kuwarto, wala si JB, maging si Mrs. Soriano at si Kaleb. Panaginip lang ba ang lahat?

        Muli akong nahiga dahil sobrang sakit ng ulo ko, base na rin sa mga aparatong nakapaligid sa akin at sa dextrose na nakakabit sa braso ko ay malamang nasa isang hospital ako. Paano ako napunta sa lugar na ito? Ang huli kong naaalala ay nagmamaneho ako pabalik sa maynila ng bigla nalang… Bumangga nga pala ang sasakyan ko sa isang poste. At buhay pa rin ako.

        Biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at iniluwa niyon ang isang Doctor na may kasamang lalaki. Nagliwanag ang paningin nila ng makita ako.

        “Mabuti naman at nagising kana,” anito. “Doctor kamusta naman po ang lagay niya?”

        May tiningnan yung doctor sa hawak niyang papel. “Alam mo miss milagro ang nangyari sa iyo, isang tingin palang sa nangyari sa sasakyan mo hindi mo iisipin na buhay pa ang sakay niyon at to think na wala kang ibang pinsala kundi ang concussion mo sa ulo at ilang gasgas sa braso mo. Hindi ka nabalian kaya wala kang ibang dapat na problemahin. After one more day or two ay puwede ka nang makalabas sa hospital,” mahabang paliwanag niya. “For now, magpahinga kana muna para hindi na sumakit ang ulo mo, ibinigay ko na kay Mr. Torres ang reseta ng mga gamot na kailangan mong inumin. Mauuna na ako sa inyo, kung may kailangan kayong itanong puntahan niyo na lang ako sa may doctors office.”

Whether I Like it or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon