CHAPTER IX - Nothing's changed?

352 13 1
                                    

CHAPTER IX – Nothing's changed?

Erie

NAPAUNGOL na lang ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko ngunit agad akong napapikit dahil sa nakakasilaw na liwanag. "Turn off the lights!" sigaw ko, ang sakit sa mata ng liwanag.

"There's no light here, idiot." sabi ni Yshe na tumayo at isinara ang kurtina ng napakalaking bintana.

Napabangon agad ako sa pagkakahiga. Nasaan ako? Ano ba ang nangyari? The last thing I remember is that I'm dying freezing in the cave and the rain is pouring so hard.

"You're here in our room." sabi ni Yshe na mukang nahulaan ang iniisip ko. Nakatayo siya sa harapan ko at naka-crossed arm.

"H-How?"

Inismiran niya ako. "Kaninang umaga ay buhat-buhat na dinala ka rito ni JB. Basang basa ka at inaapoy ng lagnat. Kaleb immediately call a doctor."

"Kaleb? Alam ni Kaleb?" nagtatakang tanong ko.

"Oo naman dahil umaga pa lang ay kung saan-saan kana niya hinanap nang malaman niya na magdamag kang wala. Nagulat kami ng biglang sumulpot si JB habang buhat ka at nagdidiliryo ka sa lagnat."

"Wala akong maalala." Nalilitong sabi ko. Paano nagawa ni JB na buhatin ako mula cave hanggang dito?

"Oh, I bet."

Inabutan ako ni Yshe ng isang basong tubig na agad ko namang ininom dahil pakiramdam ko ay tuyo ang lalamunan ko. "Nasaan si Kaleb?"

"Hindi ko alam. Nagpapahangin siguro sa labas. Mamaya ay pupunta iyon dito kapag alam niyang gising kana."

Inilapag ko ang baso sa katabing lamesita. Kakaiba ang tingin sa akin ni Yshe at hindi ko iyon matagalan. "Yshe, I know you're expecting me to explain you everything, but can you wait until I feel okay?"

"You're okay now." sabi niya na pinag taasan ako ng kilay at nanatiling nakatayo sa harapan ko habang magka-krus ang mga braso. This is her serious look, so ibig sabihin kanina pa siya may gustong itanong sa akin. "You don't have any idea, don't you?"

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Naguguluhan ako. "What do you mean?"

"Well," Yshe sat in the chair infront of the bed. "When the doctor came here your in delirious state because of high fever and you keep on calling JB's name. Don't worry kaming dalawa lang ni Kaleb ang nakarinig ng mga sinabi mo, at si doctor syempre."

"I...What did I do?" gulat na tanong ko. Tama ba ako ng narinig?

Tinaasan lang niya ako ng kilay. No freaking way! I did not do that! Wala akong maalala na sinabi ko 'yon. Me? Calling JB in my sleep? No way.

"Yes, girl you did say that and I'm not bluffing. You got me curious, what really happened last night?"

"What exactly did I say?" kinakabahang tanong ko. Wala akong maalala na nagsasalita ako kapag tulog, well..paano ko nga naman malalaman kung tulog ako? Pero kahit na, malalaman ko pa rin 'yon, and this is the first time I heard that incident. Yshe never complain when we're sleeping together.

"Uhmm, nothing shocking. You're just proposing to him and you tell him that you love him sooo much you can't leave without him."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Are you f*ck*ng kidding me? Masasaktan ka talaga sa akin, kahit nasa bingit ako ng kamatayan I wouldn't say such thing!" Binato ko siya ng unan. Imposible naman kasi ang sinasabi niya.

"Oo na inimbento ko lang 'yon. Masyado kang pikon." ibinato niya pabalik sa akin yung unan. "Wala kang ibang sinasabi kundi pangalan ni JB. You're just keep calling JB's name. Totoo na 'yon promise, tanungin mo pa si Kaleb kung gusto mo."

Whether I Like it or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon