CHAPTER XII - A phone call during a live interview.

301 11 6
                                    

CHAPTER XII – A phone call during a live interview.

TANGHALI na ako nakabangon ng higaan. Paano ay medyo nag tagal kaming dalwa ni JB sa Karinderya ni Aling Nena, dahil nag-enjoy silang dalawa sa pag k-kwentuhan. ako naman, ginawa ko ang lahat para malakabas ng buhay, hindi ko maalala kung ilang beses akong nasamid at nabilaukan. At dahil medyo nag tagal kaming dalawa ay napa overtime ako sa office sa restaurant dahil tinapos ko pa ang mga babasahin at ibang mga papeles na kailangang pirmahan. Nagulat na nga lang ako ng makita ko si Kaleb sa harap ng restaurant, pinuntahan pala niya ako sa bahay namin. At ng hindi madatnan ay dumiretso na siya sa resto. Hinatid lang naman niya ako pauwi at ibinalik na run niya ang mga hiniram niyang DVD sa akin.

         Ang maganda lang kapag sarili mo ang boss mo ay puwede kang pumasok kahit anong oras mo gusto. Hindi ko kailangang mangarag kapag malapit na akong ma late o tumakbo kapag traffic dahil may banggaan sa kalsada.

        Inabot ko ang cellphone sa side table, at nakita kong may five text mesages, apat kay JB at isa kay Kaleb. Kusang gumalaw ang daliri ko at binuksan ang message ni JB.

        ‘Good night, sleep well.’

        ‘Try not to dream of me ;)’

        ‘Good morning gorgeous!’

        ‘Boring meetings, how’s your day sweetheart?’

        Ilang minuto kong tinitigan ang mga text ni JB bago ko binuksan ang message ni Kaleb.

        ‘Morning :) huwag mong kalimutan yung birthday ni Dad mamaya, susunduin kita, huh. He’s expecting you there. Huwag masyadong magpaka-busy, kain ng madami <3 smile :D

        Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko maiwasan na matuwa kapag naaalala ko si JB, and I can’t believe I actually dream of him last night! Pero bakit parang nagi-guilty ako kapag naiiisip ko si Kaleb? Magkaibigan lang naman kami, pero hindi lingid sa kalaman ko na may gusto siya sa akin kahit na pilit kong binabalewa iyon. I need Kaleb in my life, but as my super close best friend. Nasanay na ako sa presensya niya. Pero hanggang ganoon lang, wala ng iba. Hindi ko siya napa-panaginip-an, hindi rin ako nag b-blush sa ka-sweetan niya, hindi rin ako nasasamid sa panunukso niya sa akin at higit sa lahat hindi lumulundag ang pesteng puso ko kapag ngumingiti siya sa akin. Naaasar na nga ako dahil hanggang ngayon ay malakas pa rin pala ang epekto ni JB sa akin, at dahil nag kalinawan na kami ay pinapayagan ko na siyang muling lumapit sa akin.

        “Masama ang masyadong nag-iisip, nakaka baliw. Sayang ang ganda ko kung mababaliw lang ako.”

Maliligo na lang ako at didiretso sa resto, mas mabuti na yung trabaho ang pinag kakaabalahan ng utak ko hindi mga kung anu-anong bagay.

        Pagpasok sa loob ng office ko ay napansin ko agad ang isang bouquet ng bulaklak na nakalapag sa lamesita. May ideya ako kung kanino iyon galing, pero hindi ko pa rin maiwasang mapangiti ng makita ang pangalan ni JB sa note.

        Hello lovely, miss me already? You are always free to call me, and I will answer right away kahit nasa gitna pa ako ng meeting :)

        Inipit ko ang note niya sa maliit na kalendaryo sa lamesa ko gamit ang isang pin. Tinitigan ko iyon at paulit-ulit na binasa. I sigh. “JB, what are you doing to me?”

        Sa tingin ko hindi na ako makakapag concentrate sa pag-iintindi sa mga papeles kaya tumayo na lang ako at pumunta sa kusina. I love to cook whenever I’m stress, and right now I'm stressed. Usually sa work ako nai-stress pero ngayon hindi, kay JB ako nai-stress, kung bakit ay hindi pa rin ako masyadong sigurado.

Whether I Like it or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon