CHAPTER XIX – Undying love
Kaleb
NAPABUNTONG hininga nalang ako sa harap ng manibela habang pasulyap-sulyap kay Erie na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa kasi siya nakatulala sa kawalan habang patuloy lang na umiiyak. Wala akong sinabi na nakapagpatahan sa kanya. Kilala ko si Erie, alam kong sinisisi niya ang sarili niya sa mga nangyayari ngayon kay JB. Sana talaga walang mangyaring masama kay JB. Aminado naman ako na ilang beses ko na siyang pinatay sa isip ko pero never ko namang hiniling na may mang-yaring masama sa kanya sa totoong buhay. Isa pa, hindi ko kasi gustong nakikita ng ganyan si Erie, napaka-miserable niya ngayon at wala siyang ginawa kundi iyak lang ng iyak. Ang kilala kong Erie ay napaka-masayahin, yung tipong tinatawanan lang ang mga problema. Hindi ko ulit maiwasang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Mukang mahal talaga ni bestfriend si JB, hindi naman ako ipokrito para hindi masaktan.
“Stop crying.” utos ko kay Erie, hindi manlang siya lumingon sa akin, pakiramdam ko nga ay hindi niya ako narinig. “He will be fine.” Hangin yata ang kinakausap ko.
Mabuti nalang at walang traffic kahit hapon na kaya mabilis lang kaming nakaputa sa hospital na sinabi ni Yshe kanina noong kausap ko siya sa phone. Inalalayan ko si Erie papasok sa hospital, wala pa rin kasi siya sa sarili niya. Dumiretso na kami sa floor na sinabi ni Yshe at nadatnan namin silang lahat na nag-aabang sa tapat ng operating room. Nakaupo sa mahabang bench ang Mommy ni JB at ang hindi ko kilalang babae na napalingon lang sa akin nang dumating kami. Si Yshe naman ay nakatayo lang at mukang inaasahan na ang pagdating namin.
“W-Where’s JB?” Napalingon ako nang magsalita si Erie sa tabi ko. Ito ang unang beses na nagsalita siya simula noong malaman niya ang balita.
“He’s still inside.” sagot ni Yshe. “Mag-iisang oras na siyang nasa operating room, wala kaming balita sa lagay niya.”
Napatulala na naman si Erie at dahan-dahang naglakad patungo sa pintuan ng operating room. Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Yshe. Sinundan ko siya, baka sakaling pilitin niyang makapasok sa loob. Pero pagdating sa tapat ng pinto ay huminto na rin siya. Ilang sandali na rin siyang nakatitig lang sa pintuan, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tsk. Mukang nababaliw na si bestfriend, patay tayo diyan.
“Mukang matatagalan pa sila sa loob, maupo ka muna hija.” Napalingon kaming lahat nang mag-salita ang Mommy ni JB na kanina pa nakamasid sa amin. Si Erie lang ang hindi lumingon dahil nanatili lang siyang nakatulala sa tapat ng pintuan, hindi nga ako sigurado kung narinig niya ang sinabi ng Mommy ni JB.
Nilapitan ko na si Erie at hinawakan sa balikat. “Let’s seat, hindi rin maganda ang lagay mo kaya mas makabubuting maupo kana muna.” Bulong ko sa kanya at iginiya siya sa may bench hanggang sa maka-upo siya. “I’ll just get you some food.” Sinulyapan ko si Yshe, tumango lang siya sa akin. Nagkaintindihan na kami sa lagay na iyon, siya na muna ang bahalang tumingin kay Erie.
Pagkalabas ko ng hospital ay dumiretso ako sa katabing convenience store at bumili na ng pagkain at inumin para sa lahat. Habang hinihintay ko na initin ang pagkaing binili ay umubos muna ako ng isang stick ng yosi. Hindi naman talaga ako nagsisigarilyo dahil masyado akong health conscious at isa pa pagagalitan lang ako ni Erie kapag nakita niya ako. Pero kailan lang ay natuto akong manigarilyo, noong nag-away kaming dalawa, pakiramdam ko kasi ay gusto kong magrebelde.
Totoong hindi na masama ang loob ko sa kanya at kung si JB ang pinipili niya ay wala akong problema. Wala rin naman kasi akong magagawa kung siya talaga ang mahal ng kaibigan ko, hindi naman ako puwedeng tumutol dahil hindi ko gustong magalit si Erie sa akin at mawalan pa ako ng isang bestfriend. Puwede ko pa rin siyang mahalin kahit si JB ang mahal niya, ang importante lang naman talaga sa akin ay ang makasama ko siya. At ngayon, hindi ko malaman kung nasasaktan ba ako dahil nakikita ko ang pag-aalala niya kay JB o nasasaktan ako kasi alam kong nasasaktan siya ng husto. Kung puwede nga lang ilipat sa akin ang mga nararamdaman niyang sakit ginawa ko na.
BINABASA MO ANG
Whether I Like it or Not
RomansaCOMPLETED: What will you do if your ex want you back? And the worst part is, even though he does hurt you...you're still madly in love with him! Will you forgive and forget just to have him back and take all the risks? Or will you ignore all the fee...