CHAPTER II - Flashback (My Childhood Sweetheart Part I)

729 17 17
                                    

CHAPTER II - Flashback (My Childhood Sweetheart Part I)



"JABOOOO!!!!" hinihingal na sigaw ko, ang bilis kasing maglakad ng kurimaw na ito, eh! Haissshh. 

"Bakit Avery Carley Benson? And how many times do I have to tell you, don't call me Jabo, ang baduy-baduy 'nun. It's JB, okay. Jeybi!"

I just rolled my eyes. "Mas bagay sa'yo ang Jabo, kasing baduy mo." John Bryan Soriano ang totoo niyang pangalan at JB ang tawag ng mga kaibigan niya sa kanya, pero ako minsan tinatawag ko siyang Jabo. Sumimangot siya kaya natatawang inakbayan ko na lang siya. "Anyway, kaya kita tinatawag dahil gusto ko sa'yong ipatikim ang niluto kong kakanin. Iluluto ko sana 'to sa tropa kapag pumuta sila sa bahay. Pero sa'yo ko muna ipapatikim, i-rate mo, huh."

"Baka naman bumula ang bibig ko d'yan, huh."

"Yabang mo. Saka kailan ka pa nakatikim ng luto ko na hindi masarap, aber? Pasalamat ka pa nga ikaw ang una kong pinapatikim, eh."

"He he, joke lang best friend, ito naman hindi na mabiro." Pinisil niya ang ilong ko, na madalas niyang gawin. "Ano ba ang niluto mo ngayon?"

"Bico." asar na hinampas ko ang kamay niya.

"Okay? So, what's special with your bico?" sabi niya habang binubulatlat ang dala kong paper bag.

"Wala naman talaga, pero hinaluan ko ng pinya ang bico na 'yan para lang may flavor. Maganda naman ang kinalabasan, at saka kapag ako ang nagluto special talaga." Nakarating na kami sa puno namin, hehe, hindi naman sa inaangkin namin yung puno pero doon talaga kami madalas na nakatambay na dalawa. "Tikman mo."

"Wait" Hinubad niya yung suot niyang polo at inilatag sa damuhan. "Here, dito ka umupo para hindi ka madumihan."

"Pero madudumihan ang polo mo."

"That's fine, may extrang uniform pa ako sa locker. At saka, pame-meriendahin mo naman ako kaya okay lang. Just sit down, huwag nang makulit."

"Yes, sir!" nakasaludong sabi ko, pero sa loob-loob ko gusto kong ngumiti ng maluwag. Mapang-asar man ay napaka-sweet talaga ng loko. Binuksan ko ang dala kong baunan at ibinigay sa kanya.

"Sweetheart, baka naman may gayuma 'to, ah!"

"Grabe ka, kung ayaw mo edi wag mo." sabay bawi.

"Hehe, joke lang, eto na nga oh kakainin na." binawi niya ng bico sa akin. "Sa bagay, hindi mo na ako kailangang gayumahin."

"Huh?"

"Hehehe" Nag peace sign lang siya sa akin sabay subo ng niluto kong bico. Ilang sandali siyang hindi nagsalita at tahimik na kumakain lang.

"What? What can you say?" excited na tanong ko.

"I love it!" sabi niya habang patuloy na kumakain.

"Totoo?"

"Oo naman, mukang kukulangin nga sakin itong dala mo, eh. Ang sarap mo talagang mag-luto, puwedeng-puwede ka na." sabi niya habang puno ng laman ang bibig. "Magdala ka ulit next time."

"Ubusin mo nga muna ang laman ng bibig mo bago ka mag salita, tumatalsik eh." sabi ko kasabay ng mahinang pag hampas sa braso niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil nagustuhan niya ang niluto ko. Sa sobrang tuwa ko nga ay parang gusto ko siyang ipag baon araw-araw. "Ano yung sinasabi mong puwede na, saan naman?"

Ngumisi siya sakin bago nag salita. "Puwede ka nang pakasalan."

Pakiramdam ko ay namula ang buong muka ko sa sinabi niya. "M-Matagal pang mang-yayari iyon, napaka bata ko pa."

Whether I Like it or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon