CHAPTER XVII - Accidents Happen

252 9 1
                                    

CHAPTER XVII – Accidents Happen

 

 

Erie

MAHIGPIT ang pagkakahawak ko sa manibela ng sasakyan habang mabilis na nagmamaneho, mabuti nalang pala at pinasunod ko kanina sa driver itong sasakyan ko dahil hinatid ako ni JB sa resort, sinabihan ko nalang si Mang Gusting na umuwi mag-isa. My tears are streaming down through my face, I can’t almost see the road because it makes my vision blurry. Pero kahit na ganoon ay wala akong balak na bagalan ang pagmamaneho ko ng sasakyan, I need to go away as soon as possible.

        Hindi ko na rin alam kung ano na ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito, I’m just reacting by impulse. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako ng husto na hindi ako makapag-isip ng maayos dahil doon. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako niloko ni JB, kung may fiance na pala siya gaya ng sabi ni Tita bakit pa siya lumapit-lapit sa akin, bakit niya pa ako ulit pinaibig? Hindi pa ba siya nakuntento sa ginawa niya noon? Ano ba ang kasalanang nagawa ko sa kanya at paulit-ulit niya akong sinasaktan. Parang tuksong pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Kaleb noong nag-away kaming dalawa.

        Huwag mo namang ipahalata na ibibigay mo ang lahat para sa kanya, para naman may matira sa’yo kapag iniwan ka ulit niya!

        Mapait na napangiti ako, tama si Kaleb sa isang bagay...iiwan ulit ako ni JB. Mabuti na lang din at hindi ko pa sinasabi sa kanya na mahal ko pa rin siya dahil kapag nagkataon mas mag-mumuka akong kawawa at katawa-tawa sa paningin niya, kung hindi pa nga ako mukang katawa-tawa sa lagay na ito.

        Muling nanlabo ang paningin ko kaya pinunasan ko gamit ng braso ko ang aking mga mata, at nang muli kong makita ang daan ay ganon na lamang kalakas ang pagmura ko ng makita ang kasalubong na sasakyan. “Fuck this stupid car! Dammmmmnnniiiit!” Ang nakasisilaw na ilaw ng sasakyan ay halos magpabulag sa akin. Kinabig ko ang manibela para iwasan ang kasalubong na sasakyan. Paano ba kasi napunta diyan ang bobong sasakyan na iyan. “Shit!” Saka ko lang napansin na ako pala ang nalihis ng lane dahil nasa left side na ako nagmamaneho ng sasakyan.

        Tinangka rin ng sasakyan na iwasan ako kaya pinihit nito ang sasakyan nito sa kanan, pero kahit anong gawin niya ay huli na masyado kasing mabilis ang pagpapatakbo ko. Kahit anong pag-iwas niya ay natamaan pa rin niya ang bumper ng sasakyan ko, at dahil doon ay nagpaikot-ikot ang sasakyan ko sa gitna ng maluwag at madilim na kalsada na parang turumpo. Mariin kong tinapakan ang preno. Nang mga oras na iyon wala akong ibang iniisip kundi si JB. Gusto kong sigawan ang sarili, mamamatay na ako at lahat pero siya pa rin ang laman ng utak ko. Gusto ko kapag namatay ako sa aksidenteng ito ay sisihin ni JB ang sarili niya para kahit papano ay makaganti man lang ako.

        Ipinikit ko ang mga mata ko, bahala na...I’m good as dead anyway. Binitawan ko ang manibela at mariing ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang malakas na paghampas ng sasakyan ko sa kung anong bagay, at kasunod niyon ay ang paghampas ng ulo at katawan ko sa manibela. Mabuti nalang kahit papano dahil sinuot ko ang seat belt ko. Halos hindi ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa sentido ko kaya napaiyak na lang ako. The physical hurt is helping me to divert my attention from the real problem.

        Bukod sa ulo ko ay wala na akong nararamdaman pang ibang sakit. I tried to open my eyes, surprised that I’m still alive, umusal ako ng maikling pasasalamat sa Panginoon. I realized I still want to live.

        Tumama pala ako sa isang poste, at nawasak ang unahan ng sasakyan ko, nagkalat ang mga basag na salamin sa paligid, at alam kong ang iba sa mga iyon ay nakabaon sa balat ko. Nagawa ko pang lingunin ang nagbukas ng pinto ng sasakyan ko. Hindi ko malaman kung malabo pa rin ba gawa ng luha ang mga mata ko dahil hindi ko makita kung sino ang kaharap ko.

Whether I Like it or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon