“NAKAKAASAR naman, bakit ngayon pa?” nanggigigil na sinipa ko ang gulong ng sasakyan ko pero mukang gumanti ang sasakyan dahil ako lang din naman ang nasaktan sa ginawa ko. “At gumaganti ka pa talaga, huh.”
“Hoy, baliw nagsasalita ka nanaman mag-isa diyan. You really need to go to the mental hospital” sabi ng bagong labas kong kapatid, dire-diretso ito sa sariling motorsiklo.
“Hoy din Kevin, huwag mo akong tawaging baliw. Baka nakakalimutan mo mas matanda ako sa’yo.” Parang walang narinig ang loko na nag start na ng sasakyan, nilapitan ko nalang ang loko kong kapatid. “Nasira ang sasakyan ko, puwedeng sumabay na muna ako sa’yo ngayon? Idaan mo muna ako sa restaurant bago ka tumuloy sa school”
“Say please”
“Please mo muka mo. Inuutusan kita, mas matanda ako sa’yo.”
“Sorry ATE pero nag mamadali ako.” Iyon lang at isinuot na niya ang helmet at mabilis na pinaharurot ang motorsiklo.
“Tingnan mo ang isang ‘yon. Nakakaasar talaga!” Hindi na nga ako pinasakay, pina kain pa ako ng alikabok nito. Makakatikim talaga siya mamaya sa akin.
Kinuha ko na lang ang bag ko loob ng sasakyan, wala akong choice kundi sumakay ng taxi. At bago ako makarating sa sakayan ng taxi kailangan ko pa munang mag lakad ng ilang kanto palabas sa subdivision namin. Minamalas talaga, kung kailan ko pa naisipang pumasok ng maaga saka pa ako mamalasin. Grrr.
“Anong kaguluhan ang nangyayari dito? Nag aaway nanaman ba kayo ng kapatid mo?” nakapameywang na tanong ni Mommy.
“Siya ang nang aaway, Mom. Oh, siya mauna na ako para maaga akong makarating ng restaurant. Bye.” hinalikan ko sa pisngi si Mommy bago tuluyang tumalikod.
“Teka, mag lalakad ka? What happen to your car?”
“My car decided to take a vacation, Mom.” Mag kasalubong na kilay lang ang isinagot niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako, mukang hindi niya na-gets. “Na flat, okay?”
“Ah, linawin mo kasi. Kung na-flat ang sasakyan mo sumabay ka na lang kay Kaleb, tawagan mo siya at papuntahin dito para naman makita ko na ulit ang guwapong muka niya.”
I just rolled my eyes. “Kung gusto mo siyang makita edi tawagan mo siya at mag date kayo.”
“Hindi ka mag seselos?”
Natawa ako, game talaga sa kulitan ang Mommy ko kaya magkasundong magkasundo kaming dalawa, eh. “Bakit naman ako mag seselos, boyfriend ko ba siya?”
“Pero anak, siya ang future son-in-law ko. Mag papakasal kayo balang araw.”
“Sinong may sabi?”
“Ako.” mabilis na sagot nito. “At gusto na rin siya ng Daddy mo, even your baby brother like him. Sa dinami dami ng nanligaw sa’yo sa kanya lang kami boto. Kaya anak, pakasalan mo na siya, okay. Siguradong magiging maganda at guwapo ang magiging apo namin dahil magandang lalaki si Kaleb.”
“Oh my God, Mom” nasapo ko ang noo ko. Mabilis talaga akong tatanda sa pinag sasabi ni Mommy. “Naririnig niyo ba ang sarili niyo? Kaleb is my bestfriend, hindi siya nanliligaw sakin. Ikaw lang ang nag iisip ng kung anu-ano.”
“Anak, hindi ko maintindihan kung manhid ka ba o tanga ka lang talaga.”
“Ouch, ang sakit mo naman mag salita, Mommy. I just don’t want to assume anything, okay. Assuming leads to a big disappointment, d’you know that?” I can say that base on my experienced. Minsan na akong na disappoint sa isang tao, at hindi ko nagustuhan ang ganong pakiramdam. Malaki siguro ang naging epekto niyon sa akin, kaya ganito ako mag isip ngayon. “Anyway, Mom. I really have to go. Baka kapag hindi nasilayan ng mga empleyado ko ang ganda ko ay mag bigti sila bigla, mahirap pa naman mag hanap ng empleyadong mahuhusay at loyal ngayon.”
BINABASA MO ANG
Whether I Like it or Not
RomanceCOMPLETED: What will you do if your ex want you back? And the worst part is, even though he does hurt you...you're still madly in love with him! Will you forgive and forget just to have him back and take all the risks? Or will you ignore all the fee...